CHAPTER 6: Caramel Macchiato with Cinnamon Roll

0 0 0
                                    

Habang nag aayos ako ng gamit ay may naamoy akong pamilyar sa akin na nanggagaling malapit sa puwesto namin. Sinundan ko ang amoy at hindi nga ako nagkakamali. Andito rin si Matthew sa event upang I showcase ang kanyang bakeshop.

Bigla siyang tumingin sa aking kinatatayuan at nagkatitigan kaming dalawa. Nagkatitigan ang aming mga mata na halos tumahimik ang buong paligid at parang kaming dalawa lang ang tao sa paligid. Nagpatuloy ito hanggang sa bigla akong tawagin ni Lance upang umoys na sa pwesto naming dahilmagsisimula na ang event. Paglingon ko sa pwesto ni Matthew ay busy narin siya sa puwesto niya.

Maya maya ay biglang nagsipalakpakan at nagsihiyawan ang mga tao sa paligid. Nakita ko ang isang lalake na nag lalakad papuntang entablado at mukhang pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Nag flash sa malalaking Led sa entablado ang kanyang pangalan at mukha. Tinitigan ko ang kanyang mukha at na realize ko na siya pala yung lalakeng nakabanggaan ko kanina. Hindi ko alam na sobrang sikat pala niya at Z pala ang tawag sa kanya.

Lumingon ako kay Lance at pati siya ay pumapalakpak at nakikihiyaw " Kilala mo yung tao sa stage?" tanong ko sa kanya habang nagpapatuloy siya sa pagpalakpak. Tumigil siya sa pagpalakpak at lumingon sa akin "Hindi mo bayan kilala? Z ang tawag sa kanya, ang real name niya ay Raze Alcantara. Sikat na soloist P-pop idol yan! Yung bago niyang release na kanta wala pang isang araw may 5million views na! Tignan mo yung social media niya oh 10.5 million followers name niya dyan is raZZEe" pag eexplain niya sa akin. Mukhang fan na fan nga siya ni Z.

Maya maya ay nagsimula nang kumanta sa Z sa entablado at lalong lumakas ang hiyawan at palakpakan ng mga tao sa lugar. Pumalakpak din ako dahil maganda nga ang kanta at boses niya. Nilibot ko ang mata ko sa paligid habang pumapaklakpak. Napansin ko na marami palang balkonahe sa gilid. Pati sa likod namin ay mayroon din. Natatakpan ito ng Ginto at puti na kurtina. Naisipan ko na magpahangin saglit kaya nagpaalam muna ako kay Lance. Nagkakantahan pa naman, babalik nalang ako pag nag start na.

Pagpunta ko sa balkonahe ay nakita ko si Matthew na nakatao habang nagmumuni sa langit. Mukhang napansin niya ang pagpasok ko kaya napalingon siya sa akin. " Magpapahangin ka rin ba?" tanong niya sa akin " Uh moo hindi pa naman nag sstart" sagot ko sa kanya. Tumabi ako sa kanya at tumingi ako sa baba. Kita ang buong kagandahan ng paligid ng pag sumilip ka. Nagsisiilawan din ang mga malalaking bukal na nakapaligid sa gusaling ito.

Inabutan ako ni Matthew ng hawak niya na cinnamon roll na isa sa mga naka display sa pwesto niya. Kinuha ko ito at tinikman "uhmm ang sarap nito" banggit ko. " Sorry nga pala..about doon sa kape na ano" banggit niya habang nakatingin sa akin habang nakatitig ako sa paligid " Okay lang yun..next time wag mo na itatapon ah" banggit ko sa kanya at sabay kaming napatawa ng mahinhin.

Maya maya ay tumahimik na sa loob at mukhang magsisimula nang maglibot ang mga influencers at iba pang investors sa mga naka showcase na brands kaya sabay na kaming bumalik sa loob at nag paalam sa isat isa. Pagbalik ko sa puwesto ko ay may mga tao na gusto bumili para matikman ang aking mga kape " san ka nagpunta hindi kita mahanap?" tanong sa akin ni Lance "Pumunta lang ako sa banyo saglit " pagsisinungaling ko sa kanya sabay tinulungan ko na siya sa puwesto namin.

Nakita ko si Z na naglalakad at nililibot ang mata sa paligid. Maya maya ay napatingin siya sa puwesto namin. Nakita niya ako at mukhang nakilala niya kung sino ako at lumapit siya papunta sa puwesto namin. Halos hindi makagalaw si Lance ng lumapit si Z sa pwesto namin.

" So mag shoshowcase ka pala ng brand mo, Im a coffee lover din, May I taste your coffee?" tanong niya habang nakatitig sa akin. "Sure!" sagot ko sabay umorder siya ng Iced Caramel macchiato kaya agad ko itong tinimpla. Sabik ako malaman kung ano masasabi niya sa kape namin pag natikman niya.

Pagtapos ko matimpla ay agad ko itong inabot sa kanya. Agad niya itong tinikman at napapikit siya ng matikman ito sa sobrang sarap. "Ang sarap ng kape niyo, I hope we'll see each other again para makatikim ako ulit ng kape niyo" banggit niya sa amin sabay nagpaalam na siya upang maglibot pa sa ibang restaurants and café.

Tuwang tuwa kami pagtapos nun. Maya maya ay biglang may nag notif sa phone ko. Tinignan ko ito, Nag selfie si Z kasama ang coffee namin at sinabi niya na nasarapan siya sa kape namin sa post niya sa kanyang social media nakatag din ang page ng aming coffee shop. Five minutes ago palang yung post pero meron na agad 50k likes saka andami ding positive comments kaya nagtatalon kami sa tuwa ni Lance.


TO BE CONTINUED

Cafè Amore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon