Ilang buwan na ba simula noong tumawag siya? Anim? Lima? At makita ang pangalan niya sa phone ko ay nakakaluwag sa dibdib. Isa siya sa mga taong itinuring kong pamilya.
“Kuya Hale!” Mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone. Excitement, happiness, couldn't name the feeling inside me.
“Hello Sunshine. How are you?”
Napatakip ako ng bibig. Muntik na akong maiyak nang marinig ang boses ni Kuya Hale. Hindi ko lang alam kung bakit nakakaiyak na marinig ang boses niya. Thinking about what happen last night makes me wanted to hug him right now and talk about my problems.
Gusto kong magsumbong sa kaniya sa pinanggagawa ni Kuya Santi sa akin. Kating-kati na akong magsumbong na parang bata.
“A-Ayos lang, Kuya. Ikaw?” Pinunasan ko ang pisngi upang palisin ang butil ng luha doon.
“I'm good of course, Sunshine.” Mahina ang tawa niya.
Kung wala siya hindi ko na alam kung saan pa ako kakapit. After Kuya Santi did that, parang gumuho na rin lahat ng pag-asa sa dibdib ko na balang-araw ituturing niya rin akong kapatid. He kissed me, and siblings didn't kiss like that.
“Male-late na ako. Tatawag ulit ako sa susunod. Mag-iingat ka diyan. I'll send your regards to Mom.” He just wait for me to put down my phone first.
Sinuksok ko ang phone ko sa bag at kinuha na rin ang mga gamit na nakalapag sa damo. Hindi na ako maghihintay na pumunta pa si Sandy rito para magdala ulit ng pagkain. Dederetso na lang ako sa library. Alam niya na naman kung saan ako tumutungo kapag wala ako sa ilalim ng punong ito.
Bago marating ang library namin ay nadadaanan ko ang college building. Sa may poste sa likod ng building nila natanaw ko ang umpukan ng mga lalaking tambay doon. The smoke scattered around that spot. From those guys na pamilyar sa akin.
Jude, I spotted him. He took the stick from the girl and lit it up. She's a tourism. Tall and slim. Iyan ang girlfriend niya. In the first look, alam mong maraming karanasan. Of course, Jude's type are like this. Ayaw nilang sila pa ang magtuturo, gusto nilang uupo na lang sila maghihintay na lang sa performance mo.
Then I suddenly notice a tall guy loosing his neck tie came out from the door of a CR. Si Santi. Akbay ang babaeng kasama niya galing sa CR. Just like what I said, they prefer a girl like that. Someone like well experienced.
Napalunok ako at napasinghap nang muntik nang magtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas ng tingin at nagtuloy sa pag-alis. I can still feel his stares kahit na nakatalikod na ako. Inilagay ko sa bulsa ko ang nanginginig na kamay at bumuntong hininga upang mapakalma ang sarili. It's a bad boy's territory. I shouldn't be here. Tapos na yata ang klase nila kaya siguro nakatambay na sila diyan sa likod. Or perhaps, not. Nag-cutting? I don't know, pero hindi na ako magugulat.
College na sila pero pa-easy-easy pa rin. Nakapagtataka lang dahil hindi ko man lang narinig na bumagsak siya. Average lang lahat ng marka niya.
“Hoy!”
Nabitiwan ko ang binabasa sa sulok ng library nang biglang sumulpot si Sandy.
“Ano ba, Sandy?”mahina kong reklamo at yumuko para kuhanin ang nahulog na gamit.
“Ano ba Sandy...” Ginaya niya pa ang tuno ko. “Hindi tayo pwedeng kumain dito sa Library kaya lumabas tayo. Kakain ka!”
“Ano ba kasi, Sandy? Nagbabasa ako.” Itinaas ko agad ang libro para kunyari may dahilan. Ang kulit niya talaga.
Kinuha niya ang libro sa kamay ko at sinara tsaka ibinalik sa shelf. Namilog ang mata ko. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon.
“Tara, 'wag nang maraming angal!”
BINABASA MO ANG
His Own Desire
General FictionSunshine thought she'd find a new family and love when she stepped into her mom's new husband's mansion. Unfortunately, she was wrong. Instead of love, there was only some unlikeable things waiting for her. Santi, unlike his twin, really disliked Su...