16: Hot Magenta

8.9K 321 97
                                    

˖✴︎˚

Andres and I had been together for a while since that night. Apart from helping him hide his condition to his mother, we also needed to work on our term paper with Mr. Torres' subject. Ginamit lang namin ang schoolwork bilang rason kay Tita Alice, ngunit hindi namin inakala na magkakatotoo ito.

Maaga kaming pumapasok at maaga rin kaming umuuwi upang hindi maabutan ni Tita Alice na inaakay ko siya palabas at papasok ng kanyang kwarto. After three days, he was able to walk again on his own, but I continued assisting him because he needed someone to change the bandage on his back.

Ilang araw rin naming kasama sina Juno, Poly, Nickey at Jacob sa pagpasok at pag-uwi dahil nababahala pa rin sila kay Bullet.

"Ayan na!" sigaw niya. "Malapit na!"

Maging ako ay pinagpapawisan kahit na pinanunuod ko lamang siya.

"Andyan na!" muli niyang sabi. "Ugh!"

Nagpakawala siya ng mabigat na paghinga sabay bitaw sa hawak niyang controller ng playstation. He was playing Zombie Run, but he finally got eaten by zombies and lost his fifth heart.

"You're good at basketball, but you suck in playing online games? Talo ka pala ni Murphy," sambit ko.

"At least I know how to run in real life, how about you?" He bragged. Agad ko naman siyang binato ng pop corn na aking kinakain.

Running and exercising was an absolute NO for me. Sinubukan kong mag-gym sa mansyon nina Juno noon, ngunit wala pang ilang minuto ay nakarinig na ako ng lagatok sa aking buto.

"Labas tayo," sabi niya sabay subo sa nasalo niyang pop corn.

"Bakit? May gusto kang bilhin?"

"Nope. I want to be outrageous tonight."

"What do you mean?"

"Let's go to Merry Pub," he said, giving me a look like he's inviting me to commit a crime.

"No way!" I blared. "Hindi ko pa naranasan ang pumasok doon at wala akong balak."

"Ano ka? Virgin na forty years old?"

I sneered at him. "I am a virgin!"

Bumilog ang kanyang mga mata. "Totoo?"

"Mukha bang pareho tayo ng lifestyle?"

"Huy! Anong ibig mong sabihin? Do I look like somone who would sleep around?"

"That's what I observed," I said. "Lalo na nang maging kaibigan mo si Bullet."

"Sorry to disappoint you, but I'm also a virgin."

I bolted a look at him. "Seriously? Virgin ka?"

He scratched his head. "Yes. Kung gusto mo ay tulungan mo ako para hindi na."

"Hoy! Nasisiraan ka na ba ng ulo?"

"I'm not. What I'm trying to say is let's go to the pub and find some girls. Pwede rin tayong maghanap ng boys para sa'yo. We could share my room if you want."

Mabilis kong kinuha ang isang libro at ibinato sa kanya. "You're beyond gross!"

He laughed hard when he caught the book. "Dali na! Samahan mo na ako. Para naman mas makilala mo ako at mas makilala pa kita."

I recalled when my dad told me, "People don't actually change, we just stopped knowing more about them." Ito na siguro ang pagkakataon para muling maibalik ang matagal ng nawala.

"Fine, but no girls hunting!" I demanded.

He threw me back the book. "And no boys for you."

Mabilis kaming nagbihis upang itakas ang sasakyan ni Tita Alice. We went to the garage tiptoeing. Obviously, he couldn't start the engine to avoid waking our parents up, so I had to push the car. Kung alam ko lang sanang magmaneho ay si Andres ang pinatulak ko. It was a success, nailayo namin ang sasakyan.

ROMEO AND ROMEO (Montana Series 1 | BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon