RUIGI ROI MORENO'S point of view....
"Mga hayop kayo! Mga baboy!"
Pitong taon gulang lamang ako noong mga oras na ito habang inosenteng nakatayo sa harap ng pintuan nang kwarto ng aking mga magulang habang hawak ang kamay ni Mama, ang aking ina ay nanginginig mula labi hanggang kanyang mga paa habang umiiyak na nakatingin kay Papa at kay Tito Rendell na magkasama sa loob ng kwarto nila Mama.
Tumigil sa paghahalikan si Papa at si Tito matapos makita si Mama, nanlalaki ang mga mata nilang dalawa habang nakatingin sa Nanay kong nagpupuyos at nasasaktan.
"A-Alexandra...." Tumayo si Papa, ramdam ko ang takot niya habang papalapit siya kay Mama.
"Hayop ka! Hayop ka!" And that moment pinagsasasampal na siya ni Mama. "Pinagkatiwalaan kita, pinagkatiwalaan ko kayo!"
Umiiyak niyang sigaw, naiwan ako sa labas ng kwarto habang walang kaalam-alam sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.
"S-Si Kuya pa talaga?! Kapatid ko pa!" Nanghihina siyang sumugod kay Papa pero sinalo nito ang kanyang katawan.
"Alexandra, magpapaliwanag ako—"
"Baboy ka! Putangina mo, mga baboy kayo! Mga salaula!"
Hindi natigil sa pagsigaw si Mama bago sinabunutan si Papa.
"All this time I thought you were having a mistress, I thought you were having an affair with a woman but this is all I got? You were cheating on me with a fucking man! How could you! How could you have an affair with my Kuya!" Hindi ko maipinta ang mukha ni Mama sa mga oras na ito, she's breaking down so hard.
"At ikaw!" And then she turned to Tito Rendell. "You saw me falling down, tinulungan mo pa akong isipin na may ibang babae ang asawa ko tapos ikaw pala! Ikaw pala animal ka!"
"You were acting like you cared for me so much, may pasabi-sabi ka pa na nandito lang si Kuya para sa akin tapos ikaw pala ang aahas sa asawa ko! K-Kuya Rendell, magkapatid tayo!"
Sinampal siya ni Mama bago siya kumapit sa dibdib nito at nakaluhod na umiyak sa harap niya. Ako naman ay napasibi kasi nakita kong nasasaktan ang Mama ko.
"Magkapatid tayo, same mother and father. Bakit mo naman ginawa sa akin ito? Bakit ako pa, bakit kami pa? Paano....paano ito nangyari, ipaliwanag niyo sa akin kasi gulong-gulo na ako, diring-diri ako sa inyo!"
Halos gumapang si Mama, si tito Rendell naman ay hinawakan siya pero tanging galing na pananakit lang ni Mama ang nakuha niya.
"Huwag mo akong hahawakan, nandidiri ako sayo!"
"Alexandra, huwag mo naman pagsalitaan ng ganyan ang kapatid mo, hindi naman namin sinasadya." Napatingin ako kay Papa, umiiyak siya kaya nahihirapang tumayo si Mama.
"H-Hindi sinasadya? Bakit, Landro, ilang beses naba kayong naghalikan? O may ginawa pa ba kayo na higit pa doon?" Kumalma ng bahagya ang boses niya pero hindi siya naawat sa kanyang pag-iyak, wala akong alam kung bakit, hindi ko sila maintindihan kung bakit sila nag-aaway.
"Ilan, Landro? At ano-ano?" Parang baliw na tumawa si Mama. "Ilang beses niyong ginawa ni Kuya?"
"Alexandra—"
"Sagutin mo ang mga tanong ko!"
"A-Apat..." Sagot naman ni Papa.
Malakas na tumawa si Mama habang umiiyak.

YOU ARE READING
LICK BY TONGUE, TOUCH BY MY MOUTH
General Fiction{WARNING: THE ILLUSTRATION OF THE CHARACTER IN THE BOOK WASN'T MINE, credits to the real owner. Pictures from Pinterest/Google.} Sylvan Rake Giero is a popular male model in their industry who is loved and desired by almost all women. But they do no...