Dali dali akong pumasok sa coffee shop namin. Hindi pa din ma proseso ng isip ko ang mga nangyari. Nag aalalang lumapit sa akin si Lance, pinaupo niya muna ako dahil alam niyang hingal na hingal ako. "Ano nangyari sayo?Okay ka lang ba?" Nag aalala niyang tanong sakin habang inaabutan niya ako ng tubig para mawala ang paghingal ko. Uminom ako ng tubig at nilpag ko sa lamesa ang baso. Pumikit ako at huminga ng malalim. "Naaalala mo nung nakasira ako ng mamahaling camera?" tanong ko sakanya. "Ah oo nung bumili ka ng iinumin nagtin sa convenience store.Bakit?" Tanong niyang muli. " Yung may-ari ng bagong bukas na bakeshop siya din yung may ari noong nasira ko na camera" banggit ko sa kanya sabay hinga ng malalim at inom ng tubig. Lumaki ang kanyang mata at nahulog ang mga panga niya ng marinig niya ang akingv mga nasabi. "Shit, so pano na yan? Ano gagawin mo?" nag aalala niyang tanong. "Sa ngayon kulang pa yung pambayad ko pero mababayaran ko naman yun hayssst" banggit sabay napabugtong hininga. Minsan naiisip ko parang maganda sana kung hinayaan ko nalang yung camera,edi sana hindi ako namomroblema ngayon.
Nang malalim na ang gabi ay nagligpit na kami ni Lance. Pagtapos naming ligpitin lahat ng kailangang ligpitin ay niyaya ko siya na uminom. "San tayo iinom?" tanong niya habang kinakandado ang pinto sa coffee shop. Inabot niya sakin yung susi pero pinatago ko muna sa kanya dahil sure ako na safe yun pag sakanya dahil hindi naman yun basta basta nalalasing tulad ko.
Manghang mangha si Lance pagdating namin sa lugar. "Ang ganda dito ah, paano mo naman to nahanap?" tanong niya habang nililibot ang mata sa lugar. Umupo kami sa may bakanteng lamesa at lumapit sa amin ang isang babae at tinanong kung ano ang iinumin namin. Pag tapos namin umorder ng iinumin ay tumingin ako sa labas at inisip ko kung pano ko mababayaran yung camera next month. Next month na kasi ang dead line na napag usapan naming dalawa sa text. Tapos 2 weeks nalang matatapos na ang isang buwan. Tapos kalahati palang ng presyo nun ang naiipon ko. Sumasakit ulo ko sa tuwing iniisip ko kung saan ako hahanap ng pera. "Huy bakit ang lalim ng iniisip mo? Kaya nga tayo pumunta dito para malimtan muna yung mga iniisip natin eh, Oh ayan nap ala yung inorder natin eh" banggit niya habang paparating yung babae sa puwesto naming upang iabot yung inorder naming drinks.
Pagtapos nun ay naka dalwang baso pa ako. Tumayo si Lance upang sumabay doon sa mga nag sasayaw sa may dancefloor. Gusto ko din sumabay sa pag sayaw ngunit pagtayo ko ay parang umiikot na ang aking paningin at hindi ko na marinig ng maayos ang paligid. Nasobrahan ata ako sa alak na ininom. Hindi narin maayos ang aking paglalakad. Maya maya ay narinig akong parang bumagsak na gamit at bigla kong naalala yung nangyari ng makasira ako ng camera. Gusto ko ng umiyak ng maalala ko nanaman iyon.
9 HOURS LATER
Dinilat ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang sikat ng araw mula sa bintana. Dahan dahan akong bumangon sa kama habang papikit pikit pa ang aking mata habang nagkakamot ng ulo. Nang madilat ko na ng tuluyan ang aking mata ay bumangon na ako sa kama. Nakakapagtaka dahil parang lumaki yung kama ko at nag iba yung ayos ng mga gamit ko. Pagtingin ko sa isang pader ay nakita ko ang mga picture famre na sigurado akong hindi sa akin ngunit alam ko kung kanino. Maya maya ay lumaki ang mga mata ko at napahinto ako sa pag galaw ng ma realize ko na wala ako sa aking bahay. Lalo akong nagulat ng malaman ko kung nakaninong bahay ako. " Paano ako napunta dito?sa kwarto niya? " Nagtataka kung tanong habang hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Maya maya ay naalala ko na niyaya ko pala maginom sa bar si Lance at napasobra ako sa inom kaya nalasing ako at naramdaman ko yun nang sasabayan ko sana si Lance sa pagsasayaw. Ngunit hanggang doon nalang ang naaalala ko. Hindi ko na maalala kung bakit ako nandito. Kung bakit ako nasa bahay ni Matthew.Bakit ako nasa bahay ng may ari ng bagong bukas na bakeshop. Napatingin ako sa aking mga damit at na realize ko na iba na pala ang damit ko at pinalitan din ng pajama ang suot kung pantalon kagabi. "Pinalitan niya ko ng damit?tapos pinatulog sa kwarto niya? Wait..may nangyari ba samin" tanong ko sa aking sarili sabay ngisi. Bakit naman may mangyayari samin eh napaka cold nga non sakin nung una naming pagkikita.
Ilang saglit pa ay biglang may nagbukas ng pinto sa kwarto at walang iba kundi si Matthew ang nagbukas nito, Nagkatitigan kami at biglang lmikot ang kanyang mata at kung saan saan siya tumitingin. Mahahalata mo na iniiwasan ka niya dahil sa kilos niya at mukhang hindi siya kumportable sakin. Hindi siguro siya sanay na may pinapasok sa kanyang bahay. Nalaman ko na nasa second floor pala kami nang makita ko ang hagdan pababa paglabas ng kanyang kwarto. Pagbaba naming ay tumambad sa akin ang kanyang bakeshop. So andito pala kami sa bakeshop tapos may kwarto rin siya sa second floor gaya nung sa coffee shop ko.
" Upo ka muna saglit,Hahanda ko lang almusal natin" Mahinahon niyang banggit sa akin na aking kinagulat na halos mahulog ang aking mga panga "ipaghahanda moko ng almusal?ikaw?" pautal utal kong banggit sa aking isipan habang oaounta sa aking upuan. Habang hinahanda niya ang almusal namin ay bigla akong napatitig sa kanya. Habang tinititigan ko siya ay na realize ko na napaka gwapo nga niya talaga kahit na ano pa ang ginagawa niya. Maya maya ay bigla siyang napalingon sa akin kaya naman agad akong napaiwas ng tingin. "Nako Jake umayos ka nga.. tandaan mo malaki pa utang mo dyan" banggit ko sa aking isipan nang maalala ko na hindi ko pa pala bayad yung nasira ko na camera niya.
Maya maya ay natapos na siya sa paghahanda ng almsal naming. Pumunta siya sa lamesa kung saan ako banda nakaupo. Nilapag niya ang dalawang platito sa lamesa na may Slice ng black forest na cake at umupo narin siya sa upuan sa may tapat ko. Pagtikim ko sa gawa niyang cake ay nagulat ako dahil napakasarap nga niya mag gawa tulad ng mga sinasabi ng mga customers ko na nanggaling din sa baskeshop niya. Habang kami ay magkatapat na nasa kalagitnaan kami ng pagkain bigla akong napatayo sa gulat,lumaki ang aking mga mata at halos mahulog ang aking mga panga at para akong naging bato na hindi makagalaw. may ala ala na biglang pumasok sa aking isipan. Maya maya ay bigla kaming nagkatinginan ni Matthew at bigla siyang napalunok at napayuko. "Shit..shit..!"banggit ko sa aking isipan
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Cafè Amore
RomanceJake is a barista in his own coffee shop. He has a crush on the handsome newly moved bakeshop owner but they ended up being on bad terms.