CHAPTER 5: GOLDEN CAFE

0 0 0
                                    


ONE WEEK LATER

Habang hinahanda ang mga gamit na dadalahin ko sa event, Si Lance naman ay nandoon sa venue upang ayusin ang puwesto namin. Last week kasi naimbitahan ang aming coffee shop na sumali sa Food Galere upang I showcase ang aming coffee shop. Good opportunity to para sa coffee shop namin at baka paraan din to para mabayaran ko na o mapalitan yung camera ni Jake na nasira ko.

Hanggang ngayon ay hindi parin kami nag uusap ni Matthew simula nung nangyari sa bakeshop niya last week. After ko kasi matapunan ng Iced Americano ay agad na akong tumakbo papaalis ng bakeshop niya tapos hanggang ngayon ay hindi parin kami nagkikita kahit na magkatabi lang ang aming puwesto.

Maya maya ay may bumusina na kotse sa harap ng coffee shop, dumating na si Lance galing sa venue at ngayon ay dadalahin na naming yung mga gamit doon para ayusin ito sa aming puwesto. Muntik na nga kaming hindi tumuloy sa pagsali sa event dahil hindi kami makahanap ng kotse na marerentahan, buti nalang pinahiram kami ni tito niya.

Pagpasok ni Lance sa coffee shop ay agad na niyang binuhat ang ibang gamit upang ilagay sa likod ng kotse " kumpleto na ba yung gamit?" tanong niya sa akin. "Yah dinouble check ko na, lahat ng dadalahin natin andyan na" sagot ko sa kanya habang nagbubuhat din ng gamit upang ilagay sa likod ng kotse. Pagtapos non ay ni lock ko na ang coffee shop para makaalis na kami. Sumilip ako sa bakeshop ni Matthew ngunit sarado rin siya ngayon.

Pag dating namin sa lugar ay pinark ni Lance ang kotse sa may parking lot at binuhat na namin ang mga gamit papunta sa puwesto naming. Habang naglalakad ay nilibot ko ang aking mata sa lugar. Papasok palang kami sa loob ngunit napakaganda na ng paligid. Pinapalibutan ng matataas na bukal ang buong lugar. Nang malapit na kami sa entrance ay hindi ko napansin ang isang lalake na nagmamadaling naglalakad sa aking gilid kaya kami ay nagkabanggaan. Aksidente kung nabitawan ang mga hawak kong gamit, buti nalang ay nasalo niya ito. " Sorry sorry hindi kita nakita nagmamadali na kasi ako" paghingi niya ng tawad habang hawak hawak ang aking mga gamit. "Okay lang, hindi rin kita napansin sorry din" sagot ko sakanya sabay inabot niya ang gamit sa akin at nagmadali na siyang pumasok sa loob dahil.

Lumingon ako at nakita ko si Lance na nanghingi ng autograph sa isang influencer. Pagtapos nun ay agad na niya akong pinuntahan at pumasok sa loob. Pagpasok namin ay marami ngang influencer ang pumunta sa event. Sabi kasi sa invitation ay magtitipon ang iba't ibang influencers and investors sa event. Napaka ganda ng loob. May malaking chandelier sa taas na kumikinang na parang diamante. White and gold ang kulay ng paligid at merong napakagandang fountain sa gitna. Marami ring influencers ang andon at nag lilivestream sa kanilang social media.

Nang makarating kami sa puwesto ay inayos namin ang mga gamit dahil dalwang oras nalang ay magsisimula na ang event. Marami ding restaurant and café ang andoon para mag showcase ng kanilang brand. Isa na dito ay ang Golden Brew na nang café na napuntahan ko, Naalala ko tuwang tuwa ako nang dalahin ako ni papa doon. Tapos na sila mag ayos kaya nagpaalam muna ako saglit kay Lance para puntahan ang puwesto ng Golden Brew. Naalala ko pa ang barista noon, medyo matanda narin siya nun. " Kamusta na kaya siya ngayon, Mr. Juanito Enriquez ang pangalan nung barista na iyon. Naging close kami dahil nung nag college ako ay madalas ko naring daanan yun kasama si Lance.

Pagpunta ko doon ay hindi si Mr. Enriquez ang nakita ko kundi isang lalakeng barista na kaedad ko din base sa kanyang itsura. "Excuse me, andito po ba si Mr. Juanito Enriquez?" Tanong ko sa lalakeng barista. " Uhm sino po sila at bakit niyo po hinahanap yung lolo ko?" Tanong niya sa akin. " Uhm Im Jake Gonzales from Jake's Brew , close friend kop o si Mr. Juanito Enriquez" sagot ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at bigla siyang napangiti " Ah ikaw pala si Jake, lagi ka saking kwinekwento ni Lolo nung nasa college pa ako. Lagi ka raw tumatambay sa café namin nung college ka pa para uminom ng café. Gabi ka daw napunta kasi gabi yung uwian niyo kaya ikaw lagi ang huling customer ni tatay. Lagi ka nga daw niya hinihintay na dumaan bago siya mag sara para makipag kwentuhan siya sayo" banggit niya habang nakangiti sabay kinamayan niya ako. "Ako nga hehe, Kamusta na po siya?" tanong ko muli sa kanya. "Ayun nakaraang taon kasi nagkasakit si Lolo kaya ako na ang pinapaasikaso niya sa café namin, saka nga pala miss kana daw niya. Gusto ka daw niya makakwentuhan minsan. Sabi niya pag nakita daw kita yayain kita na pumunta sa bahay namin" banggit niya sa akin. " Ganon ba?pasabi kay Mr. Enriquez miss ko narin siya, dadaan ako minsan, gusto ko narin kasi siya makakwentuhan" banggit ko sa kanya sabay nagpaalam na ako dahil malapit na magsimula ang event. Bumalik na ako sa puwesto naming upang tulngas si Lance na mag ayos.

Habang nag aayos ako ng gamit ay may naamoy akong pamilyar sa akin nag nanggagaling malapit sa puwesto namin. Sinundan ko anmg amoy at hindi nga ako nagkakamali. Andito rin si Matthew sa event upang I showcase ang kanyang bakeshop.


TO BE CONTINUED

Cafè Amore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon