Chapter 3 - Kicked Out

17 3 0
                                    

A/N:

By the way po hindi po Ito update, inayos ko lang po ang Chapter 3 kasi nagkagulo gulo.

Salamat po sa pagintindi.

~loner

Chapter 3 - Kicked Out

Andrea's POV

"Huhuhu Tashi anong gagawin natin na kick out na tayo?" Nagdadalamhati kong tanong kay Tashi habang siya ay pa easy easy lang sa paglalakad.

Kakalabas lang kasi namin sa office of the president.

"Wag ka ngang OA ililipat naman nila tayo sa isa pa nilang school diba." Balewala niyang sagot.

"Anong wag kang OA wag kang OA diyan ang pinagsasabi mo, for your effin information na kick out tayo na kick out alam mo ba yon!!" Nang hihysterical kong sagot samantalang parang wala lang talaga sa kanya ehh, ihambalos ko kaya sa poste ang babaeng to.

Palibhasa kasi mayaman sila kaya wala lang sa kanya ang gumastos, eh sa aming medyo kapos sa buhay eh mamomroblema na kong sa'n kami kukuha ng gagastusin.

"Alam kong na kick out tayo pero alam mo ba ang dahilan kong bakit?, kung minsan kasi Andy mag-isip ka naman wag kang talak ng talak diyan." Pahayag niya.

Oo nga no hmm.. kung Minsan talaga ang engs ko rin ehh hihihi minsan lang naman. Pero ano nga ba ang reason kung bakit kami na kick out?

"Wala ka ba talagang natatandaan rason kung bakit nila tayo kinick out ha?" Tanong ni Tashi

"Hmmmm wala naman, ikaw alam mo ba kung bakit nila tayo kinick out?" Tanong ko sa kanya pabalik.

She just shrugged and then walk away kung minsan talaga weird tong kaibigan ko ehh...

**********

Natasha's POV

Maski ako nga hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi sa mga nangyayari ngayon at sa mga susunod pang araw.

Tandang-tanda ko pa kung ano nangyari noong nasa laboratory kaming dalawa ni Andy para sa paggawa ng aming project.

---------------flashback---------------

Author's Note:

Nangyari po yan bago sumali si Andy sa pageant.....

"Andy ano nga pala ang ihahalo nating substances para makagawa tayo ng volcanic reaction?" Tanong ko kay Andy, siya lang kasi ang may maraming alam pagdating sa science eh.

Pero hindi siya nagsalita.

"Andy anong mga substances ang kakai.... Oh my God Andy!!! Andy!!! gumising ka Andy!! Ano bang nangyari sa yo Andy!! Tulong!!!" Sigaw ko sa loob ng laboratory.

Ano bang nangyari sa kanya at bigla siyang hinimatay.

Yuyugyugin ko na sana siya ng bigla itong nagmulat at naging intense blue ang kulay ng mga mata niya...

At sa pagmulat ng mga mata niya ay ganon ring paglutang ng mga bagay sa paligid kasabay ng pagkabasag ng mga babasaging equipments sa loob ng laboratory, hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa sunod-sunod na sumabog ang mga substances sa loob ng laboratory.

"ahhhhhhhhhhhh Tulong!!!" Sigaw ko habang palabas ng laboratory.

At sa di kalayuan ay natanaw ko si Nicholas kaya humingi na ako ng tulong sa kanya.

Final FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon