CHAPTER 2 : THE VIP TABLE 5

931 14 0
                                    

ASHANTI POV

Para akong binubundol ng kaba habang inaayos ang alak sa isang tray na ihahatid ko sa VIP table na sinasabi ni tiya. Parang pakiramdam ko dun nagmumula yung mabigat na pakiramdam ko kanina habang nagseserve ng alak sa ibang customer

"Shan easy, maghahatid ka lang tapos aalis okay... Whooo go shan para sa kinabukasan" pangungumbinsi ko pa sa sarili ko bago dinala ang tray at naglakad papunta sa VIP table 5, ito na ang huling VIP table at medyo hindi na napapansin ng mga tao. Kunti na nga lang maging VIP room ito e

Nakarating na ako sa table at pinilit ngumiti "H-here's your order gentlemen" nandun talaga yung kaba na halos mautal pa ako 'sht anong feeling to shan' . Nang maibaba ko na ang mga inumin ay tumingin ako sakanila, puro nakangisi ang mga ito saakin at nakita ko din dito si Emily at halatang takot na takot habang nakapalupot ang braso sa bewang ng nakabili sakanya.

"May order pa po ba kayo? Kung wala na po A-aalis na po ako" akmang aalis na ako nang may baritonong nagsalita at halos umakyat sa ulo ko ang lamig

"Did I told you to leave?" napahinto ako sa pag hakbang sa boses na yun, nananatili parin akong nakatalikod sakanila

"Ohh easy bro, dinadaan mo nanaman sa init ng ulo e. Upo ka muna Ms. Beautiful" sabi ng isa at parang natatawa ito sa inasta ng nasa gilid ng lalaking nagsalita kanina

"Lika Miss, dito ka sa tabi k-" halos mapatalon ako ng biglang sumaway sa kanya halata ang inis at galit sa boses niya

"Don't you dare Justin or else I'll kill you" pagbabanta nito

"Whoo easy bro, sabi ko nga sayo na" pagsuko nito

"Sit beside me" ma-otoridad na utos niya sakin. Dahan dahan akong humarap. Nanginginig ang mga kamay ko sa di malamang dahilan, kita ko ang matalim na tingin niya sakin

"Sorry sir pero marami kasing customer" peke akong napangiti dahil sa kaba

"Don't be stubborn woman and sit beside me." Wala na akong nagawa at upo sa tabi niya, hindi masyadong madikit at baka anong gawin niya. Nakayuko lang ako.

"Name?" maikli nitong tanong. "P-po?" Utal na balik tanong ko. "Do I really need to repeat myself? Stupid woman" ouch ha sakit mo magsalita walang break fluid ang bunganga ng isang to

"Ashanti sir" tipid na sagot ko. Bigla niyang hinaplos ang balikat ko kaya nagulat ako at biglang napatayo.

"Sit" utos niya sakin pero di ko na siya pinakinggan at nagmadaling naglakad palayo, dun nalang ako nakahinga ng maluwag

"Oh shan? Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko mag stay ka muna sa VIP table 5?" takang tanong sakin ni tiya

"Hindi ako komportable dun tiya, binabastos ako nung lalaking walang break fluid yung bunganga, napakabasto-"

"Ano ka ba naman shan! Hindi mo ba kilala yun? Isa siyang Adkins, nakuu baka ipasara niya itong bar ko dahil sa kabastusan na ginagawa mong bata ka" singhal nito sakin. Eh sino naman yang mga Adkins na yan, pake ko ba

"Ma'am Isabel pinapatawag po kayo sa VIP table 5, Mr. Adkins daw po" singit ng isang waiter. Nakita ko ang pagsama ng tingin sakin ni Tiya bago umalis

'parang ang big deal naman nung ginawa ko. Unless may inalok kay tiya yung bastos na lalaking yun. Benenta niya ba ako ng hindi ko alam?' pagkausap ko sa sarili ko. Nag o-overthink na ako at medyo hindi na maganda ang pakiramdam ko. Mag early out nalang ako, nakaka stress si Tiya kung hindi ko lang kailangan ng trabaho hindi ako mag titiis dito.

Nag ayos na ako at nagtanggal na ng apron. Nilagay ko narin sa bag yung iilang gamit ko gaya ng libro na binabasa ko kanina

"Shan san ka pupunta?" Si Tiya "ay palakang matanda-" gulat na sigaw ko

"Anong palaka? Mag out ka na ba? Ahh ano.." nakita ko ang mata niya na parang may hinahanap habang nag iisip ng sasabihin. Pinulot niya yung garbage bag tska inabot saakin

"Pakitapon ito oo... Ahhh idaan mo sa parking lot kasi ano.. puno yung basurahan sa harap kaya sa parking ka magtapon ha" parang may mali sa akto ni Tiya. Tinignan ko siya sa mga mata dahil di ito makatingin ng derekta saakin, inabot ko nalang ito tska nagpaalam

"Shan.." pang aagaw ng atensyon niya saakin bago makalabas ng dressing room "Mag ingat ka sa pag uwi" makahulugan na sabi nito kaya parang mas nadagdagan ang kaba ko. Tumango nalang ako at umalis para makauwi na, pero bago yun idaan ko muna itong basurang to.

Habang naglalakad ay hindi ako komportable parang feeling ko may nagmamasid. Palapit na ako sa basurahan dito sa parking lot nang biglang may humablot saakin.

"Ahhhhh" sigaw ko dahil sa gulat

"Hey stubborn woman" a manly voice that give me chills over my body

Obsession Series | (Lucas Sebastian Adkins Dangerous Obsession)Where stories live. Discover now