(A/N: Oh guys, fiction lang 'to ah. Gawa-gawa ko lang. Hindi totoo yung mga andito unless stated. Masyado lang talagang malikot imagination ko. ^_^)
***
*March 25, 2013*
KATH'S POVRise and shine people!! Haaaaay.
Napabangon ako dahil narinig kong tumunog yung phone ko. Pagkatingin ko, nagtext pala si MIles.
"Good morning, Bes!! Excited na ako!!''
''Hahaha! Mas lalo naman ako! See youuuu!! :* '' reply ko sakaniya.
Pupunta kasi kami ng Subic napagdesisyonan ko kasing dun nalang magcelebrate ng birthday ko since maganda raw doon.
Ibaba ko na sana yung phone ko kaso napansin kong may isang text pa pala. Galing yun kay DJ.
"Good morning, Baba! Malapit na birthday mo! Yaaay! See you!! :* :* :* ''
Napangiti ako. Ewan. Masaya lang talaga ako dahil makakasama ko na ulit siya. :)
***
"Oh, nak. Kumain ka ng marami ngayong lunch dahil baka magutom ka sa biyahe niyo mamaya.''
"Okay pa. Hindi po ba kayo sasama?''
''May kailangan pa kasi kaming asikasuhin ng Mamamo. Pero susunod naman kami.''
''Ah,'' sagot ko lang dahil busy akong kumakain.
"Sino nga pala mga kasama?'' Tanong naman ni Mama.
"Sila Miles at Julia pati yung Parking five po. Tapos kasama yung GF ni Kats at ni JC, sila Daezen at Gab. Pati sila Kuya Francis at Tabs meron din eh. Bale, sila po makakasama sa overnight. Kung sakaling di makasunod yung iba, dito nalang ako magcecelebrate sa Manila kasama nila.''
''Madami pala kayo eh. Kasya ba kayong lahat sa kotse mo? Bus na ata kailangan natin ah.'' Tumawa si Papa.
"Pa,'' natawa rin ako. ''Syempre hindi. Yung mga girls po ang sasakay kasama ko. Tapos yung mga lalaki kay DJ.''
''Ah, good.'' Sagot niya naman.
"Ilang oras ba byahe?'' Tanong ni Mama.
"Normally, 2hrs po. Pero depende sa traffic. Kasi Holy Week ngayon, Ma eh.''
"Hala. Oo nga. Baka matagalan kayo. Oh, mag-iingat kayo dun ha.''
"Yes ma. Ma, Pa, una na po ako. Mag-aayos pa ako ng gamit ko sa taas.''
Um-oo naman sila kaya tumaas na ako.
****
KATH'S POV
3:15pm.
Kararating ko palang dito sa Starbucks ng NLEx, medyo nalate ako kasi traffic na rin kanina nung paalis ako ng bahay.
Pagkapasok ko palang ay nakita na ako ni Miles at ni Julia.
"Kaaaath!!'' Nagbeso sila saakin.
"Kayo palang andito?'' Umupo ako sa gitna nila.
"Oo eh. Saan na ba yung iba?" Tanong ni Julia.
"Hindi ko rin alam eh. On the way na siguro. Atsaka kasama na siguro nila si DJ.''
BINABASA MO ANG
Baba & Pottie (Kathniel One Shots)
Ficção AdolescenteAno kaya ang mga nangyayari sa KathNiel tuwing off cam? Ano rin kaya ang mga bagay na pwedeng mangyari kung sakaling hindi sila nagshowbiz at naging normal na binata at dalaga pa rin sila? Magbasa na ng ilan sa mga one shot stories dito. Por da lab!