"Reyna, bilisan mong maglakad, nagugutom na ko e!" Hinawakan ko na nga sa kamay para bumilis maglakad.
"Opps! Dito lang tayo. Wag na sa mamahalin." Hinila ko sya sa isang fast food chain.
"Bakla, ikaw umorder ha? Hahanap ako ng seats natin. Wag kalimutan ang spicy chicken." Marahan ko syang tinulak para umorder na. Naghahanap na ako ng seats ng may biglang bumangga sa akin. Natapunan ako ng juice dahilan kung bakit basang basa ang aking damit.
"What the hell! Tanga ka ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?"
Gulat akong napatingin sa bumangga sa akin. At ako pa talaga ang tanga? "Ikaw nga tong bumangga sakin! Tingnan mo tong ginawa mo saking damit?" Taas noo akong humarap sa kanya at binigyan ko sya ng nag-aalab na tingin. Akala nya ha!
"Buti nga sayo! B*tch!"
Nagpantig ang aking mga tenga sa narinig. How dare she call me that!!! "What did you just call me?"
"I said b*tch." At binangga pa talaga ako. Galit ko syang hinila at sinaboy ko sa kanya ang isang basong tubig na nasa mesang malapit sakin.
"Now, we're even." And I gave her the sweetest smile. Nakakatawa ang reaction nya, para syang iiyak sa galit.
"Babe, what happened to you?" Someone suddenly appeared, hindi ko nakita ang mukha dahil nakatalikod ito sa akin. He is comforting that culprit for my stressed self. At nakahanap pa talaga ng kakampi!
"Babe, sinabuyan ako ng babaeng yan!" At nagsumbong pa! Tinuro nya ako sa lalaki. Dahan-dahang humarap ang lalaki dahilan kung bakit na naman sumakit ang aking puso! Wow! What a small world! Nanlaki ang mata nya at parang gulat na gulat na makita ako.
"Gabrielle..." And he has the decency to call my name after cheating!
"Well, look who's here? The cheating ex of mine! Fancy seeing you here." I glared at them both at naputol lang yon ng lumapit si Reyna.
"Gab, what the hell happened to you? Nawala ka lang saglit sa aking tabi, ganyan na itsura mo. Who did this to you?" Reyna cupped my face whilst his face showing a combination of concern and anger.
"Wala to. I-take out nalang natin ang inorder mo. Hindi na maganda ang ambiance sa paligid, may mga eyesores." Pinasuot nya ang kanyang coat sa akin. Aww, Reyna's the best friend ever! Hihilahin ko na sana si Reyna para ipabalot na namin ang pagkain ng biglang nagsalita si Max, the cheating ex.
"Sya ba Gabby?! Sya ba ang ipinalit mo sa akin?"
BINABASA MO ANG
Twice Is Enough
HumorNagmahal ka ng sobra pero anong kapalit nun? Naloko, nasaktan, naagawan at ninakawan ka! Malas ka lang ba talaga o sadyang tanga ka lang sa pag-ibig? Makakaya kayang bumangon ng nag-iisang Gabrielle de Guzman para ipakita sa sanlibutang maganda tala...