CHAPTER 7 : CRUSH

772 8 0
                                    

ASHANTI POV

"Tiya bat mo naman ginawa yun? Now I'm stuck at him, may mga kondisyon siyang dapat kong sundin at isa dun yung pagtira ko sa bahay nila" pakikipagtalo ko kay Tiya.

"Shan nag-iisip ka ba? Hindi mo ba siya kilala? Kung hindi ako pumayag sa gusto niya malamang pulubi na ako ngayon" hindi ko siya maintindihan. Sino ba ang mga Adkins na yan.

"Alam mo Shan, umalis ka nalang dito at naghihintay na sayo yung mga body guards mo"

"Magpasalamat ka nalang sakin at magiging maganda ang buhay mo, hindi mo na kailangan magtrabaho sa Bar"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Umalis nalang ako para pumasok sa School. Paglabas ko, nakita ko paring naghihintay yung mga tauhan ni Mamang yelo.

"Mga kuya pwede na kayong umalis, dalhin niyo nalang yang gamit ko sa amo niyong yelo. Ako na pupunta mag isa sa School" aalis na sana ako nang harangin ako ng isa sakanila. Matitipuno ang mga katawan nila kaya kahit di ito dumipa hindi ako makakatakas sakanya.

"Pasensya na Ma'am, ang utos ni Sir Lucas ihatid ka sa School to make sure that you're safe" ay wow gara, englishero. May qualifications ba sila gaya nung isang stall ng french fries(di ko na sasabihin anong stall yun HAHAHAHA)

Wala naman akong magawa dahil late na ako, stress na ako makipagtalo kay Tiya. Ayoko na ulit makipag talo, ang sakit sa ulo. Ilang minuto pa ay umalis na kami at nakarating din naman agad sa School.

Nakakahiya nga ipinasok pa talaga sa Campus yung Van, nahihiya tuloy akong bumaba dahil may mga nakatingin na mga estudyante sa sasakyan pati narin si Rosie(row-si) kaibigan ko since Elementary. Baka anong isipin nila lalo at alam nilang sa bar ang trabaho ko. Alam mo yun discrimination.

Pinagbuksan na ako ng guard ni Lucas ba yun kaya bumaba nalang ako. Nakita kong nagbulungan ang mga estudyante, naglakad nalang ako agad palapit kay Rosie.

"Hoy asinsado ha, ano yan? Wag mong sabihing may kumuha sayo sa bar ng Tiya mo o isa ka sa binenta-" hindi ko na siya pinatapos dahil napakaingay ng bunganga niya baka may makarinig sakanya

"Ano ka ba Rosie, h-hindi ah. Ano yan... May bago akong trabaho, oo. Tapos ano pinahatid nalang ako ng amo ko kasi sabi ko working student ako kaya ayan pinahatid ako para tipid sa pamasahe" mahabang explenasyon ko at pagsisinungaling ko para hindi na siya magtanong.

As usual, mahabang maghapon mahabang discussion. Nakaka drain. Naglalakad na ako palabas ng classroom nang may tumawag sakin.

"Ashanti!" Sigaw nito. Agad naman akong napalingon at nakita si Liam. Classmate ko at kaibigan namin ni Rosie. Nauna ng umuwi si Rosie may emergency daw.

"Oh Liam? Uuwi ka narin ba?" Tanong ko at ngumiti sakanya. May itsura din 'tong si Liam e. Actually childhood crush ko siya, kaso simula naging kaibigan ko siya kinalimutan ko nalang. Syempre bilang respeto sa pagkakaibigan namin.

"Ahh oo, ano sabay na tayo lumabas? Tapos tara sa bagong bukas na cafeteria malapit lang. Libre ko" napangiti naman ako. Date ba to? Nakuu Ashanti baka magkagusto ako ulit ha.

"Ah? Shan hello? Baka matunaw ako sa titig mo ha" napabalik ako sa ulirat nang kawayan ako sa harap ng mukha ko.

"Ayy sorry, oo sige tara ba. Basta libre mo ha" napangiti nalang ako nagsimula na kami maglakad. Nagtawanan lang kami hanggang sa makarating sa cafeteria at napakasarap ng mga pagkain nila dito. Tska mag enjoy ako lalo kasama ko si Liam. Napaka funny niya talaga, sino ba naman hindi magkakagusto ulit dito.

Hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang enjoy ko kasama si Liam. Mag 9pm na pala. Okay lang yan, di ko naman alam kung saan ako uuwi e. Ayoko umuwi dun sa mansyon ni Lucas. Ayoko din naman kila Tiya dahil baka itaboy niya ako, at lalong lalo na sa apartment ko Im sure andun yung mga tauhan ni Lucas.

Habang nasa kalagitnaan pa kami ng pag-uusap ni Lucas. Biglang nag vibrate ang phone ko, senyales na may notification. Pagkabukas ko ng cellphone ko, nanlaki ang mata ko sa text na nabasa ko.

TEXT FROM UNKNOWN NUMBER :
"Do you know what time is it? And you're dating with your guy huh. Uuwi ka o hindi na makakauwi yang kasama mo? You don't know me, in one snap I'm sure burial na ng kasama mo ang susunod na pagkakapehan mo"

Wala akong maisip na ibang tao kundi si Lucas lang. Kanino niya nakuha yung number ko?. Napatingin ako kay Liam na nagtataka sa inaasta ko.

"You look afraid Shan. Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Masama ba pakiramdam mo?" Ay ano ba yan Liam concern ka talaga, pakitang motibo ka naman e marupok ako.

"Ha ano kasi.. kailangan ko na umuwi?" Ngiwing ngiting sabi ko. Nag ayos naman siya agad at tumayo.

"Sure, tara hatid na kita. Don't say No I insist tska gabi narin baka ano pang mangyare sayo sa daan" i'ka-crush na ulit kita eh. Ngumiti ako at tumango nalang. Sumakay na ako sa kotse niya. Habang nasa byahe kami ay hindi ko maiwasang mag isip.

Natatakot ako na baka saktan niya ulit ako. Kaya ayoko umuwi. Hindi ko alan kung bakit parang ang laki ng kasalanan ko sakanya, where in fact nanahimik lang ako.

Nasa harap na kami ng Mansyon. Bumaba din ako agad, nakaramdam ako ng kaba at parang may nakatitig ng matalim saakin. "Ahh ano Liam salamat ha. Dito nalang ako" ngumiti ako habang siya ay pinagmamasdan ang mansyon.

"Dito ka ba nagtratrabaho, safe ba dito? Parang medyo malayo ha tska walang mga sasakyan" concern na sabi nito.

"Ha oo dito nga pero wag mo na sabihin kay Rosie muna ha, tska safe ako dito. Salamat ulit" lumapit ito bigla sakin tska ako niyakap na ikinagulat ko. Omg omg omg! Ashantiiii

Pagkatapos ng yakapan scene. Umalis narin ito, hinintay ko muna siyang makaalis. Bigla naman akong kinabahan nang makaramdam ako ng presensya sa likod ko at bigla itong nagsalita.

"GET. IN SL*T!" para akong mahihimatay sa lalim mg boses nito. Halata naman na galit nanaman ito.


Obsession Series | (Lucas Sebastian Adkins Dangerous Obsession)Where stories live. Discover now