KATULAD ng gusto ni Andra ay nagtungo kami sa mangahan. Kaunti lang ang mga tao roon ngayon. Nang abutan namin, kumakain at nagpapahinga sa pinaka-malaking puno roon. Hindi katulad sa gawi ng mga hayop, malilim dito kapag tanghali. Kahit kasi may-agwat ang bawat puno ay malambong ang sanga't dahon noon. They are all huge. Masarap gawing pahingahan kapag ganitong tirik ang araw.
"Hindi ko iyan kayang akyatin." Ngumiwi si Andra 'saka lumingon kay Caliban. "Ang taas niya pala pag malapit! Pag malayo kasi, parang aabutin lang ang bunga."
"Pwede naman tayong gumamit ng panungkit. Pag hindi pa rin kaya, aakyatin ko."
"Marunong kang umakyat? Hindi ka ba malalaglag?"
"Hindi kung mag-iingat." Lumingon si Caliban sa katabing trabahador. "Pwede po bang makahiram ng sungkit?"
"Pwede naman, Sir. Kaya lang po walang net iyon. Kapag susungkitin niyo, malalaglag siya."
"Paano iyon? Baka masira, sa taas ng pagbabagsakan." Sumingit si Andra.
Kumamot sa batok iyong lalaki. "Iyon lang, Ma'am."
We're all under a big tree now. Halos lahat ng puno, may bunga na. Iyong tinatapakan namin, halos puro sirang manga. Siguro'y nagsisibagsakan kapag umiihip nang malakas ang hangin. Tama nga ang sabi ni Caliban na matatagalan ang paghaharvest kapag kaunti ang tao. Sa dami ng punong manga rito ay hindi kakasya ang sampong tao. Hindi rin naman nila pwedeng sungkitin dahil masisira.
If they don't have other way to harvest, that is.
"Aakyat na lang ako." Si Caliban.
Lahat kami ay tumingin sakanya. Andra raised her brows, tapos pinaikutan kami ng tingin na para bang nanunukat. Louisse wouldn't say anything, of course. Ganoon din ako na wala pang lakas ng loob na magsalita tungkol sa mga gagawin nito.
He's going to climb the tree to get mangoes for Andra?
I just remember how generous and kind he is towards others. Ngayon alam mo na, Liberty. Just get yourself together and stop putting baseless ideas in your head. Caliban is just someone who makes efforts for other people without a strong and solid reason. Apparently, that's just the way he is. Giving malice in his action is nonsense.
I breathed heavily.
"Sasama ako, Sir."
Mula sa gilid ay nagsalita iyong batang lalaki na sa tingin ko'y kinse ayos. Halos lahat kami ay lumingon dito. The man beside Caliban doesn't seem to be surprise to I guess he works here.
Caliban turned to him and nodded. Pagkatapos ay kumuha ito ng supot na paglalagyan. Nang magsimula nitong akyatin ang puno, agad na nagturo si Andra. Ako naman ay nakatingala lang habang pinapanood itong tumungtong sa sanga. Mataas na mataas iyon kaya't tinitignan ko pa lang ay natatakot na ako.
Parang ang careless pa ng pag-akyat nito. Nakatingin lamang sa itinuturo ni Andra. Iyong batang maliit, nakasunod sakanya at kumukuha rin pero hindi tulad ni Caliban, he looks pretty good at it.
"Ma'am Liberty, gusto niyo pong maupo?"
I looked over my shoulder to see the man Caliban talked to a while ago. He was holding a monoblock. Ngumiti ako sakanya 'saka tumango. I walked a bit to sit there. Isa ito sa mga trabahador dito sa mangahan. One of the in charge as he was the one ordering people around. Narinig ko iyon kanina nang sabihan ang mga kasama na bumalik sa trabaho.
"Salamat."
"Ma'am Liberty, mabuti ho't mabuti na ang lagay niyo. Halos mahigit isang linggo rin kayong hindi napasyal dito sa farm."
YOU ARE READING
Peaks And Valleys
RomanceLUMAKI si Liberty Villaruel na pagpipinta ang kinahihiligan. She loves art materials. She lives for the beautiful paintings she make. Pinangarap niyang maging isang kilalang artist. Kaya naman, ginusto niyang mas gumaling at mag-explore. Pinili niya...