Chapter 8

2K 77 25
                                    

Ini-expect ko nang hindi dadalo si Santi sa libing. Si Kuya Hale at mga kakilala at kaibigan ni Mama ang dumalo. Nasa kulungan na si Tito Arnolfo. Hindi ko lubos akalaing hahantong sa ganito ang lahat. Napansin ko rin na naging tahimik bigla si Kuya Hale tapos ng libing.

Nilingon ko siya sa kabilang side ng upuan. Umuulan nang umuwi na kami. Sakay kami ng mini van pabalik ng mansyon.

Tahimik na nakasandal si Hale sa bintana. Nakamasid siya sa labas. Tila ang lalim ng iniisip. Ayaw ko siyang guluhin. Napabuntong hininga ako at kagat labi na napaisip na rin. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung saan na ako tutungo ngayo'ng wala na si Mama. Pero mas nanaig ang pagka-miss ko kay Mama. Talagang wala na siya.

Ayos lang kahit ilang beses niya akong iwan dito sa Pinas. Kahit saan man siya magpunta, ang importante nandiyan lang siya—buhay. Kahit isang beses niya lang ako tawagan sa isang buwan, ayos lang. Pero ngayon... wala nang tatawag sa akin.

“Nangungumosta si Arnolfo kay Santi. Ano? Umayos ka diyan. Huwag kang gumawa ng dahilan para mainis 'yan sa'yo.” Iyan ang parating bungad ni Mama sa akin tuwing tatawag siya dito. Tapos sasabihin niyang si Santi na ang bahala sa akin at sa lahat ng mga kakailanganin ko dito.

Pero hindi ako kailanman humingi kay Santi. Iniiwasan kong makasalamuha siya. Kahit hindi ako kinukumusta ni Mama dito, ayos lang. Ayos lang talaga sa'kin.

Pinahid ko ang luha. Tuwing naalala ko siya ganito parati ang nangyayari. Napapaiyak ako bigla.

Nakarating na kami sa mansion pero ganoon pa rin, wala pa ring imik si Kuya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi niya rin ako halos matingnan. Nasa bulwagan na kami nang bigla siyang tumigil sa paghakbang. Nagtataka na pinagmasdan ko lang ang likuran niya. Pakiramdam ko may sasabihin siya.

“You're under age. I'm already 23. Buhay pa si Dad but he's in jail. And I don't know if he is capable to be our guardian in the eyes of the law. Dad said...” Lumunok si Kuya bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Darating bukas ang pinagkakatiwalaan niyang abogado para basahin ang dukomento ng tungkol sa pagpapasa ng rights.”

Napalunok ako. Hindi ko inasahan na darating kami sa ganitong point. Nasa college pa lang sila and I'm just a highschool student. We were too young for this.

“Rights?” Nalilito kong isinatinig.

“Rights to be your guardian. Tinanggalan na si Daddy para doon,”paliwanag niya.

Napanganga ako. His Dad kill my mother. Hindi pa ako tuluyang naampon ng pamilya nila pero siguro inimbestigahan si Tito kaya nalaman ng mga iyon ang tungkol sa akin. Tuloy ngayon, kailangan akong ilipat sa pangangalaga ng iba.

Binanggit niyang 23 na siya at ako lang naman ang underage sa aming dalawa. Siya ba ang papasahan ng rights to be my acting guardian?

“Sa iyo ba?”ani ko.

Napatitig sa akin si Kuya. Bakas ang pag-alinlangan sa mga mata.

“Hindi ko alam, Sunshine.” Nagbitiw siya ng ngiti pero tipid.

.....

Kinagabihan ay nagulat ako nang marinig ang nabasag na kung ano mula sa sala. Patungo pa lang ako sa hagdan pababa nang marinig iyon. Hindi alam ni Kuya Hale na sa silid ni Santi ako natutulog. Doon din ako nanggaling ngayon dahil saglit akong naglinis doon at naglaba ng damit niya. Ako na ang gumagawa no'n simula noong tumungtong ako ng 12. Dahil iyon ang mga gusto ni Santi. Kami-kami lang ang may alam niyon. Hindi pa umabot kay Kuya Hale ang tungkol sa bagay na iyon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin kay Kuya Hale kapag nalaman niya. Baka kung anong gawin ni Santi.

Tumakbo ako para makarating agad sa hagdan. Nang marating iyon ay nanlaki ang mata ko nang maabutan ko kung ano ang dahilan ng narinig kong nabasag na bagay sa sala. Si Kuya at Santi.

His Own DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon