Chapter 1

43 5 4
                                    

Chapter 1 - Dream Come True

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko na nasa gilid ng kama ko. Tamad na inabot ko ito at tinignan ang oras. Napabalikwas ako ng higa nang mapag tantong tanghali na ako para sa first subject ko ngayong araw.

Mabilis lang akong naligo at gumayak. Pag baba ng kwarto ay naabutan ko si Ryma na naghihikab at mukhang kagigising lang rin.

"Morning." maiksing bati ko lang dito at nagmamadali nang lumabas. Rinig ko pa ang pag sigaw nito mula sa malayo pero hindi ko na siya nilingon.

Pinara ko agad ang humintong taxi sa harap ng bahay namin at nag pa hatid na sa school. Magsasalita pa sana si manong driver pero inalok ko ito ng dobleng bayad basta ihatid niya lang ako sa school ngayon.

Kailangan ko mag take ng exam kung hindi ay babagsak ako. Sabi pa naman ni sir Mercado ay hindi pwedeng ma late lalo na sa araw ng exam.

Pero heto ako, twenty minutes ng late.

"Manong konting bilis na lang po salamat."

Kahit alam kong nag eexam na sila Jane sa mga oras na 'to y chinat ko pa rin siya na tinanghali ako ng gising kaya ma late ako ng kaunti.

Pero nanlaki ang mata ko ng mag reply ito ka agad.

"Saan ka ma late, te? Walang pasok ngayon."

Saktong dumating na kami sa school ng mabasa ko ang chat ni Jane. Napasandal ako sa car seat. Napapikit ako sa sobrang katangahan. Bakit kase hindi ko tinignan muna kung anong araw ngayon?

"Ma'am sasabihin ko po sana sainyo na Linggo ngayon at walang pasok sa school kaso madaling madali kayo eh." nahihiyang sabi ni kuya habang kumakamot sa ulo niya.

Kaya din ba sumisigaw kanina si Ryma bago ako lumabas ng bahay?

"San po tayo ngayon ma'am?"

"Just take me back home, kuya. Pasensya na." ani ko sa disimayadong boses.

Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko na napansin kung anong araw ngayon.

Mabilis naman itong nag u turn at nag maneho na pabalik ng bahay. Nang maka uwi ako ay nadatnan ko si Ryma na naglalaba ng unifrom namin.

Halatang nag pipigil ito ng tawa nang makita akong matamlay na pumasok ng bahay.

"Not now." seryoso pero nahihiyang sabe ko.

I sighed. Kung alam ko lang na walang pasok ngayon ay hindi na ako gumayak pa at natulog na lang mag hapon.

"Kumain ka na. Nag luto ako ng paborito mong sinigang." aya ni Ryma sakin habang nag sasandok ng kanin sa rice cooker.

Tinalikuran ko ito habang nakahiga sa sofa at yakap ang paborito kong unan na si Pikachu.

"Ayaw mo talagang kumain? Sige ka uubusin ko to."

Hindi ako sumagot kaya naman nag patuloy ito sa pag uuyam sa akin.

"Osya, sige ikaw rin. Walang sisihan kapag naubos ang paborito mong sinigang ah? Eatwell self."

Nakanguso akong tumayo mula sa pagkakahiga at pumwesto sa lamesa. Nakangiti namang sinandukan ako ni Ryma ng kanin at ulam.

Tinitigan ko ito ng masama ng akmang susubuan ako ng isang kutsarang kanin na may sabaw ng sinigang.

"What do you think of me? Bata?"

Napairap na lang ako ng sapilitan niya itong isubo sa bibig ko.

"Kahit mag 50 years old ka pa, you're still my baby Azalea."

The Bridge of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon