Huminga ako nang malalim at luminga linga sa paligid ko. Nandito na ako ngayon sa gym ng hotel pero hindi ko magawang umusad sa kinatatayuan ko ngayon. Bakit nga ba kasi ako nandito ngayon?
Para i-delete ang video.
Right. Kaya mo 'yan, Wave!
As I made my way inside the gym, I felt nervous because of its size and the crowd of people working out. I started looking around for his sign, trying to navigate through the sea of people with their backs on me.
Inilinga linga ko ang mata ko sa paligid at hinanap kung nasaan si Theo ngayon. Pero bakit puro ang g-gwapo rin at ang lalaki ng mga muscles ng mga nandito? Fudge!
"Hi, are you lost?" someone said behind me.
Napaharap naman agad ako sa nagsalita sa likod ko and I gasped.
I gasped because of the large body towering over me. My heart raced as I tried to make sense of the situation. Was this person natural? I couldn't tell. All I could do was try to stay calm and figure out a way to reply.
It felt like an eternity before he stepped back, giving me some space to breathe. I took a deep breath and tried to compose myself, but my mind and heart were still racing with nervousness.
"Hey, are you okay?" ikinaway niya ang kamay niya sa mukha ko.
Bigla naman ako natauhan at napangiti, "Hi! Uhm.. I'm okay haha. I was just looking for someone..."
Nginitian naman niya ako at inilahad niya ang kamay niya, "Okay.. I'm Paul, what's your name pretty?"
Kinamayan ko siya at ngumiti rin, "I'm Wave."
"What a nice name for a pretty girl," he said winking at me.
Bola.
"Uh haha.. uhm yeah thanks!" Shet hindi ko na alam sasabihin ko.
Nasaan na ba kasi si Theo?
"Do you work out?" he asked.
Okay.. gwapo siya at maganda ang katawan pero hindi ba halata na hindi ako interesado? Isn't obvious?
Tangina Theo magpakita ka nga!
"No, she doesn't."
Napatingin kami parehas ni Paul sa nagsalita at nanlaki ang mata ko nang si Theo ang nakita ko. He is naked! I mean topless! Shit bakit ang gaganda ng mga katawan nito? Mag work out na rin ba ako?
"I can teach you," sagot ni Paul nang hindi tinitignan si Theo and I awkwardly laugh.
"It's ok-"
"She doesn't need help from you," singit ni Theo.
"I'm talking to Wave here, not you bro," parang nagkakainitan ang dalawa at nararamdaman ko rin na nagsisitinginan sa amin ang ibang mga nag w-work out.
"And she doesn't want to talk to you, can't you see the sign?" madiin ang pagkakabigkas ni Theo.
Bago pa man magpang abot ang dalawa ay hinili ko na si Theo sa isang gilid, "Nice talking to you, Paul!"
Nang makarating kami sa isang gilid ni Theo ay hindi niya ako tinitingnan. Napairap ako sa kawalan saka siya hinarap ng maayos.
"Theo," tawag ko dito kaya napatingin na siya sa akin.
"What the hell are you doing here?! If you're looking for Leon, he's not here," galit na sabi nito.
Ang init naman ng ulo nito.
"Hindi si Leon ang hanap ko," sagot ko dito na naiinis.
"Who are you looking for then? Huh? Someone who can teach you a workout? Park? Yung lalaki kanina?" inis na tanong din nito.