CHAPTER 13 : NIGHT OUT WITH FRIENDS

697 10 0
                                    

ASHANTI POV

Pagkatapos ko magluto ng pananghalian at isinama ko narin ang dinner ay nagkulong na ako sa kwarto. Hindi ako lumabas kahit nagugutom na ako. Okay na to kesa makarinig ako ng masasakit na salita.

'sl*t'

'b*tch'

'walang kwenta'

'walang silbi'

Ito nalang ba ang dahilan habang nabubuhay ako, ang insultuhin at lait laitin. Huminga ako ng malalim at inayos nalang ang mga gamit ko para sa pasukan sa isang araw. Mabuti nalang at naghilom na ang mga sugat at mga pasa ko.

Pwede na siguro akong kumausap ng mga lalaking kaibigan ko, lalo na si Liam. I missed him so much especially our bondings together with Rosie.

Minsan naririnig kong naglalandian yung dalawa, wala namang ung*l pero parang nagkikilitiha. Sila. Hinahayaan ko nalang sila hanggang sa makatulog nalang ako sa sobrang pagod ko. Minsan habang tulog ako, nakakaramdam ako na parang may humahaplos sa mukha ko o kaya may umuupo sa kama ko. Imposibleng si Sir Lucas yun dahil alam ko galit yun sakin nang hindi ko alam ang dahilan e.

FASTFORWARD... AT SCHOOL

"Uyy Shan, ilang buwan mo na akong hindi pinapansin. May kasalan ba ako? Tell me. Nahihirapan din ako e" sambit ni Liam na ngayon ay nasa tabi ko habang inaayos ang locker ko. Hindi na ako nakatiis, isinara ko ang pinto ng locker ko at bigla siyang niyakap ng mahigpit. Naiyak nalang ako out of nowhere.

"I-i... I missed you so much Liam" alam kong nagtaka siya sa inasta ko pero yumakap nalang ito pabalik at pinatahan ako. "Shh it's okay. Don't cry, it will be okay hmm" hinaplos niya ng maingat ang buhok ko, hindi ko alam pero nawala ang pagtingin ko sakanya simula natuon ang pansin ko kay Lucas. Sana sakanya nalang ako nag focus, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

"Hoyy! Kay agang landian naman yan Shan and Liam" pang aagaw atensyon ni Rosie. Ito naman agaw moment.

"Ay pasensya na Liam. Uhmm labas tayo mamayang tatlo treat ko. Wag ka ng tumanggi Rosie minsan lang ako manlibre" niyakap ko din siya at napangiti naman ako.

"Sabi mo yan ha Shan, hindi ko yan palalampasin" tumawa naman ako sa sinabing ito ni Liam.

"Oh anong nakain mo Shan at naging mabait ka na. Nag academic break lang naging ganyan ka na, yan ba ang resulta ng pahinga" si Rosie talaga napakadaldal. Binatukan ko nalang ito at baka natutulog pa ang diwa nito.

"Matagal naman na akong mabait g*ga ka" tumawa nalang kaming tatlo. "Naku, lets go girls at malalate pa tayo niyan. I'll just meet you at the garden later at 6pm. Punta na ako sa department ko" pagyaya ni Liam kaya naglakad na kami ng sasabay at nang makarating na kami sa building namin ay nagpaalam narin si Liam saamin dahil iba ang course nito.

Pinapansin ko narin ang mga lalaking mga kaklase ko at nanibago nanaman sila saakin. Ikaw ba naman na hindi ko sila pansinin ng mga apat na buwan. Naging active ako sa klase at nakikipag tawanan sa mga kaklase ko, may nagpapaturo narin saking mga classmate kong mga lalaki dahil mas mabilis daw akong mag explain. And I'm happy to do that, at least I'm helping them to learn and grow.

Maghapon na ganun ang ganap. Turo, discuss, activities ang mga ginawa namin. Nalibang ako sa maghapon dahil lahat pwede ko na pansinin. Nginingitian ko narin yung mga taga kabilang section at other departments na nagpapa cute saakin.

May mga iilang pasa pa naman ako, pero tinakpan ko nalang yun gamit ang concealer, hindi ko din sinabi kila Liam at Rosie ang mga pinag dadaanan ko sa kamay ni Lucas lalo na kay Liam dahil ayokong madamay pa siya. Mabait siya masyado para makaranas ng karahasan, lalo na at mas nakilala ko pa si Lucas. Kayang kaya niyang mag utos para pahirapan at patay*n ang mga ito. Kaya nanatili akong tahimik.

6pm na kaya napagdesisyonan na namin na bumaba na para magpunta sa garden kong saan naghihintay si Liam. Sakto naman at 1week nanaman ulit na walang pasok dahil may retreat daw ang mga Teachers kaya susulitin na namin itong araw na to.

"Shan thank you pala sa pagtuturo sakin kanina ha, ahh.. ito pala chocolate pasasalamag ko" sabay abot saakin ng chocolate na malugod ko namang tinanggap

"Naku oliver wala yun. Thank you din dito ha, oh siya umuwi ka narin mauna na kami" paalam ko at ngumiti sakanya. Siniko naman ako ni Rosie "bait mo ngayon ha, hindi ba yan sign na mamat*y ka na" sabay hagalpak nito ng tawa

Agad ko naman siyang binatukan. "Hoy bawiin mo yun baka magkatotoo tado ka talagang babaita ka" nag peace sign naman ito. Nakarating na kami agad sa garden at nakita namin doon si Liam. Niyaya naman namin siya agad at sabay sabay nang umalis. Syempre ang Liam namin medyo may kaya, so naka kotse ulit kami. Nagpunta kami sa samgyupsal'an, well ganto bonding namin buffet sa korean restaurant.

As usual, tawanan at kwentuhan ang ginawa namin. Kami ata ang pinakamaingay na table. Sa lakas ba naman ng tawa ni Rosie, agaw pansin talaga siya. Hinahayaan nalang namin. Basta ako masaya ako ngayon at nakalimutan ko ang masyon ng dem*nyo ngayon.

Anong oras na at nauna ng nagpaalam si Rosie, hinahanap na daw kasi siya ni Tita kaya ayun pinayagan na namin. Kaya ito kami nalang nanaman ni Liam ang naiwan.

Ilang oras pa kaming tumambay, lumipat din kami sa favorite cafeteria namin at kumain doon ng mga panghimagas. I enjoyed the company of Liam, magaan siyang kasama at puro tawanan lang.

Sana siya nalang ulit laman ng puso ko, para hindi na ako nasasaktan. I smiled bitterly.

Obsession Series | (Lucas Sebastian Adkins Dangerous Obsession)Where stories live. Discover now