"Hindi kana babalik sa school na yon Cathlene!"
Kanina ko pa pinipilit si dad na mag enroll ulit ako sa school na yon. 4th year na ako. At ayaw kong matapos ang highschool life ko ng hindi ko maipaparamdam kay Marcus ang ipinadama niya sakin.
Two years na ang nakakalipas ng ipahiya niya ako at ipamukha sakin na ginamit niya lang ako. Kaya ngayon im giving him back the favor.
Ipapadama ko sakany kung paano mapahiya sa maraming tao at kung paano pagmukhaing ginagamit ka lang ng isang tao. At kung paano maging misirable ang buhay mo. Humanda siya!
Kaya dapat ma convince ko si dad na bumalik sa school na yon.
"Please dad. Ang tagal na non. Naka move on na ako. Please dad"
May halong paawa effect na ang pangungulit ko kay dad.
"Pero Cathlene, ayaw ko ng masaktan ka pa ulit ng mga yon. Dahil baka hindi ko na alam ang magawa ko sakanila kapag na ulit pa yon. Bakit ka pa ba umuwi dito. Eh ang ganda na ng studies mo dun sa states kasama ng mom mo"
Halata ng galit si dad. Pero hindi pa rin ako titigil until he'll say yes.
"Dad i have unfinished business ng pumunta kami ni mom dun. Kaya please payagan mo na ako dad. Let me correct my mistakes"
Sa puntong ito parang bumigay na si dad sa kakulitan ko.
"Hay. Okay okay. Pero kapag may nangyaring hindi ko gusto sa pag-aaral mo sa school na yan. Mag fa-flight ka kaagad papuntang states"
Napayakap ako kay dad dahil sa narinig ko.
"Thanks dad. Don't worry. I'll be fine. I promise"
"Siguraduhin mo lang Cathlene"
"Yes daddy"
Lumabas na ako ng kwarto ni dad na may ngiting tagumpay.
Pumasok na ako sa kwarto ko at umupo sa dresser ko. Kinuha ko yung picture ni Marcus.
"I'm coming back Marcus, so be ready for my revenge"
Ibinalik ko na yung picture niya sa drawer ng dresser ko. Yung picture niyang kasama ang mga barkada niyang pinagtawanan ako at si Martina na inapi ako.
Sa pag stay ko dun sa states marami ang nagbago, marami ang nawal at marami ang naging better.
Hindi na ako yung Cathlene nasunod sunuran sa iba. Hindi na ako yung Cathlene na binu'bully dahil panget. Hindi na ako yung Cathlene na uto-uto. Hindi na ako yung Cathlene na pinaglalaruan at hindi na ako yung Cathlene na ginagamit lang.
Ako, ako na si Cathlene na sinasamba. Ako na ngayon yung Cathlene na pinag-aagawan at ako na ngayon yung Cathlene na pinaglalaruan at pinapa-ikot ang mga lalaki. Im the Cathlene who will break your heart into pieces na hindi na mabubuo kahit kelan.
Umupo ako sa kama ko at kinuha ko yung laptop. Nag log in ako sa facebook.
Lagi akong updated sakanila. Syempre kailangan pag handaan ang lahat. Gusto ko kasi yung magugulat lahat sa pag babalik ko lalong lalo na silang anim.
Pumunta ako sa wall ni Marcus. At nakita ko yung picture nila ni Martina na nasa EK.
Mukhang magiging masaya ang pagbabalik ko. Magiging madali ata ang pag hihiganti ko.
Clinick ko yung picture nila at tinignan kong mabuti.
"Hindi na mag tatagal ang mga ngiti niyong yan. Dahil kapag bumalik na ako mawawala lahat yan"
Nag log out na ako. Dahil masyado na akong na eexcite kapag nakikita ko sila. Next day na ang pasukan at bukas mag eenroll na ako.mag papa enroll nalang ako isa sa mga maids namin. Para mas safe.
BINABASA MO ANG
The Heartbreaker
Teen Fictionbakit kasi mayroon mga lalaki na mahilig manggamit at pag laruan ang mga damdamin ng mga babae? akala ba nila laruan lang kami? bakit may mga lalaki na nag papaiyak at na nanakit ng mga babae? tigin ba nila punching bag ang mga puso namin? eh ano na...