Chapter 3

1.6K 58 0
                                    

Nasa teresa ng silid niya ako nakatayo. Nakadungaw ako sa baba. Kita ko siya at ang mga kaibigan niya sa pool. Hawak ko sa kamay ko ngayon ang PE uniform at bahagyang idinikit sa may dibdib. And the door is now locked. It has a doble lock at sa labas ang sinarado niya... ito ang kapalit. Ayos lang sana kung iyon lang iyon.

“Pumayag ka nang matulog ako sa sofa. Bakit pinapabalik mo na naman ako sa kama?” Umiiyak na ako habang yakap ang PE uniform.

Inilahad niya ang kamay sa akin. “Give me the damn uniform. Let's burn that,”aniyang may panunudyo sa boses.

Noong bata pa ako madalas ko siyang katabi sa kama. Kasi iyon ang isa sa inutos niya. Natakot akong saktan niya si kuya Hale kaya kahit hindi ako komportable pumayag ako. Laking tuwa ko noong malaman ko na pwede na akong matulog sa sofa kapag ayaw niya akong patulugin sa silid ko.

He's hugging me when we were sleeping and I can't breath properly. He's just so big and tall. While I was just a little girl and couldn't even endure his heaviness. He treat me like a pillow na pwede niyang patungan ng katawan, binti at braso niya. But his girls like it, kaya bakit hindi na lang sila?

Niyakap ko ng mahigpit ang uniform ko at bahagyang umatras. He noticed my sudden move. Tumagilid ang ulo niya at bumalatay ang lamig sa mga mata. I'm really scared of this side of him. I'm really scared of his monster side.

Napasinghap ako nang mapansin ang paghakbang niya palapit. Kapag ganiyan ang awra niya alam kong hinding hindi na maganda ang kalalabasan ng lahat. Dahil ganito ang awra niya kapag galit siya. Mamamatay muna ako bago ulit maranasang magalit siya.

“O-Oo, s-sige. Papayag na ako!”

Humagulhol ako sa takot at tanging sa uniform na lang tila kumukuha ng lakas ng loob. Last time na nagalit siya ay nagkaroon ako ng pasa sa braso ko nang hawakan niya ako ng mariin doon. Hindi rin ako pinakain ng dalawang araw. Hindi rin ako pinapasok sa school.

Ayoko lang talagang lumiban sa pag-aaral. Goal ko na kapag nakapagtapos ako ay magiging proud sa akin si Mama. Papansinin niya na ako at makakatulong na ako sa pamilyang ito. Baka sa pagkakataong iyon ay makabawi na ako sa lahat ng nagawa ng Mama ko. At baka... sa pagkakataong iyon ay mapatawad na rin kami ni Kuya Santi.

Huminto siya, napansin ko. Siguro dahil sa sinabi ko. Ilang saglit siyang hindi nagsalita hanggang sa maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na dumantay sa ulo ko. Yumuko siya upang bumulong sa tainga ko.

“Good, girl.”

Mag-isa na lang ako ngayon sa silid. Tahimik doon, malamig dahil sa aircon, walang masiyadong pumapasok na liwanag dahil sa mga makakapal na kurtina na nakatakip sa malalaking glasswall.

Dominanteng nakatitig siya sa mga kaibigang nagkakatuwaan. Pinaglalaruan ang labi habang nakakunyapit ang babaeng nahuli ko kanina dito sa silid. And Ruby of course, may masamang timpla sa gabing iyon.

Naaagaw ang atensyon ko dahil sa tawanan nila sa baba. Wala rin akong ibang pwedeng pagkabalahan ngayon. Kahit gusto kong gumawa ng assignment, hindi ko magawa. Paano? Nakakulong ako dito. Mapipilitan akong gumawa na lang bukas ng umaga hangga't hindi pa papasok ang teacher namin. Makakahabol pa naman siguro iyon.

Si Sandy, balak niyang magtrabaho para raw siya na ang bubuhay sa magulang niya. Ganoon din ang gagawin ko. Magsusumikap ako hanggang sa pwede na akong tumulong sa bago kong pamilya, kina Kuya Santi. Gusto kong sa ganoong paraan man lamang ay makalimutan nila ang nagawa ng ina ko. Hindi man noon magawang burahin ang kasalanan niya pero kahit unti-unti na lamang makalimutan at mapalitan ng magagandang bagay.

Tumingala ako sa madilim na langit. May mga stars ngayon. Maganda ang gabi sa kabila ng kadiliman. Sana ganiyan na lang ang buhay ko. Na sa kabila ng dilim may parte pa rin na maganda. Kasi sa buhay ko wala akong makapang maganda dito. Puros katahimikan at kadiliman lang.

His Own DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon