Julia Montes' 18th Birthday

7.5K 133 22
                                    

DJ'S POV 

"Kath, good evening...Uhm, Hi Kath. Eh. Um..Hi Tito Teddy. Hi Tita Min.. Uhm.." 

Arghhh! Paano ba 'to? Ano bang sasabihin ko mamaya pag sinundo ko na si Kath?! Grabe! Ang hirap! Parang first time naman 'to eh!! 

"Uhm, Kath.." Humarap na ulit ako sa salamin para magpractice ng sasabihin ko mamaya.

"Oh, anak? Anong ginagawa mo?" Nagulat ako kay Mama kaya bigla akong napahawak sa buhok ko at kunwari'y nag-aayos.

"Ah eh. Wala, ma. Nag-aayos lang ng buhok." 

"Ang tagal mo naman diyan! Hala. Eh mage-8pm na oh. Diba 9pm magsisimula debut ni Julia? Susunduin mo pa si Kath! Nako kang bata ka!" 

"Oo na, Ma! Paalis na nga eh. Ito naman!" 

Nagbeso ako kay Mama. At nagpabango ulit. Kanina pa ako nagpapabango. Mahirap na 'no, baka maturnoff sakin si Kath kapag naamoy niya ako.

"Bye, Magui!  Bye, Carmella! See you later! You guys, behave ha. Wag papahirapan si Mama." 

Lumapit ako sa mga kapatid kong nanunuod ng TV. Yinakap ko sila at nagkiss naman sila sakin sa cheeks. 

Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha yung susi ng kotse ko at yung wallet ko.

"Ge, pre." Sabi ko kay JC na naglalaro nanaman ng PS3. "Una na ako." 

"Good luck!!! Kay Kath!" Tumawa siya pero tutok pa rin siya sa TV. 

"Ulol! Sige." 

Bumaba na ako at dumiretso sa garahe. 

"Ma, alis na ako!" 

"Okay, nak! Ingatan si Kath!"

Huh? Si Kath lang, ako hindi pinag-iingat? Tsk. Mama talaga.

Pumasok na ako sa kotse ko. Yung dodge challenger nga pala ang gamit ko. At si Kath palang ang naisasakay kong babae dito...

At siya lang ang isasakay kong babae dito.

Inilabas ko muna yung cellphone ko bago paandarin ang kotse. Pagkabukas ko ay si Kath agad ang bumungad. Siya ang wallpaper ko. 

Bigla akong nanggigil. 

"Ganda mo, Kath! Hoo!" Nahalikan ko tuloy yung screen ng cellphone ko ng wala sa oras. Haha. Kaya napangiti ako.

Biglang tumunog yung cellphone ko. Si Kath, nagtext.

"Pottie, where are you na?" 

"I'm on my way na, Baba. See you later, Miss beautiful. ;)'' 

KATH'S POV

"Ma, okay lang ba 'tong suot ko?" Lumapit ako kay Mama. "Okay lang ba, Ma?"

"Sus, ano ka ba, bunso! Okay lang nga eh oh. Ganda ganda mo nga."

Napangiti ako sa sinabe ni Mama.

"Sure?" 

"Sure na sure! Umupo ka nalang diyan sa sofa at hintayin mo si DJ. Masyado kang nastestress eh." 

Paupo na sana ako sa sofa pero napansin kong nakatingin lang si Papa sakin. Katabi siya ni Mama.

"Pa, bakit? Anong say mo sa suot ko? Pangit ba?" 

Baba & Pottie (Kathniel One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon