“Ayaw ko ng mabuhay! Huhuhuhu.. Gusto ko ng mamatay! Bakit? Bakit? Bakit pa ako nagmahal?” umiiyak kong sabi sa kaibigan ko.
“Ang mundo ay isang malaking Quiapo, maraming snatcher maagawan ka, lumaban ka!” sigaw ni Reyna sa akin.
“Aray! Wag ka ngang sumigaw Bakla! Masakit sa tenga! At saka, naagawan na ako eh! Ay hindi, ninakaw na sya sa akin ng snatcher na yun.” me
“Bakla kasi! Hindi ka ba nakapanoud ng No Other Woman? Bakit ka nagpaagaw? “ sabi ni Reyna o Reynaldo na nag-iisa kong super gay bestfriend.
“Syempre, nakapanoud. Eh, malay ko bang maraming snatcher dito. “ – me
“Kaya ka naaagawan eh! Di bale friend, kukunin natin kung anong at sinong ninakaw sayo.”- him este her
“Ayoko nga! Magsama sila ng babae nyang snatcher! Wala na akong pakialam sa kanila.” Me
“Talaga bakla? Wala kang pakialam? Eh, bakit parang mamamatay kana dyan sa kakaiyak?” her
“Eh, masakit! Masakit sa puso bakla! Parang pinipiga ang puso ko at nahihirapan akong huminga.” me
“Bakla, wag OA hah? Gusto mo sapak para hindi lang puso mo ang masakit? Everyone’s entitled to be stupid, but you’re abusing the privilege bakla. Mag-tira ka naman para sa iba.” Her
“Wag mo nga akong tawaging stupid Bakla! Inaapi mo na ako, hindi ka ba marunong makisimpatya man lang sa aking kalungkutan at kalumbayan?” siningkitan ko siya ng mata at inirapan.
“OA talaga! Wag ka kasing tatanga-tanga! Learn to fight bakla! Hindi yung lalampa-lampa lang. Hindi pa katapusan ng mundo!!!!!” bulyaw nya sa akin. Ang totoo, kaibigan ko ba talaga ito? Makapanglait, wagas lang. Masakit na ang aking mga tenga sa kakasigaw nya. Oh! My poor precious ears.
"Eh, ano ba ang gusto mong gawin ko? Magsaya? Eh, hindi ko nga kaya yun. Iniwan ako ng taong mahal na mahal ko! But the worst part is that he cheated not just once but twice. Twice Reyna! Ganun na lang ba ako kawalang kwentang tao para ganun-ganunin lang nya? The damage he had done did not only concern my heart but my whole being. I felt so small and worthless. I'm so down, bakla! All thanks to him.” Mapait kong sabi sa kanya. Nakakabitter talaga. Nagiging super emotional na ako nito. Hindi talaga nakakatulong tong baklang ito. Mas pinapabigat pa nya ang aking pighati. Huhuhu Mas gumagaling at mas lumalalim pala akong magtagalog kung broken-hearted.
"Kahit gaano pa kalaki ang pagmamahal na ibigay mo, hindi yun hadlang para sa isang tao na yun na saktan ka. Ang kailangan mo ay total makeover para ipakita sa kanyang siya ang nawalan. Babangon kang muli Gabrielle de Guzman." Seryosong sabi ni Reyna sa akin. Seryoso ba talaga sya? Bakit kailangan ko pa ng makeover? Mama said I'm a pretty girl. Ahaha! Pretty hurts! OUCH!
"Reyna! Nakakapagod ng masaktan at maloko ng paulit-ulit. Ayaw ko na ng ganun. Ayaw ko na ng ganito. I want change. For once, gusto ko sarili ko naman ang intindihin ko. Gusto ko maging malakas. Ayaw ko na maging mahina. Ayaw ko ng umiyak. Tulungan mo naman ako bakla." nagmamakaawa kong sabi kay Reyna. Umiiyak na ako ng malakas habang niyayakap nya ako.
"Bakla, tutulungan naman talaga kita basta wag ka ng umiyak. Sige ka, papangit ka nyan!" sabi nya habang hinihimas nya ang likod ko.
"Bakla, pwede bang gawing pamunas ng luha't sipon tong damit mo? Cge na please. Saka, thank you bakla kasi inamin mo na rin na maganda ako. Huwag kang mag-alala bakla, hindi na ako iiyak. Last na 'to. Hindi ko naman hahayaang pumangit ng basta-basta na lang." Malakas nya akong itinulak pero sorry na lang sya. Napunasan ko na ang aking luha't sipon.
"Ewww Bakla!!! Kadiri ka. Kung di lang talaga kita kaibigan!!!"
"Eh, bakla. Mahal mo naman ako diba? Sorry na." tinutusok-tusok ko sya sa tagiliran.
"Che!!! Kunan mo na nga ako ng damit pamalit sa kwarto ko. BILIS!!" sabay tulak nya sa akin.
"Okay bakla. Basta tutulungan mo ako hah?"
"Oo na! Chupi na." Yes! labs na labs talaga ako ni bakla.
To be continued... XD
BINABASA MO ANG
Twice Is Enough
HumorNagmahal ka ng sobra pero anong kapalit nun? Naloko, nasaktan, naagawan at ninakawan ka! Malas ka lang ba talaga o sadyang tanga ka lang sa pag-ibig? Makakaya kayang bumangon ng nag-iisang Gabrielle de Guzman para ipakita sa sanlibutang maganda tala...