Dance - 16

1K 66 43
                                    

~*~

Denaery's POV

"Bilis! Bilisan niyo! My gahd! Please hold on Zeke, Steve." Umiiyak na sambit ni Revenie habang hawak ang kamay nina Zeke at Steve.

Kasalukuyan kaming naka-sakay ngayon sa ambulansya. Ang narinig pala namin kanina ni Revenie na naputol, ay ang kinakabitan pala ng safety harness nina Zeke at Steve. Nasa pinaka-tuktok pa sila noong maputol ito. Malakas ang impact nito dahil mataas ang kinalalagyan nila, kung kami ni Revenie naman ang nahulog ay siguro bali-bali na rin ang buto namin, dahil kahit nangangalahati na kami ay mataas pa rin ito. How much more sa kina Zeke na nasa pinatuk-tok, parang nahulog na rin sila sa isang four-storey building.

Nang mahulog sila ay agad sila nawalan ng malay, duguan silang pareho, kaya tumawag agad ng ambulansya at hindi na kami nakapag-bihis pa at mabilisan silang itinakbo sa ospital.

Umiiyak kaming pareho ngayon ni Revenie, ngunit nilalabanan ko ang mga luha ko dahil gusto ko maging matatag para sa kanilang dalawa. Pinapatahan ko si Revenie ngunit binabalewala lang niya ito at patuloy sa pag-iyak.

"Zeke! Steve! Manong bilisan niyo! Kaibigan ko ang kinakarga niyo! Maawa kayo manong!" Humagulhol siya kaya hinimas ko ang kanyang likod at niyakap.

"Kaya nila yan Rev. Magtiwala lang tayo, tutulongan tayo ng Panginoon. Malakas ang dalawang yan." Pagpapatahan ko sa kanya at mas lalo pa siyang humagulhol. Puno ng dugo ang kamay at damit namin ni Revenie, nang dahil sa kanina, hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya napayakap ako sa dalawa kong kaibigan.

"Hinde! Hinde! Hin..de.. Bakit nangyari to, sana ako na lang ang nahulog! Ayoko ko silang makita sa ganitong sitwasyon. Bilisan niyo sabi Manong eh!" Gigil na sabi niya at mas lalo binilisan ng driver. Hindi ko na mapigilan si Revenie, galit na siya. Napa-pikit na lang ako at maiging nag-dasal.

'Panginoon ko, tulongan niyo po ang mga kaibigan ko. Bigyan niyo sila ng lakas para lumaban.'

Kapatid na ang turi ko sa kanilang dalawa, kaya hindi ko kakayaning makita silang ganyan ang sitwasyon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit naputol and kinakalabitan ng harness nila. Inayos naman iyon kanina ng mabuti, pero bakit naputol.

Wala akong balak na mamintang ngunit sadyang nakakapag-taka. Mukhang sinadya ito, kailangan kong pa-imbestigahan ito. I won't let them pass so easy!

Nang maabot namin ang hospital ay agad inilabas sina Zeke at Steve, inilagay sila sa stretcher at mabilis na nilagay sa Emergency Room. Hindi kami pinapasok ng mga nurse kaya naiwan kami sa labas ng E.R.

"Gawin mo ang lahat doc! Maawa kayo.. Kaibigan ko ang nasa loob! Gawin niyo lahat! Doc!" Paki-usap ni Revenie sa doktor bago pumasok ng E.R. Niyakap ko na lang si Revenie dahil panay ang iyak niya.

Hindi ko na rin napigilan at tumulo na ang luha ko. Hindi ko matiis na tingnan lang sila at tumunganga rito. Ngunit wala kaming magawa, gusto kong nasa tabi nila kami ngayon kailangan kami ng mga kaibigan namin ngayon.

Pina-upo ko si Revenie sa waiting area ng E.R. Namumutla na siya at pulang-pula na ang kanyang mata sa kakaiyak.

"Rev please be strong for them. Let's be strong for them. Trust me, kaya nila yan." Sinserong saad ko sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod.

"Bakit nangyari to?! Bakit?! Magbabayad ang gumawa nito! I won't let them run away with this!" Galit niyang saad habang tumutulo ang kanyang luha.

"Rev, masama yan. Wag mo ng ituloy ang binabalak mo. Just let karma find them. Don't do stupid things. Okay?" Pilit ko siyang pinapa-kalma ngunit hindi talaga tumatalab. Pinilit ko ring kalmahin ang sarili ko, ayokong makita niya akong umiiyak na naman. Gusto ko maging matapang at matatag para sa kanilang lahat.

Skip a DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon