CHAPTER 1: COFFEE

9 1 0
                                    

Bata palang ako ay hanga na ako kung paano ni papa napapangiti si mama tuwing umaga sa pamamagitan ng pagtimpla niya ng kape para kay mama. Gusto ko rin yun matutunan kaso dahil bata pa ako ay hindi ako pinayagan ng mga magulang ko kahit sa pag inom pa nito.

Pagtungtong ko elementary ay natuklasan ko ang instant coffee. Ihahalo mo lang ito sa mainit na tubig ay mayroon ka ng kape. Ilang beses ako napagalitan ni mama dahil napapadalas ang pag inom ko ng instant coffee. Pero hindi pa din ako tumigil sa pag inom nito. Minsan ang laman ng tumbler ko sa school ay kape din kaya hinuhugasan ko ito agad pag uwi para hindi ako mahuli ni mama. Ayos lang naman kay papa ang pag inom ko ng kape basta wag ko lang daw dadalasan pero si mama ayaw niya talaga, pagtutong ko ng high school ay doon lang daw niya ako papayagan.

Pagtungtong ko ng high school ay Malaya na akong nakakainom ng kape. Hindi na ako pinapagalitan ni mama. Na excite din ako nung sinabi ni papa na tuturuan niya na ako kung paano magtimpla gamit ang coffee maker sa bahay. Tuwang tuwa ako nun pagtapos kung matimpla ang pinakaunang timpla ko na hindi instant coffee. Naalala ko dinura ko pa ito agad dahil sa pait. Tawang tawa pa si papa noon nung makita niya ang reaksyon ko ng matikman ko ang kape na timpla ko.

Isang beses nung na ang tataas ng score ko sa exam ay niyaya ako ni papa na kumain sa labas. Tinanong ko si papa kung saan niya ako dadalhin pero ayaw niya sabihin basta matutuwa daw ako pag nakapunta kami doon. Nang makarating na kami sa aming pupuntahan ay namangha ako sa nakita ko. Nakita ko ang napakaraming tao na umiinom ng kape at ibat ibang kape timpla din ng kape ang iniinom nila at doon ko nalaman na pwede din pala inumin ang kape na malamig. Napaka ganda at tahimik ng paligid nakaka relax din ang bong ambience ng lugar. Para kaming napunta sa ibang mundo. Mundo na kung saan puno ng kape. Hindi ko ma explain pero feel ko I felt euphoria that time.

Naalala ko pa yung sinabi ko kay papa nung pagtapos namin pumunta sa lugar na yun. "Pa paglaki ko ang pangarap ko ay makapagtayo ng coffee shop,Gusto ko magtimpla ng kape para sa maraming tao at gusto ko mapapagaan ko ang pakiramdam nila sa tuwing matitikman nila ang kape ko" Nakangiti kong banggit kay papa habang naglalakad kami pauwi". Tumingin si papa sa akin at natuwa siya sa sinabi ko "sige hihintayin ko yan ah" banggit niya sakin habang nakangiti

Makalipas ang 13 na taon ay natupad ko narin ang matagal ko nang pinapangarap. Nakapag tayo na ako ng sarili kong coffee shop. Naka graduate narin ako ng college. Nakakalungkot lang dahil pumanaw na si papa bago ko pa man ito matupad. Inatake siya sa puso nung 2nd year college ako at binawian na siya ng buhay bago pa man madala sa hospital. Pero gayunpaman alam ko na masaya siya kung nasaan man siya ngayon. Dahil natupad ko na ang pangarap ko.

Hi ako nga pala si Jake Gonzales, and welcome to Jake's Brew.

Maya maya ay may nagmamadaling pumasok sa pinto. Hingal na hingal siya pagtigil niya sa paglalakad. "Sorry may pina-asikaso sa akin yungi tito ko kaya ngayon lang ako nakarating" banggit niya habang hingal na hingal, mukhang tumakbo siya papunta dito.

Siya si Lance, ang nag iisa kong part timer sa coffee shop. Magkaibigan na kami simula college. Mahilig siya sa kape at hobby niya ang café hopping kaya naman nakasundo ko siya at marami din kaming ibat ibang afe at coffee shop na napuntahan.

Kaya noong natayo na ang coffee shop at kailangan ko ng kasama sa pagtitimpla ng kape ay wala akong ibang naisip tawagan kundi siya. "Sanay naman na ako,magbihis kana doon bago ka pa mawalan ng trabaho" pabiro kong banggit sa kanya habang inaabot ko sa kanya ang uniform na coffee shop.

Maya maya ay may pumasok na customer "Oh asikasuhin muna, late kana nga eh" pabirong banggit ko ulit sa kanya habang hinuhugasan yung ibang gamit sa coffee shop. "Opo boss!" sagot niya sakin sabay ngiti.

Habang tinitimpla niya ang mga order ng customer ay lumapit siya sakin " Jake..Balita ko nagbukas na kaninang umaga yung Bakeshop ah, narinig ko yung mga customer natin na nag uusap. Ang sarap daw ng cake at tinapay doon saka gwapo daw yung may-ari" pabulong niyang sabi sakin. "Alam mon napaka chismoso mo kamo, mag focus ka nga diyan " banggit ko sa kanya.

bakante na yung katabi namin na puwesto dyan mula pa nung ipatayo ko yung coffee shop. Tapos nakaraang lingo balita sakin ni Lance may nakakuha na daw ng pwesto. Pagtapos nun nagulat nalang ako ng makita ko na maayos na ang puwesto at mukhang bakeshop ang itatayo nila.

Na curious ako sa sinabi ni Lance kaya naman lumabas muna ako saglit since unti pa lang naman ang customer. Sumilip ako sa harap ng katabi namin na bagong bukas na bakeshop."Matthew's bakeshop, siguro matthew din ang pangalan ng may ari" bulong ko sa aking sarili. Sa labas palang amoy mo na ang halimuyak ng tinapay at cake at amoy masarap nga ito. Sumilip ako ng unti sa loob at medyo marami din ang customer niya kaya hindi na akon nagdalawang isip pumasok.

Pumunta ako sa harap kung saan naka display ang mga tinapay at cake. Nilibot ko ang aking mata sa mga naka display na tinapay at cake at tumigil ang mata ko ng makita ko ang pavlova cake. Mukhang gusto ko neto. Tumayo ako ng tuwid at biglang bumungad sa akin ang mukha ng isang lalake na may napaka kisig at pamilyar na mukha . Nang ma realize ko kung sino ang nasa harap ko ay napatigil ako sa aking kinakatayuan at bumilis ang tibok ng aking puso. "ikaw?!"

TO BE CONTINUED

Cafè Amore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon