Chapter 1

26 7 5
                                    

Lyka's POV

"Bhext tama na yan!! Marami ka nang nainom oh" suway sa akin ni Mia. Marami na kasi akong nainom na alak. Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa Bar ni Alex. Dinadamayan nila ako dahil brokenhearted daw ako. Palibhasa kasi yung mga boyfriend nila LOYAL sa kanila,Ako lang ata ang minalas sa lovelife.


"Lyka ano ka ba!! Mag move on ka na nga. Ano pang magagawa natin kung hindi kana talaga niya mahal." Frustated na sabi ni Alex.


"Hindi totoo yan *hik* mahal pa ako ni Jacob *hik* mahal pa ako nun *hik* siguro naguguluhan lang talaga siya *hik*.." Tuloy tuloy lang na bumuhos ang luha ko sa mga pisngi ko. Ang sakit lang talaga.. Ang sakit sakit. Wow!! Sa anniversary pa talaga namin siya nakipag break.. Gago siya.. Medyo nahihilo na ako siguro epekto na to ng alak na nainom ko.


"Lyka tanga ka ba o nagbubulag-bulagbagan ka lang.. Hindi kana mahal ni Jacob. Kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo hindi na magbabago ang desisyon niya.. Hindi. Kana. Niya. Mahal." Tumaas lahat ng dugo ko sa mukha ko it means nagalit ako kaya ang ginawa ko nasampal ko si Shiela. Halos ipangalandakan niya pa talaga na hindi na talaga ako mahal ni Jacob. Halatang nagulat naman si Shiela sa ginawa ko.


"Palibhasa kasi ang lo-loyal ng mga boyfriend nyo kaya nasasabi nyo yan sakin. Hindi nyo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Dapat nga kino-comfort nyo pa ako ngayon. Hindi yung halos ipamukha nyo sa akin na isa akong malaking TANGA!!" Dinuro duro ko pa siya.. Naiinis talaga ako sa kanila lalong lalo na kay shiela.


"Lyka I'm sor---" pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Girls i need some space right now." Sabay walk out ko. Kahit na nahihilo pa ako at paekis ekis kung maglakad nakaya ko pa rin lumabas ng bar. Narinig ko pa silang tinatawag ako. Hindi ko na sila nilingon.


Tumawid ako sa daan at may isang sasakyan na papalapit ng papalapit sa akin..kaya naman napako na ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Nakatingin lang ako sa sasakyan na papalapit ng papalapit sa akin at pinikit ko na lang ang mga mata ko siguro hanggang dito na lang ako.


Napadilat ako dahil hindi man lang bumangga sa akin yung kotse. Nasa harapan ko na yung kotse at nakahinto na ito. May bumabang isang lalaki. Halatang galit na galit.


"Miss may plano ka bang magpakamatay!!! Langya to oh.. Halos kinabahan ako dun. Dapat dun ka na lang sa tulay tumalon!!!" Galit na galit talaga siya pero halatang natakot talaga siya.. May mga sinasabi pa sya pero hindi ko na narinig and EVERYTHING WENT BLACK.

Until I Fall InLove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon