DJ'S POV
"Pottie," Naramdaman kong kinalabit ako ni Kath habang natutulog ako sa bedside niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"Yes, Baba? You need something?"
"Ilabas mo naman ako dito. Gusto kong magpahangin."
"Hm. Sure?" Tinanong ko siya at tumango naman siya. "Okay. Wait."
Tumayo ako at kinuha yung wheelchair niya sa kabilang side ng bed.
"Oh, lika na.." Ibinangon ko siya at binuhat palipat sa wheelchair.
Inalalayan ko siya at dinala ko siya sa park ng hospital.
====
DJ'S POV
Nang nakarating na kami, nilipat ko siya sa bench.
"Ooops. Dahan-dahan, Ba."
"Hay." Nakaupo naman siya ng maayos kaya umupo na rin ako sa tabi niya. "Sa wakas, nakalanghap na rin ako ng fresh air kahit papano. Ang ganda talaga ng mundo 'no? Kung malakas pa sana ako, pupuntahan ko lahat ng gusto kong puntahan."
"Pupuntahan nating dalawa, Kath. Siyempre, kasama mo ako."
Tumingin siya saakin at nginitian niya ako. At nagpatuloy siya sa pagsasalita niya.
"Sayang. Kung malakas pa sana ako, kung di sana ako ganito... Magagawa ko lahat ng gusto kong gawin kasama ka." Patuloy pa rin siya sa pagmasid sa kapaligiran, parang batang bago lahat ng nakikita.
Hindi ako umimik at nakatitig lang ako sakaniya.
Sana nga ganun ang nangyari. Sana nga malakas pa rin siya hanggang ngayon.
Sana inalagaan ko pa siya ng mas maigi para hindi siya nagkaganito.
*flashback*
DJ'S POV
"Baba, gusto mo sunduin nalang kita mamaya diyan sa venue niyo? Para sabay na tayong pumunta sa dinner date natin." Kausap ko si Kath sa phone ngayon, nandito lang kasi ako sa bahay at free time ko naman. Siya kasi may pictorial at shooting pa.
"No need, Pottie. Magrest ka nalang, alam kong pagod ka dahil dami mo ring ginawa kahapon. I'll drive my own car nalang. "
"Are you sure?"
"Yes. You wait for me nalang ha? Doon tayo sa Rockwell, right? 7pm."
"Okay. You text nalang if may problem ha?"
"Yes, bossing."
"I love you, Kumander!!" Nakangiti ako habang kinakausap siya.
"Byeeee!" Napa-pout ako. Hindi siya nag-'' I love you too'' sakin? Hmp. Hindi ako nagsalita.
"Joke lang, Pottie! Tampo tampo ka nanaman diyan. Hulaan ko, nakapout ka nanaman 'no? Awwww. Cutie Patootie!!"
Natawa ako kaya narinig kong tumawa rin siya sa kabilang linya.
"I love you too!! Ok, have to go na po. Babyeee!"
Binaba niya na yung phone niya.
====
DJ'S POV
BINABASA MO ANG
Baba & Pottie (Kathniel One Shots)
Teen FictionAno kaya ang mga nangyayari sa KathNiel tuwing off cam? Ano rin kaya ang mga bagay na pwedeng mangyari kung sakaling hindi sila nagshowbiz at naging normal na binata at dalaga pa rin sila? Magbasa na ng ilan sa mga one shot stories dito. Por da lab!