"HAPPY BIRTHDAY, MAXY!"
"CHEERS!"
"YUHOOOOOO!"
We are all enjoying our time right now and drinking with the friends. Pagkarating na pagkarating ni Max at ng boyfriend niya ay agad naman kaming nagsimula magparty dahil ang tagal namin silang hinintay.
We all greeted Max an advanced happy birthday, and some got him gifts pero kami ni Lei ay sa mismong birthday celebration na ibibigay.
Lahat ay nagkakasiyahan at nagsasayawan dito sa loob ng VIP room, even myself.
I really wanna enjoy this night.
"Yes, girl!" sigaw ko kay Lei na nagse-sexy dance sa harap ni Troy.
Kanina pa sila naghaharutan dalawa and it makes my eyes hurt so much from seeing them flirt.
"Come here, Wave!" sigaw ni Maya at Lei sa akin dahil nasa gilid lang ako umiinom.
"I'm not yet drunk, guys!" sigaw ko pabalik.
Hindi pa ako confident magwalwal ngayon dahil kaunting alak pa lang ang naiinom ko. I'm not even tipsy yet. May hiya pa akong nararamdaman ngayon.
"Dali na, 'te!" hinatak naman ako ni Lei sa gitna at bigla akong sinayawan.
Nagsigawan at tawanan naman ang ibang mga bisita ni Max at sumunod din si Max sa gitna at nakipagsayaw, "Happy birthday to me!"
"Happy birthday, Maxy girl!" I greeted and danced with him a little.
"Thank you, babe! Ipakita mo na kung sino ka!" he shouted in the middle of the loud music.
"Huy, shut up!" tumawa naman ito habang patuloy na sumasayaw.
Halos lahat ay nasa gitna because this VIP room can accommodate probably 50 people and it's kind of really big kaya hindi siya suffocating unlike other bars and clubs. It's like having a bar inside a bar dahil may sarili rin kaming dj sa loob.
Ganyan kayaman si Max.
Gumigiling giling naman ako katabi si Lei, Maya, Troy, Max and his boyfriend. We are all enjoying right now.
"Oh eto," alok ni Troy sa akin ng isang tequila at lemon.
Inabot ko naman ito sabay tungga ng alak, "Ayan si Wavy ko!" sigaw ni Lei.
Lahat kami ay nagpatuloy uminom habang nagkakasiyahan. Marami naman akong nakilala na ibang friends ni Max at ng boyfriend niya.
There's also this guy.
I've been ignoring him kahit na nararamdaman ko na nakatingin siya sa akin. Hindi ako assuming ha, kasi I always caught him staring at hindi niya iniiwas. My goodness.
Ano bang gusto niya? Magsorry ako?
Mamaya, kapag lasing na.
After dancing ay naupo naman na agad kami sa table namin at pinagpatuloy uminom habang ang iba ay nagk-kwentuhan. Some are also playing.
"Laro rin tayo," aya ni Max sa aming lahat.
"What do you want to play?" tanong ng jowa niya sa kanya.
"Ikaw," bulong ni Max pero rinig naming lahat.
"Tangina mo!" sigaw ni Lei.
"Inggitera ka talaga kahit kailan!" balik ni Max na ikinatawa naming lahat.
Para talagang aso't pusa ang dalawang 'to.
"Hanggang dito ba naman," pagsaway ko.
"Let's just play the ultimate game," sabi ni Maya.