Chapter 2

28 6 0
                                    

Chapter 2 - Encounter

Sabay kaming pumasok ni Ryma dahil pareho kaming kukuha ng exam ngayon. Hinatid niya ako sa room na madalas naman niyang ginagawa.

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko ng i-abot saakin ni Ryma ang isang lunch box na nakalagay sa isang maliit na eco bag.

"Seriously, isang lunch box para sa college student na kagaya mo?" natatawang tanong ni Ariela.

"Bakit ilang lunch box ba dapat kapag college?" pabalang na sagot ko.

Lalong lumakas ang tawanan sa loob ng room dahil sa sinagot ko.

"Stop acting like a child, Azalea. Ang sabihin mo ay wala ka lang pera pambili ng food sa caféteria."

"So having a lunch box is just for kids or for poor now? You're funny. Palibhasa kase hindi ka marunong mag pahalaga ng pera."

Hinawakan ni Ryma ang kamay ko at bumulong.

"Hayaan mo na yung spoiled brat na 'yan. Hindi siya worth it patulan. Just focus on your exam today, okay?" nakangiting paalala niya sakin bago tuluyang umalis.

Uupo na sana ako sa napiling pwesto ko ng harangin ako ni Ariela. Galit na galit itong huminto sa harap ko.

"What did you say?" nakataas kilay nitong tanong.

Hindi ko siya pinansin at tahimik lang na umupo.

Maganda ang gising ko ngayong araw at ayokong sirain 'yon dahil lang sa babaeng kagaya niya.

Nakatayo pa rin siya sa gilid ko kaya kita ko ang pag kuyom ng kamao niya. Wala namang nakakagalit sa sinabe ko. Kapag ba college ay bawal na mag baon ng lunch? Bata lang ba ang pwedeng mag baon nito? Kung para sa kagaya nilang may magulang at suportado ang lahat ng luho nila siguro ay nakakababa para sakanila ang mag baon ng pagkain sa school.

Pero para sa kagaya kong mag-isa lang sa buhay, hindi pagiging isang mahirap ang ginagawa ko, kundi ang pagiging praktikal.

Nagpakawala ako ng malakas na hangin ng sipain ni Ariela ang upuan ko.

"I'm asking you bitch. Matuto kang sumagot kapag tinatanong ka."

"Hindi lahat ng tanong ginawa para sagutin. Lalo na kapag wala namang kwenta yung tanong." pabarang sagot ko.

Ayoko sa lahat ay yung inuunsulto ako dahil lumalaban talaga ako. Wala sa bokubolaryo ko ang mag pa api. Hindi pa pinapanganak ang taong aapak sa pagkatao ko.

Napahawak ako sa pisngi ng bigyan ako ni Ariela ng isang malakas na sampal. Natahimik ang mga kaklase ko dahil sa ginawa niya. Ramdam ko rin ang pag init ng kaliwang bahagi ng mukha ko.

"How dare you say that in front of my face? You are nothing but a worthless trash in this room."

Sa kabila ng ginawa niya ay tuos nuo ko pa rin siyang tinignan.

"Is that all you can do?" walang emosyong sabe ko na lalong nag pa usok sa ilong niya.

Sa totoo lang ay hindi ko na siya kailangang patulan pa. Sapat na sa akin ang makitang inis na inis siya. Tumayo ako at nakipag sabayan ng titig sakaniya.

Ngumisi ako ng una itong umiwas ng tingin at padabog na bumalik sa upuan niya.

Unang araw pa lang ng klase namin nuon ay mainit na talaga ang dugo saken ni Ariela. Kahit hindi ko siya inaano ay pilit pa rin itong nagpapapansin sa akin. Buti na nga lang ay da dalawang subject lang kami nag kakasama. Meaning, 2 hours ko lang siya dapat pag tiisang makita.

Matapos ang mainit na tensyon sa pagitan naming dalawa ay sakto namang pumasok ang prof na mag bibigay sa amin ng exam ngayong araw.

Sobrang intimidating nitong tignan. Kung pagmamasdan ay hindi nagkakalayo ang edad niya sa mga kaklase ko. Siguro ay bata pa ito nung nakapag tapos ng pag-aaral. Bakas rin sa mukha nito na hindi uso sakaniya ang salitang biro.

The Bridge of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon