Dance - 42

771 39 18
                                    

~*~

Denaery's POV


"Blue," tawag ko sa kanya at nilingon niya naman ako.


"Ano'ng ginagawa mo rito? Sumali ka sa kanila o," sabay turo niya kina Revenie sa canteen. Sinundan ko kasi siya nang nag-walk out siya kanina sa canteen.


Hindi ko rin alam kung bakit ko ba siya sinundan, I just have the feeling na naiintindihan ko siya sa nararamdaman niya ngayon. I wanted to comfort him, but how do I comfort him now?


"Ayokong may nakikitang loner e, kaya sasamahan na kita." Nginitian ko siya pero hindi man lang nag-smile back sa'kin. Suplado nito, hindi naman siya ganito noon a? Grabe naman ang epekto ni Steve sa kanya at ang laki ng pinagbago niya.


"Alam mo Blue, you don't have to be someone else to be admired by someone," seryosong sabi ko at nakuha ko naman ang atensyon niya. Seryoso niya rin akong nilingon at napabuntong-hininga.


"Pero sinabi niyang ayaw niya sa'kin." Napangiti ako nang sabihin niya iyon sa'kin, atleast nag-open up siya sa'kin. Alam ko kasi ang pakiramdam ng walang masabihan.


"That doesn't mean na dapat kang magbago Blue, malay mo unti-unti ka niyang magustuhan bilang ikaw. Lahat kaya kami naninibago sa'yo, we used to see that makulit at maingat na Blue."


"Hindi ko alam," aniya at tinapik ko naman ang balikat niya.


"Alam mo bang gusto ko si Bran noon?" Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin ko 'yun sa kanya. "Totoo, pero nakita ko kasing gusto niya si Revenie. Parati siyang nakatitig dito at nararamdaman kong may gusto siya sa kaibigan ko. Nakita ko ring unti-unti ng nahuhulog si Revenie kay Bran."


"Ano'ng punto mo?" Tanong niya at ngumiti naman ako.


"Nag-let go ako, alam mo Blue ang nararamdaman nating dalawa ay tanging paghanga lamang. Kaibigan mo Cliren Blue, magiging madamot ka ba sa kanya?"


"Minsan lang kasi ako nagkaka-gusto," aniya at tumaas naman ang kilay ko. "Sa mga kaibigan ko pa napupunta."


Ano'ng ibig niyang sabihin? Sa mga?


"Nagka-gusto rin ako kay Deveira noon pero si Bran ang gusto niya, tapos ngayon ha... kay Cliren naman."


Now I get it, hindi siya nasaktan dahil siya gusto ni Steve. Nasaktan ang ego niya dahil sa tuwing may nagugustuhan siya sa iba napupunta-- hindi lang sa iba kundi sa kaibigan niya. Nagasgasan ang ego niya do'n dahil dalawang beses na nangyari 'yun sa kanya.


Totoo nga talaga siguro na ang mga taong palatawa at pala-ngiti ay ang mga taong pinaka-seryoso sa pag-ibig. Tingnan mo ang isang 'to o.


"Blue, learn to accept the fact para makapag-move on ka. In that way, you can be happy. 'Wag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan," sabi ko at sa wakas ay ngumiti siya.

Skip a DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon