Chapter 4

39 4 2
                                    

Nakabalik na siya sa desk niya upang mag ayos ng mga gamit nang mag lapitan sa kanya ang mga kaibigan.

"Girla, bakit ka pinatawag ni bigboss?" Usisa ni Marj.

"Oo nga Girla, Matatanggal ka ba?" Si Ayen.

"Na promote ka ba?" Erica asked.

"O na demote?" Dugto na pang-aasar ni Loisa.

"Siguro na decreasesan ang salary mo kasi lagi kang late hahaha." Pang aasar na tanong ni Cecil.

Napakamot na lang sa ulo si Kaira sa mga narinig na sunud-sunod na tanong sa kanya nang mga bruha niyang kaibigan.

"Wala na ba magtatanong, so pwede nang ako naman mag sasalita, lahat ng tanong niyo sasagutin ko na, ang dahilan kaya ako pinatawag nang Bigboss natin He assigned me as his personal secretary."

"Your so lucky girla!!!!." Sabay sabay na tili ng mga kaibigan niya.

"Anung kina swerte ko, naku mga girla, I think boring ang atmosphere dun, biruin mo isang tao na lang kasama ko sa office. Hindi ko na kayo makaka chikahan, hindi ko na kayo makakasama madalas. How sad naman." Malungkot niyang litanya.

"Isa nga lang ang kasama mo dun pero hunky and yummy naman, ayiiiieh.....ingit much kami." Choru ng limang kaibigan niya.

"Hay naku umiral na naman ang higad sa katawan niyo, bumalik na kayo sa kanya-kanyang desk niyo, mga istorbo." Tumatawang pagtataboy sa mga kaibigan niya.

Nagsibalik na nga ang mga kaibigan niya sa kanya-kanyang pwesto nito. Back to normal na dahil lahat sila busy na.

5mins. left matatapos na ang office hour nila, nang matapos isalansan ang mga gamit sa desk niya, pumunta siya sa rest room para mag retouch. Excited siya dahil susunduin ang siya ng kanyang boyfriend.

Sa labas ng Renaissance Company na katayo si Kaira habang nag hihintay ng kanyang sundo. Nang biglang tumunog ang cellphone niya.

1message received...

Bryle: Honey, sorry hindi kita masusundo ngayon, may pinaaayos ang boss ko, urgent para sa conference meeting bukas. Bawi ako sayo bukas. Ingat ka pauwi Honey, I love you.

"Eto na naman kami, paulit- ulit na lang, bakit lagi na lang niya pina paramdam sakin, na mas mahalaga pa sakin ang trabaho niya." Malungkot na bulong ni Kaira.

Naglalakad na siya para humanap ng masasakyan pauwi ng bahay nila, nang biglang may rumaragasang kotse na kulay pula. Akala niya sasagasaan siya nang kaskaserong nag mamaneho nito, Napa pikit siya sa sobrang takot. Hinihintay na lang niya ang pagbagsak sa kalye na hindi naman nangyari. Dahan- dahan niyang dinilat ang mga mata. Nakahinto na sa harapan niya ang kotse na kulay pula, bumukas ang pinto ng kotse at niluwa nito ang isang nilalang na lalaking ubod ng yabang.

"Need help?" Tanong ni Hanz.

"No, I don't need your help." Mataray niyang sabi sa binata.

"Ganyan ba ang tamang pakikitungo nang isang empleyado sa gwapong gwapo niyang boss." Pang-aasar nito sa kanya.

" Excuse me po Mr. Francisco, let me remind you na tapos na po ang trabaho ko as you see pauwi na nga po ako di ba, so meaning to say sa mga oras po na ito, hindi niyo na po ako pwede utusan." She said in a high voice.

"Chill, sweetheart masyado matalas ang dila mo, tutulungan lang naman kita kaya halika na at ihahatid na kita sa bahay niyo, mahihirapan ka na makahanap ng masasakyan mo masyado na kasing late." pangungumbinsi nito sa kanya.

"Are you deaf or what??? I said I don't need your help,  kaya pwede ba don't blocked my way???!!!! Pagtataray pa din niya kay hanz.

Aba't talagang mauubos na ang pasensya ko sa babaeng ito, naku kung hindi ko lang ito mahal nunka pag aksayahan ko siya ng oras. Sa isip ni Hanz.

"Hindi ako aalis dito ng di kita kasama kaya kung ako sayo sundin mo na lang ang utos ko, sumakay ka na at ng makaalis na tayo." Naiinis ng sabi nito.

"Paano kung ayoko." Hamon niya.

"Miss Reyes masama akong hinahamon, sasakay ka ba sa kotse ko o bubuhatin kita at ihahagis sa loob????" Paghahamon din nito sa kanya.

Tiningnan niya kung nagbibiro lang ito, bigla siya natakot sa nakitang expression nito, naniningkit ang mga mata at parang umuusok ang ilong sa sobrang inis sa kanya. Dahan-dahan itong lumalapit sa kanya.

Isa..

dalawa..

tatlong hakbang..

"Oo na sasakay na ako, kaya hindi mo na kailangang lumapit sakin..!!!!!" Sabi niya dito sabay irap.

"Dapat talaga sayo tinatakot ng mabawasan naman katarayan mo, pero alam mo ang pangit mo pala pag umiirap hano??? wahahaha...." Pang aasar nito sa kanya.

"E di wow, ikaw na gwapo." Balik pang iinis niya.

Nilagpasan niya si Hanz at sumakay na sa kotse. Sa likod siya pumuwesto naiinis kasi siya kaya sasadyain niyang huwag maupo sa tabi nito.

"Nakakahiya naman siguro kung sa gwapo ko na'to ee gagawin mo kong driver." Aniya ni Hanz

Natumbok ni Kaira kung anu ang ibig ipakahulugan nito. Kaya lumipat na siya sa tabi nito para matahimik na ang bibig nito sa pagdaldal.

"Eto na po mahal na prinsipe, lumipat na ko para hindi ka na mag mukang driver ko, kaya kung pwede lang tumigil ka na sa kakasalita ang lalaki mong tao ang daldal mo." Madiin ang pag bitaw sa bawat katagang binigkas niya.

"Very good sweetheart." Sabi nito at kumindat pa.

Nag blush siya buti na lang hindi nito nakita, kung hindi mas lalo itong mang aasar.
Wag kang tatablan Kaira kindat lang yon ano ka ba? Sa isip niya.

"Stop calling me sweetheart?? Wala kang karapatan dahil hindi ikaw ang boyfriend ko." Nag tatapang-tapangan niyang litanya.

Kahit ang totoo pinipigil lang niya ang sarili sa sobrang kaba. Yun bang ang bilis ng tibok ng puso niya. Ano kaya ibig pahiwatig ng nararamdaman niya ngayon?

"Paano kung ako naman ang magsabing ayoko, ano gagawin mo?
Ha sweetheart.. sweetheart...sweetheart..."

Inaasar talaga siya ng mayabang na lalaki na'to.

"Papabugbog kita sa boyfriend ko."

"O really?? Grabe natatakot na ko hahaha.." Sabi nito at pinaandar na ang sasakyan.

Alam niya inaasar talaga siya ng lalaki na'to.
Wala siguro ibang mapagtripan kaya ako ang napagdiskitahan.

The way I Love You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon