"Bakit?" Bahagya akong napamaang bago naisatinig ito.
May dahilan ba para magkita ulit kami? May kailangan pa ba siya? Napakaraming kataka-taka sa kaniya ngayon na hindi ko na alam kung papaano ako magre-react. Big deal na nga para sa akin na nakikipag-usap siya kanina tapos ito pa?
"I just want to, Sunshine. Starting today, I want to talk to you often if you let me. Hindi ko magawa iyon dati for some reason. At ngayong pwede na maybe wala na akong rason para hindi ka yayain ngayon.”
Hindi niya magawa dati dahil may girlfriend siya? Napalunok ako. Naalala ko kaagad ang girlfriend niya. Pinagbabawalan yata itong kumausap ng ibang babae maliban sa GF nito. Bakit ngayon pwede na? Nagkahiwalay ba sila?
Atsaka, bakit ako? Hindi naman kami close. Magkaibigan sila ni Santi pero hindi kami masiyadong nag-uusap noon pa man. Involved ba si Santi dito?
“M-May problema ba? T-Tungkol ba kay Santi?” ani ko at bumuntong hininga.
Imbes na sagutin ako ay pinagmasdan lang ako ng may simpatiya sa mga mata. Hindi ko siya maintindihan bakit ganiyan siya tumingin.
“Mas mabuti sigurong siya na lang ang kausapin mo kung-”
“It's not about that, Sunshine. It's about you.”
Napaawang ang labi ko. Tungkol sa akin?
“Ayos ka lang ba? You know I can help you find some place to stay. Malayo sa mansyon ng na tinitirhan mo ngayon.”
Naguguluhan na pinagmasdan ko si Jude.
“A-Anong...”
“Alam ko kung anong ginagawa ni Santi sa'yo. Even me, Sunshine. Pinagbawalan niya rin akong makipag-usap at lapitan ka.”
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig. Si Jude pinagbawalan ni Santi? Pero bakit?
“He's a jerk. Nagbubulag-bulagan ang mga kaibigan ko dahil wala silang pakialam sa'yo. Pero hindi ko na kaya, Sunshine. I know I can help at ayokong manood na lang habang alam ko ang lahat ng ginagawa ni Santi sa'yo. Hindi ako kasing manhid nila. Santi is my friend, yes. But I can't tolerate his doings. It's too much.”
“B-Bakit mo ito ginagawa?”
Napalunok siya. “Do I need some reasons to help?”
“Kaibigan mo siya at...”
“And he's to much, Sunshine. Kung mabuti kang kaibigan hindi mo hahayaan ang mga maling ginagawa ng kaibigan mo. I am his friend. I'm doing this for him and for you.”
Kumuha siya ng cellphone at nagtipa doon. Pumunta siya sa social media account niya at nagtungo sa search bar ng app.
“Give me your FB account so I can contact you. O pati na rin ang cellphone number mo ilagay mo na rin,” aniya sa'kin.
Nag-aalangan akong kinuha ang phone niya at may pagtataka pa rin sa mga mata habang ginagawa ko ang gusto niya. Nilagay ko na nga rin pati phone number ko.
Napalunok ko nang matapos at ibalik ko ang phone niya.
“Oh! Damn,” bulalas niya.
Agad niyang nilagay sa bulsa ang phone. Ngayo'y nakatingin na siya sa main door ng coffee shop. Napaawang bibig ko nang makita si Santi doon naka-bullcap. He's with a girl.
Nauna sa kaniya ang babae. Nagtataka ako nang makitang medyo iritado ang mga matang nakatingin sa amin ang babae. Nagmartsa ito papunta sa amin na parang lulusob sa away.
And there, Santi. He's smirking. Nagtama ang mga mata namin. Napayuko ako.
“Oh! Santi said that you're heading here.” Medyo may kaunting iritasyon sa boses ng babae at parang nanunusok ang tingin nang sulyapan ako. “So he's right. You're here, with a...”
BINABASA MO ANG
His Own Desire
General FictionSunshine thought she'd find a new family and love when she stepped into her mom's new husband's mansion. Unfortunately, she was wrong. Instead of love, there was only some unlikeable things waiting for her. Santi, unlike his twin, really disliked Su...