[28] Operation: Bawal

33 2 0
                                    

TERRENCE

Pumayag lang ako sa pinapagawa ni Vanessa para hindi niya saktan si Oliva pero on my condition, she won't bother me and Olivia anymore. Ang hirap kasi ng pinapagawa ni Vanessa.

She said, we should go on a date for three days straight at susunduin ko pa siya sa school niya tuwing uwian at doon ko lang kilangan iexplain kay Olivia kung matagumpay ang ginawa namin. At may 'p.s.' pa. Kung ipakita ko kay Olivia na naaawa ako sa kanya ay mas hahaba ang parusa na ito at kailangan daw ipalabas ko na ako yung pumilit sa kanya at hindi siya.

This is hard. Kailangan kong tiisin ito for the sake of Olivia. At kahit anong gawin ni Vanessa ay hindi magbabago ang nararamdaman ko kay Olivia dahil mahal na mahal ko siya.

Kahapon, pinamukha ni Vanessa na magkasama kami at binundol pa niya talaga si Olivia. Naawa naman ako sa kanya dahil nahulog siya at parang napansin ko na namumula pisngi niya pero kailangan ko maging professional dahil ayokong masaktan si Olivia.

Masakit, dahil umalis lang siya at parang naiiyak pa siya. Mahal ko siya kaya ko ito ginagawa sa kanya.

At ngayon araw na ito, napag usapan pa niya na maglu-lunch daw siya dito sa school dahil gusto niya na magalit si Olivia sa kanya, ang kapal noh? At gusto daw niya makita si Kurt, praning noh? Kulang nalang ipasok ko siya sa isang maleta at iwan sa gilid ng kalsada para madala ito sa mental hospital pero kakasuhan ako nga animal abuse dun este child abuse.

From: The Demon
Malapit na ako diyan, asan ako maghihintay?
Received: 11:35 am

And yes, the demon is Vanessa dahil masama siyang tao. Ang early yata niya. Sasabihin ko nalang na maghintay siya sa elementary builing tapos hindi ako sisipot.

From: The Demon
And don't you think na lokohin ako kundi four days na ito.
Received: 11:36 am

See? She's like ready for the future or something.

To: The Demon
Ewan ko sayo. Mabulok ka sana diyan sa kakahintay sa akin. At sino ang may kailangan sa atin? Dapat ikaw yung lumapit.
Sent: 11:38 am

Bakit kasi ang early niya? Nag cutting ba itong babae to? Mabait talaga siya noon pero simula nung naging si Kurt at Olivia parang lumabas ang buntot at horns niya, selos? Galit? Ewan ko sa kanya pero ibang iba siya noon eh.

From: The Demon
Hoy ikaw! I'm trying to save you and your girlfriend just do this. Oh sige, maghihintay ako sa Canteen punta ka dun ha?
Received: 11:40 am

Operation: Bawal (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon