4

19 1 0
                                    


Kakarating lang ng kotse namin ni Dave sa School.

"Are you ready?" Tanong niya sakin.

"Oo naman"

Pababa na sana ako ng biglang hawakan ni Dave ang kamay ko.

"Please Cathlene don't do something stupid"

Wala naman akong gagawin. Wala nga ba?

"I promise Dave"

Pinakawalan na ni Dave ang kamay ko at bumaba na kami. Pagkababang pagkababa ko palang lahat ng mga tao, mapababae o mapa lalake pa yan ay laglag ang panga nila ng makita nila ako. Yung iba namamangha kung tumingin sakin, yung iba naman nagandahan at meron din na manyak kung tumingin.

"Ang ganda niya"

"Parang familiar siya sakin"

"I should court her"

"Damn that body!"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong bulungan nang dumaan kami ni Dave sa pathway.

"Pusa"

Tumingin naman ako sakanya.

"May pupuntahan lang ako sandali"

Tumango naman ako at umalis na siya. San kaya ako pupunta? Ay bahala na nga

Naglalakad-lakad ako at sakto naman na nakasalubong ko yung mga kaibigan ni Marcus. Medyo kinabahan ako pero at the same time na eexcite ako. Tumigil akong maglakad. Hindi pa nila ako napapansin dahil nag tatawanan at nagkukwentuhan sila.

"Oo nga pre... putcha bakit kay--"

Naputol ang sinasabi ni Travis ng makita niya ako.

"Bakit pre?" Tanong naman ni Dustine.

Hindi nagsalita si Travis kaya tumingin sila sa direksyon ko kung saan nakatingin si Travis. Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko pero hindi ko pinapakita na kinakabahan ako. Kailangan kong maging bitch sa harapan nila.

"Ang ganda"

"Dyosa"

"Perfect body"

"Parang kilala ko siya, pero shet ang ganda niya"

Seriously?! Hindi nila ako maalala. Hindi nila maalala yung bakekang na inapi nila noon. Well hindi ko naman sila masisisi dahil magandng maganda na talaga ako ngayon compare noon. Lumapit na sila sa akin pero ako nanatiling nakatayo lang.

"Ahem. Ahem. Ako nga pala si Dustine. And you are?" Sabay na inilahad niya yung kamay niya

Tinitignan ko lang siya hanggang ibaba niya na ang kamay niya.

"Waley ka naman kasi pre, tabi nga diyan ako nga. Hi princess. Im Travis, your prince"

Hindi pa rin ako nag sasalita at nakatingin lang sakanila.

"Isa ka pa pre eh. Dapat kasi ganito. Magandang umaga sayo magandang binibini. Ako si Igy. Nais ko sanang malaman ang pangalan mo kung maaari"

Gusto kong tumawa ng malakas na malakas dahil mukha silang tanga sa ginagawa nila. Hahahaha.

"Ano yan pare. Pinapahiya mo yung sarili mo eh. Hindi ka si Balagtas! Watch and learn. Hello. Good morning. Im Tristan, nice meeting you."

Maganda pa rin ang ngiti ni Tristan hanggang ngayon pero pangit pa rin ang ugali niya. Ngumiti naman ako pag katapos magpakilala ni Tristan.

"Tignan niyo na napangiti ko si miss beautiful. Dapat kasi simple lang"

Siguro time ko na para ako naman ang mag pakilala.

"Hello." Bati ko.

"Hi!" Sabay-sabay naman nilang bati.

"I'm Cathlene Dianne Borja. Nice too see you again guys"

Biglang lumaki ang mga mata nila na para bang nakakita ng multo sa sobrang gulat. Expected ko na naganito ang magiging reaction nila.

"Kapangalan mo yung Ex ni Marcus dati" sabi ni Dustine ng nakanguso.

Nasapo ko nalang ang ulo ko sa sinabi niya. Siya talaga yung pinaka slow mag isip sakanila. Akala ko pa naman nag bago na siya. Psh.

Yung tatlo naman ay binigyan siya ng sapok.

"Aray! Bakit namamatok kayo?!" Reklamo niya

"Gago ka ba pre?!" Pabulong pero malakas na tanong ni Igy.

"Ano na naman?!" Inis na tanong din ni Dustine.

"Siya yung Ex ni Marcus!" Sabi ni Tristan.

Parang hindi pa rin na ge-gets ni Dustine dahil tinitignan lang niya ako na parang pinag mamasdang mabuti. Mukhang mas lumala pa yung pagiging slow niya.

"Siya si bakekang!" Paliwanag ni Travis.

Sa puntong ito parang natauhan at nakilala na ako ni Dustine dahil lumaki na ang mata niya at nahawakan niya ang ulo niya.

"I-ikaw nga ba?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya

Tumango naman ako para sumagot. Hindi na sila nag salita ulit at bigla nalang tumakbo.

"Hahaha. Umpisa palang yan. Marami pa kayong kakatakutan"

Nag simula na ulit akong mag lakad. Hanggang ngayon di pa dumadating si Dave. Saan kaya nag punta yun?

Naglalakad lakad ako hanggang maisipan kong pumuntang court. Doon kasi kami mahilig tumambay ni Marcus noong kami pa. Noong mahal pa namin ang isa't-isa. Ay mali ako lang pala ang nagmahal samin dalawa.

Papasok na ako ng may narinig akong nag-uusap.

"Easy lang kasi kayo mga pre! Etong si Marcus ay matagal ng naka move-on kaya hindi na big deal kung mapag-usapan natin si bakekang. Diba Marcus?"

Sumilip naman ako at nakita kong sila Marcus ang nag-uusap. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang makita ko siya.Aaminin ko mas lalo siyang gumwapo ngayon.

"Matagal ko nang kinalimutan yun. At hindi ko kailangan mag move-on dahil hindi naman siya naging importante sa buhay ko. Nakalimutan niyo na bang ginamit ko lang siya"

Napakapit ako ng mahigpit sa gate ng marinig ko yun. Pakiramdam ko bigla na lang papatak ang luha ko kaya umalis na ako agad.

All along akala ko hindi na ako masasaktan. Akala ko nakalimutan ko na. Akala ko naka move-on na ako. Pero hanggang ngayon masakit pa rin. Masakit na marinig ulit yun.

Naupo ako dito sa bench sa likod ng court at hinayaang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na siya mahal pero nasasaktan pa rin ako. Siguro dahil nagsisisi ako na binigyan ko siya nuon ng chance na maging kami. Bakit ko nga ba siya hinayaan na pumasok sa buhay ko?

Hindi na ulit ako magkakamali ma papasukin siya sa buhay ko o kahit sino na related sakanila. Kung dati galit na galit na ako sakanya ay mas nadagdagan pa ngayon. Kaya mag hintay siya sa ibabalik kong sakit! Sigurado akong mag sisisi siya kung bakit niya ako binangga!

--------------------------------

The HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon