Chapter 3

0 0 0
                                    

Walang Malisya

After ng nangyari nung gabing 'yun ay medyo naging malapit kami sa isa't-isa ni Raden. Nakikipag-asaran siya sa akin na sinasagot ko din naman. Magkasabay na din kaming umuwi pero this time ay lumiliko na siya sa kanto nila, kahit na minsan ay kunwaring liliko siya ay nararamdaman ko naman siya na sumusunod sa'kin.

" Mayroon tayong balagtasan ngayong August, kakailanganin ko ng dalawang kalahok sa section ninyo na siyang lalaban sa iba pang sections ng grade 9." bungad ng Filipino teacher namin.

" Sumali ka Ophelia!" nilingon ko ito sa likod.

" Sige, kapag sumali ka. " agad akong napalabi dahil sa sinabi niya.

" Isang babae at isang lalaki ang kakailanganin ko sa section ninyo. Ang magvolunteer ay may plus points sa subject ko. Kapag nanalo naman kayo ay automatically exempted sa periodical exam."

" Sasali daw po si Ophelia, Ma'am!" sigaw ng isa naming kaklase kaya kumunot ang noo ng dalaga.

" Si Raden daw po Ma'am sasali! "

" Gago. " rinig kong sabi ni Raden.

" Sumali ka Raden, mukhang kailangang kailangan mong pumasa sa subject ni Ma'am e. " pang-aasar ko rito.

" Ikaw ang naka-isip, bakit hindi ikaw ang gumawa para sa akin?" sagot nito.

" Ito na naman po sila mga kababayan!" sambit ni Theo.

" Sige nga Delia, hawakan mo sa tenga. " sabat din ni Mavy.

" Ba't ko hahawakan? Baka mamaya madumi pa tenga niyan, magkagerms pa ako. " irap ko sa kanilang dalawa.

" Mas dirty pa nga pagkatao mo compared sa tenga ko." rebat na naman ni Raden.

Sasagutin ko pa sana siya nang hilahin ni Denver ang mangas ng uniform ko. Kaya't inirapan ko na lang ang ngayo'y nakangisi niyang pagmumukha.

" Sasali po si Raden! Partner daw sila ng bebeloves niya!" pagpapatuloy na pambubugaw ni Theo sa dalawa naming kaibigan.

Agad na tumaas ang kaliwang kilay ni Ezra. Simula nung bigyan ni Raden si Ophelia ng turon ay panay na ang pang-aasar dito ni Theo at Mavy. Na hindi naman ikinakatuwa ni Ezra.

" Okay lang ba sa inyo na sumali?" tanong ng teacher namin.

" Pwede po bang humindi?" tanong ni Raden.

" Hindi." sagot naman ng palabiro naming teacher.

Wala silang choice kundi sumali dahil bukod sa hindi sila pwedeng humindi ay wala naman nang ibang gustong magvolunteer. Kaya no choice talaga sila.

Tuwing breaktime ay tatambay kami sa Cafeteria at doon silang dalawa magsasaulo ng mga dialog nila. Habang kami naman ay kumakain at paminsan minsan ay nakikinig sa sagutan nilang dalawa.

Nakaupo si Theo sa kaliwa ko habang sa kanan naman si Ophelia. Magkatapat sila ni Raden. Katapat ko naman si Ezra at katapat ni Theo si Mavy. Habang nasa pinakadulo naman ng lamesa si Denver.

" Crush mo oh." nguso ni Theo sa lalaking dumaan sa harap namin ngayon.

Si Nicolo.

Kasama niya ulit yung babaeng nakasama niya nung naging student teacher namin siya. Nang makita niya kami ni Theo ay nginitian kami nito. Sinagot ko naman ang ngiti niya pabalik.

" Akala ko narinig ka." siko ko kay Theo nang makalampas na ang dalawa sa amin.

" Ayaw mo nun? On the spot confession ka boi." tawa nito sa akin na ikinairap ko naman. Ginulo nito ang buhok ko kaya't hinampas ko ang kanyang braso.

I CAN SEE YOU (Speak Now Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon