Chapter 1

1 0 0
                                    

" Ang pambansang awit ng Pilipinas–"

Agad na naudlot ang aking paghikab nang marinig ang tambol ng mga drums sa speaker. Tumayo ako ng tuwid at inilagay ang aking kanang palad sa kaliwang parte ng aking dibdib. Nagsimulang magsikanta ang mga estudyante at kabilang nga ako dun.

Nang matapos manumpa sa watawat ng Pilipinas ay nagsimula nang patugtugin ang Imus Hymn. Which is– hindi ko pa kabisado masyado. Dalawang taon pa lang naman kasi ang nakakalipas simula nang lumipat kami dito.

At hindi talaga ako magaling sa pagkabisa. Makakalimutin akong tao kaya't hindi ko talaga siya maaalala.

Inilibot ko ang aking mga mata sa mga estudyanteng naririto, hanggang sa napako ang aking mga mata sa babaeng ngayo'y nakatingin din sa akin. Nagkatitigan kami ng limang minuto at ako na ang kusang umiwas sa staring contest naming dalawa.

Medyo may kaliitan ang babae kaya nasa harapan ko ito. Kitang kita tuloy na sa akin siya nakamasid ngayon. Agad naman akong napalabi sa isiping iyon.

" Ophelia." bulong at sabay akbay sa akin ng babaeng nasa likod ko.

" Ay kipie!" agad akong napatakip ng bibig ko dahil sa gulat.

" Hoy! Anong kipie? Bastos 'to."

Nilingon ko siya at pinagmasdan. I can't deny, maganda siya at mukhang masungit. Matangkad din siya at maputing babae. Kaso nga lang ay medyo boyish ang galawan niya.

Ezra. Kaklase ko last school year. Expected ko na rin naman na magiging magkaklase kami ulit ngayong third year highschool. Medyo naging friends naman kami dahil parehas kaming medyo kanal ang ugali.

" Sino si Ophelia?" tanong ko rito.

" Ayun oh, yung babaeng nakatitig sa'yo kanina pa." pagnguso niya sa babaeng nasa harap namin.

" Ganda niya 'no?" ngisi nito sa akin.

Agad na napataas ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi niya. Maganda nga si Ophelia, may soft features at mukhang anghel sa kagandahan ang mukha. Maputi rin ito at may mapupulang pisngi na ang sarap lamutakin sa sobrang tambok.

" Type mo?" lingon ko ulit sa babaeng hanggang ngayon ay nakaakbay pa rin sa akin.

" Hoy!" pabiro nitong tulak sa aking braso. " Pa'no mo nalaman?"

Inirapan ko ito bago muling nilingon si Ophelia na ngayon ay kakaiwas pa lamang ng tingin sa aming dalawa.

" Halata naman." kibit balikat ko rito.

" Tiklop si Madam!"

" Bakit mo naman kinindatan Ezra? Namula tuloy yung pisngi!"

Nilingon ko ang nagtutulakang mga lalaki sa gilid ko. Parehas silang matangkad. Ang isa ay moreno at ang isa naman ay maputi. Napakunot ang noo ko sa kanilang dalawa.

" Ang liligalig ninyo."

Nahinto sila sa pagtutulakan at nilingon ako. Tinitigan muna nila ako ng ilang minuto at unti-unting nagsipirmi sa pagtayo. Napahalakhak si Ezra sa naging reaksyon ng dalawang binata, gayun din ang lalaking nasa likod nila. Pogi din yung lalaking nasa likod nila, maputi ito at singkit ang mga mata.

" Sensya na madam." ipinagdikit ng maputing lalaki ang kanyang mga palad bago yumuko sa harap ko na tila nagdadasal.

" Ezra aports mo? Ganda ah."

Muling ibinalik ni Ezra ang pagkakaakbay sa aking balikat at inilayo ako sa dalawang lalaki nang akma silang lalapit sa akin.

" Oh, layo. Aports na natin 'to. Walang patusan."

I CAN SEE YOU (Speak Now Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon