Chapter 5

26 2 2
                                    

Chapter 5 - New Friend

Tommorow is the last day of our class for second semester. Mahaba haba ang bakasyon namin kaya naman makakapag focus ako sa part time job ko.

Lately kase ay hindi ko na ito napapasukan dahil sa sobrang busy ko sa school. Marami akong deadline na tinapos dahil isang linggo rin akong nawala. Hindi ko naman akalain na sa loob ng isang linggo na 'yon ay marami na pala ang naging kaganapan sa room. Kaya no choice ako kung 'di tapusin ang mga dapat tapusin. Pabor din naman sa akin nang wala na akong iniintindi pa.

Mabuti na lamang din ay mabait ang may ari ng store na pinapasukan ko at naiintindihan naman niya ang priority ko bilang isang estudyante.

Habang hinihintay si Ryma umuwi ay sininop ko muna ang mga kalat dito sa kwarto ko. Niligpit ko na rin isa isa ang mga gamit na hindi ko na kailangan para ma itapon na. Masyado nang makalat ang silid na 'to at siguradong tatalakan lang ako ni Ryma kapag nakita niya ang mga ito.

Dahil sinisipag na rin ako ay nilinis ko na ang buong kwarto ko. Sa paglilinis ko ay may nakita akong isang lumang libro sa ilalim ng aparador.

Makapal ito na sa tingin ko ay nasa mahigit isang libo ang pahina. Halos masira na rin ang cover nito dahil sa pag ka luma. Tagpi tagpi na rin ang mga pahina nito.

"Kanino kaya ang libro na 'to?" tanong ko sa sarili ko.

Napa ubo ako ng buksan ko ito dahil sa sobrang kapal ng alikabok. Pinagpagan ko ito ng mabuti at saka itinabi sa gilid ng kama ko. Wala akong hilig sa mga libro pero mukhang exciting basahin ang isang 'yon.

Matapos kong linisin ang damitan ko ay sinunod ko naman punasan ang nag-iisang picture na kasama ko ang mga magulang ko. Kapag tinitignan ko ito ay hindi ko maiwasan maging emosyonal. Kamusta na kaya sila sa langit? Napatawad na kaya nila ako?

Nang mapunasan ay maingat ko itong binalik sa loob ng maliit na kahon kasama ang kwintas na iniregalo sa akin ng nanay ko nung nag 7th birthday ako.

Huling kaarawan ko rin na kasama sila.

Mag mula nang mawala sila ay hindi ko na kailaman sinuot ang kwintas na 'yon. I feel like I have no rights to wear that thing after what happened in the past. I sat in bed sadly.

Mula n'on ay wala na akong ibang hiniling kundi ang makasama silang muli. I want to spend more time with them. I want to hug them, kiss them, and i want them to watch me reaching my dreams little by little. I wish they were with me now cheering me up when the anxiety attacks me at night.

I just realized that i wish i had made the most of the days i was still with them.

I missed them both. I miss my parents so much.

"Ayos ka lang?" Ryma asked after entering my room.

Hawak ko na ngayon ang letter na binigay sa akin ni kuya Jed kanina sa school. At first, i thought it was some kind of love letter, but while reading this i feel something pinch in my heart. The way he said that they must fight the curse that keeps them both apart is really wondrous. And i think anyone who reads this will be touched.

I sighed because i really feel that the person in the letter is referring to me.

But i'm not Aurelia, my name is Azalea.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Ryma sa tabi ko ng hindi ko ito pansinin. She gently combed my hair causing to close my tired eyes. She knows very well when something is bothering me.

"Iyan ba ang gumugulo sa isip mo?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang letter na hawak ko.

I quickly shook my head. "No, i just suddenly missed my parents. Bukas na kase ang death anniversary nila."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Bridge of DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon