When haters...PREVAIL.

3.7K 111 23
                                    

KATH'S POV

Matutulog na sana ako pero naisipan kong mag-check muna sa Twitter. Hindi pa naman kasi ako masyadong inaantok.

Nagsc-scroll lang ako hanggang sa makita ko yung isang tweet ni Mama..

"Nag eenjoy ka ba pag naninira ka ng kapwa mo at mas lalo ka bang natutuwa pag binabastos ang Nanay?? Kung OO ang sagot mo dito,GO ENJOY''

(A/N: Ok guys, true to layp yang tweet na yan ni Tita Min.)

Teka, ano nanaman ba ang nangyari? Bakit hindi sinabi sakin ni Mama?

Bumangon ako at pupunta sana ako sa kwarto nila kaso nakita ko si Mama na nakaupo sa may salas...

Umiiyak...

Lumapit ako sakaniya..

"Ma?''

Nagulat yata siya kaya bigla siyang napapunas sa mga mata niya.

"Oh, Kath. Bakit-'' pinunasan niya ulit yung mga mata niya. "Bakit gising ka pa? Magpahinga ka na, maaga ka pa bukas.''

"Ma, anong problema?'' Umupo ako at tinabihan ko si Mama.

"Wala, anak. Matulog ka na.''

''Ma? Anong wala? Eh nakita ko yung tweet mo..''

Hindi siya umimik.

"May nambabash nanaman po ba sa'yo?''

Hindi pa rin siya nagsalita.

"Ma, 'di ba sabi ko kapag may nang-ganun sa'yo, sabihin mo sakin?''

"Anak..''

"Psssh. Bakit ka ba kasi nila dinadamay. Eh ako lang naman dapat eh.''

''Wala naman akong pake sa sasabihin nila sakin, mas nasasaktan ako kapag ikaw ang binabash nila. Anak kita eh. Natural na 'yun.''

''Wag mo nalang pong pansinin. Alam naman natin na hindi totoo yung mga sinasabi nila.''

''Pero kasi, anak.. minsan sumusobra na talaga sila eh.''

''Ano bang sinasabi nila, Ma?'' 

''Wala. Wala. Kalimutan mo na yun..''

Nakita kong hawak ni Mama yung phone niya. Hinding-hindi niya talaga sasabihin sakin yun kaya naisipan kong kunin sakaniya.

"Anak-! Ibalik mo na sakin yan, dali.'' Tumayo ako at lumipat sa kabilang sofa para hindi niya makuha agad yung phone niya.

Binuksan ko at nakita kong may nakabukas na FB page, pangalan palang halatang Haters ko na..

Nabasa ko yung unang post...

"Bitch ka, Kathryn. Ang landi landi mo. Hindi ka na virgin. Magsama kayo ng nanay mo, binubugaw ka niya.'' 

Shit. Pwede ko pang i-ignore 'to eh. Pero yung isama niya yung nanay ko?!

Grabe naman yun!

Magbabasa pa sana ako ng ibang post pero nakuha na ni Mama yung phone niya.

"Anak, matulog ka na.''

"Sige, Ma. Una na ako. Matulog ka na rin po." Niyakap ko siya. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Baba & Pottie (Kathniel One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon