"Mahal na mahal kita, please wag mo naman gawin sakin to"
Iyak ako ng iyak. Wala akong pakialam kung pag tinginan na kami ng mga estudyante dito sa school. Wala din akong pakialam kung ako ang pag pyestahan nila sa social medias. All I care is all about us.
Mahal na mahal ko siya kaya kahit mapahiya ako gagawin ko basta wag lang siyang mawala sakin.
"Maawa ka sa sarili mo Cathlene." Cold na sabi niya.
"Please Marcus. Wag"
Nakaluhod na ako.
"Ano ba! Wag ka ngang gumawa ng skandalo dito! He's mine! Go away Bitch!"
Sigaw niya at sabay tulak sakin dahilan para mapahiga ako.
Yung mga kaibigan niya pinagtatawanan lang ako.
Papalapit sakin si Masrcus at tinulungan akong makaupo. Pag kaupo ko nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.
"Don't go near me again. Ginamit lang kita"
Pag kasabing pag kasabi niya nun ay tumayo na siya at lumapit na siya kay Martina. Inakbayan niya si Martina at nag simula na silang mag lakad palayo.
Habang ako naiwang nakaupo. Naiwang lumuluha. Naiwang talunan. Naiwang sugatan.
Nakatingin lang ako sa likod nila. Nakatingin lang ako sa taong sobrang minahal ko na sinaktan lang ako.
Unti-unti nang nawawala yung mga tao sa paligid ko. Pero ako na natiling nakaupo. Habang nakaupo ako inaalala ko ang lahat. Magmula ng kinausap niya ako hanggang sa araw-araw na kaming nag kakasama. At nanligaw siya hanggang sa sinagot ko siya.
Hindi ko maisip kung paano niya nagawa ito, kung bakit niya ginawa ito.
"Ginamit lang kita... Ginamit lang kita... Ginamit lang kita"
Paulit-ulit sa utak ko.
Ginamit lang niya ako? Masakit sobra na yan ang marinig mo sa taong mahal mo.
"Minahal ba niya ako?"
Tanong ko sa sarili ko na pati ako hindi sigurado.
Nasasaktan ako. Pero mas nagagalit ako. Binigay ko lahat! Ginawa ko lahat ng gusto niya kahit ayaw ng parents ko! Sinamba ko siya! Ginawa ko siyang diyos ko kahit hindi dapat, tapos ito ang igaganti niya sakin?!
Damn him! Gago siya! Makikita niya kung paano mag higanti ang isang pinaasa! Kung paano maghiganti ang isang Cathlene Dianne Borja!
Babalikan kita Marcus Ramirez! Ipaparamdam ko sayo kung anong klaseng sakit at kung gaano kasakit ang ipinadama mo sakin! I'M GONNA BREAK YOUR FUCKING HEART!
-------------
Hey guys! Please support my new story! Saranghae!
BINABASA MO ANG
The Heartbreaker
Novela Juvenilbakit kasi mayroon mga lalaki na mahilig manggamit at pag laruan ang mga damdamin ng mga babae? akala ba nila laruan lang kami? bakit may mga lalaki na nag papaiyak at na nanakit ng mga babae? tigin ba nila punching bag ang mga puso namin? eh ano na...