Reyna and I have been friends since the very moment our eyes laid each other. Lol Hindi ko na i-rereminisce yung past kung kailan, saan at paano kami naging bestfriends. Hindi naman to story ni Reyna. Extra lang sya dito kaya I solely deserve the spotlight. HAHA I love my fans. THANK YOU SO MUCH ARANETA! THANK YOU!
"Ouch!!!!!! Bakit mo ako sinapak? I hate you Bakla!"
"Nanaginip ka pa ata ng gising eh! Maypa-I love my fans ka pang nalalaman dyan. At anong Thank you Araneta? Feeling mo naman nag-coconcert ka? Tsss Feeling mo talaga!! Mas maganda naman ako sayo."
"BAD KA! Hater ka talaga! HATER!!!!"
"Eh, ano ngayon??? Totoo naman eh, mas maganda ako sayo!"
"Wow! Nahiya naman ako sayo! Ipingangalandakan talaga bakla! Ang humble mo rin no? Grabe! Bilib na bilib ka talaga sa kagandahang taglay mo? Sorry to disappoint you Reyna but you look handsome to me eh! You're not pretty, okay? Pogi ka! P-O-G-I!!!! Sayang talaga, naging bakla ka pa!" smh smh smh
"Ewwww ka talaga! I AM PRETTY! P-R-E-T-T-Y!!!! AT BABAE AKO GABRIELE! BABAE!"
"Babae ka na ng lagay na yan? Eh, nakabihis lalaki ka nga! Ako lang ang nakakaalam na bakla ka! Remember? Di pwedi malaman ng iba lalong-lalo na ang family mo cause your dad will disinherit you once he'll know about your true gender."
"Ang sama mo talaga! Bakit mo pa pinaalala sa akin yan? Kaibigan ba talaga kita? You are not supporting me of my dream. Kung di kaya kita tulungan sa make-over na gusto mo?!"
"Eto naman. Nagbibiro lang ako bakla! Wag seryosuhin okay? Hindi naman kita nilalait eh! Pinupuri ko nga ang kagwapohan mo."
"Okay na. Okay na. Change topic. Ayaw ko ng marinig pa ang mga papuri mo. Di ko naman yan kailangan!"
"HAHA Oo nga pala bakit ang aga mo yata ngayon umuwi?" Reyna and I are living together in his condo. Syempre in separate rooms. Reyna was just too kind to offer me to just stay at his place para daw may kasama sya at makasave ako lalong-lalo na ngayon ka-gragraduate ko lang at naghahanap pa ako ng trabaho. At para may tagalinis, tagaluto at tagalaba sya! Inaalila nya po ako. HUHUHU Pero joke lang po. I wuv Reyna so much. He is the only person that I could always count on. My family migrated to Canada and I was left here because I wanted to be independent.
"Masakit ulo ko eh. Ang hirap maging masunuring anak, di ko naman gustong maging CEO dun sa company nila Dad. Kaso wala akong magawa eh."
"Halika ka dito! Kawawa ka naman. I'll just give you a massage."
"Alright, thanks Gab. You're angel."
"Wow, seryoso? Angel na ako nito sa paningin mo? Hindi ka ba nilalagnat Bakla?" I touched his forehead and neck to check if he's hot pero di talaga eh. May malaking himala! Magugunaw na ba ang mundo? HUHUHU Wag po Lord, gusto ko pang magkaboyfriend. Pasensya sa pag-eexagg once in a blue moon lang po kasi ako nakakatanggap ng papuri sa baklang ito.
"SSSSHHHH. Wag maingay! Just massage me."
"Sorry po senorito!" Pagod na pagod ata itong bakla nato. Kawawa naman. Minabuti ko nalang na i.massage sya ng maayos. Inaalila talaga ako nito eh. Pasalamat talaga to love ko sya. Pero may bayad kaya to, mahal kaya ang talent fee ko. Sisingilin ko to bukas. HAHAHA
BINABASA MO ANG
Twice Is Enough
HumorNagmahal ka ng sobra pero anong kapalit nun? Naloko, nasaktan, naagawan at ninakawan ka! Malas ka lang ba talaga o sadyang tanga ka lang sa pag-ibig? Makakaya kayang bumangon ng nag-iisang Gabrielle de Guzman para ipakita sa sanlibutang maganda tala...