Cath
Nagbibihis na ako ng wedding gown. Actually ang gaganda ng mga wedding gowns dun sa may photo booth. Yung pinili ko. Mermaid gown siya na may lace sa neckline, turtle neck din siya at sleeveless. May mga burda siya ng mga laces sa may upper part pero pag dating sa baba plain glossy white siya at mahaba sa likod.
"Bagay na bagay talaga kayo ng boyfriend mo ma'am" kilig na kilig na sabi nung isang staff dito sa ICL (ice cream lovers) siya din ang katulong ko para sa makapag ayos.
Ngumiti lang ako saknya. Ginagawa ko lang to para sa free na ice cream. Baka kasi mamulubi si Dave sa pag babayad lalo ng ice cream na makakain ko lalo na ngayon na stressed out ako ng sobra.
"Ayan! Sobrang ganda niyo na ma'am. Talagang bagay na bagay sainyo ang gown na to"
"Thanks"
Lumabas na kaming dalawa at naglakad na papunta sa booth. Nakita ko naman na mas lalong dumami yung tao sa loob ng shop. Agad ko naman nakita si Dave at ngumiti sakanya. Nakatingin lang siya ng diretso sakin na parang gulat na gulat.
"Ang ganda niya"
"Swerte nung lalaki"
"Bagay sila"
Yan ang mga naririnig kong bulungan sa crowd nang makalapit ako kay Dave.
"Bagay ba?" Tanong ko sakanya.
"You look stunning, pusa"
Natuwa naman ako at na appriciate niya. Naka curl sa baba yung long brown hair ko at may belo ako sa ulo na may flower. Hindi ko alam kung belo talaga yung tawag dun hahaha. Inabot naman sakin nung photographer yung pink and white roses.
"Gusto ko yung magiging natural sweet lang kayo sa isa't - isa at ipakita niyo kung gaano kayo ka inlove"
Nagtinginan naman kami ni Dave at natawa. Bigla nalang may nag flash na camera.
"Gusto ko yan. More sweet pa. Groom, try to cuddle or back hug your bride" suhestyon ng photographer.
Pumunta naman sa likod ko si Dave at binack hug ako. Nag picture na naman yung photographer. Seriously? Ilang shots ba ang kailangan.
"Relax couple. Yung mas sweet pa" sabi ulit ng photographer.
"Shocks ang cute talaga nila"
"Bet na bet"
Bulungan ulit ng mga nanunuod.
Naka back hug pa rin si Dave sa akin pero ngayon mas malapit na yung mukha niya sa leeg ko kaya tumayo ang mga balahibo ko. Nararamdaman ko na kasi yung mainit na hininga niya sa leeg ko. Nakapatong yung mukha niya sa balikat ko.
"Bride yung expression mo"
Ganun ba kahalata na hindi ako comfortable. Kasi naman eh. Kahit napaka kampante ko na sakanya di pa rin maaalis sakin yung mangilabot kapag ganun. Inayos ko na yung expression ko at ngumiti na.
"Last shot. Give your best shot couple"
Nag-isip kami ni Dave ng pose. Dapat yung pang finale talaga.
"Alam ko na! Pag dikitin natin yung noo and nose natin bahang magka holding hands" suggestion ko. Ganun kasing pose yung mga napapanuod ko sa movie at kinikilig ako kapag ganun. Tumango naman si Dave at ginawa na namin.
"1...2...3... click"
Natapos na rin. Sana manalo kami sa promo. Gustong-gusto ko talaga ng ice cream eat all you can pa. Pumasok na ulit kami sa dressing room at nag bihis na. Ilang minuto lang ay natapos na kaming magbihis. Paglabas ko nakita ko naman si Dave na naka sandal sa gilid ng pintuan ng dressing room
BINABASA MO ANG
The Heartbreaker
Teen Fictionbakit kasi mayroon mga lalaki na mahilig manggamit at pag laruan ang mga damdamin ng mga babae? akala ba nila laruan lang kami? bakit may mga lalaki na nag papaiyak at na nanakit ng mga babae? tigin ba nila punching bag ang mga puso namin? eh ano na...