Chapter 13

127 9 6
                                    

"Lola!"

Pagbukas ko nang pinto ay agad kong tinawag si Lola at nang makita ko siyang nakatayo doon sa may sala habang nagliligpit ay naluluha akong napatalon na naglakad papunta sakanya sabay salubong sakanya ng yakap.

"Namiss po kita" naiiyak kong sabi habang ang mainit at mahigpit niyang yakap ay mas lalong nagbibigay sakin ng comfort.

"Saan ka ba galing?"

"Nagpasama lang si Maesie sakin doon sa club"

"Aba, pumayat ka ata?" Nag-aalala niyang sabi nang kumalas siya sakin ng yakap at pinasadahan ang kabuuan ko.

"Diet" pabiro ko pang sabi at bigla akong nakatanggap ng kurot sa tagiliran ko.

"Anong diet? Juskong bata ka! Aba, hali ka dito" hinila niya ako at bigla akong nagtaka nang senenyasan niya akong ilapit ang tainga ko sa bibig niya kaya naman ay sumunod naman ako.

"Marami akong pasalubong sayo" natawa ako bigla sa binulong niya, akala ko kung anong sekreto na yung isasabi niya sakin.

"Weh? Isang milyon po ba yang pasalubong niyo sakin La?--aray" naiiyak kong hinimas ang braso kong kinurot nanaman niya dahil sa sinabi ko. "Nagbibiro lang eh"

"Ang daldal mo talaga, oh" pinagmamasdan ko lang si Lola na nandoon na sa kabilang sofa kung saan nakalapag doon ang malaking box. Wow! Parang galing ibang bansa si Lola. Isa-isa niya pang nilalabas doon ang mga balot ng plastic at inilapag doon sa may upuan ng sofa.

"Oh, sayo to, mga damit yan. May dress din akong mga nakita doon sa mga Divisoria nila doon, mumurahin at ang gaganda, bagay sayo lahat to Apo" naluluha lamang akong pinagmamasdan si Lola habang abala ito kakahukay doon sa loob ng box.

"Maganda rin yang suot mo, mga katulad din nitong pinamili ko"

"Kay Maesie po ito La, pinahiram pero halatang ibibigay na naman niya to sakin" nilingon niya ako dito sa kinatatayuan ko habang hinahalukay pa iyong laman ng box.

"At saka, kung gutom ka may dinala akong lechon belly doon, nandoon sa kusina saka yung paborito mong turks, binilhan kita kanina ng tatlo"

Pinagmamasdan ko lang si Lola at kahit ilang oras pa ay ayos lang sakin na titigan siya. Basta masaya ako at natutuwang nandito na siya ulit. Mga nasa edad 64 anyos na si Lola Anita pero hindi halata iyon sa hitsura niya dahil sa active lifestyle na meron siya, mas mukhang bagets pa nga ito sakin at ang pananamit niya ay hindi ayon sa edad niya. Fashionable kaya itong Lola ko, kaya nga may mga damit din akong magaganda kasi dahil iyon sakanya.

Halatang galing sila sa zumba ng mga barkada niya, nakapang zumba outfit pa kasi ito. Black leggings, black crop top na may manipis na strap, naka suot pa ng pink zumba headband. Napangiti ako nang makita nanaman ang suot niyang hikaw, iyong drop earrings na pearl. Favorite style niya kasi iyon dati pa lalo na ang mga burluloy na nakasabit pa sa mga palapulsuhan niya na gawa sa mga seashells.

Natigilan siya at nakapamewang na hinarap ako, napaayos ako ng tayo at nagsmile na hindi labas ang ngipin habang ang mga mata ko ay nagtatanong sakanya kung bakit napakunot bigla ang noo niyang nakatingin sakin.

"Ano bang tinatayo mo diyang bata ka?!"

"Pft! To naman si Lola, highblood agad" napailing lamang siya at senenyasang lumapit sa pwesto niya kaya naman ay agad akong sumunod.

"Nasaan nga po pala sila La?" Tukoy ko pa sa mga taong nandito, si Auntie, at ang mga pinsan kong anak ni Uncle Jeynard.

"Nandoon na sa taas, tapos nang kumain ang mga yon. Lahat na natira dito, sayo na yan lahat" nanlaki ang mga mata kong pinagmamasdan ang mga bagay na balot pa sa plastic at hindi pa nabubuksan.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon