5. Captured but saved, or not?

374 19 6
                                    

Ugh. What the---

I should have stayed on my mansion. Edi sana, wala ako sa sitwasyon na ito!

Dapat ay magrerelax ako! Pero ano 'to?! Kanina pa sumasakit ang pwet ko bawat lundag ng karwahe! Hindi ba marunong bumiyahe ang horseman na iyan?! Karelax-relax ba 'to?!

Ugh. Malas!

Maya-maya pa ay naramdaman ko na tumigil ang karwahe at may nagbukas ng pinto. Binuhat ako ng kung sino na parang isang sako ng bigas, hindi naman ako pumalag dahil dati ko ng naranasan ang ganitong sitwasyon, hindi nakakatulong ang magmatigas sa taong dumukot sa'yo. Kahit naiinis ay nanatili akong kalmado, at hanggang sa maramdaman ko na ibinaba na ako sa sahig.

"I think we've hit the jackpot today!" saka malakas na tumawa ang isang lalaki. Sana all, happy. Tsk.

"You are right. She looks like a noble lady. I guess, we can sell her for a high price." sang-ayon naman ng isa.

Dahil sobrang naiinitan na ako ay 'di ko napigilan ang mag-ingay. Dahil nakabusal ang bibig ko puro ungol lang ang nagawa ko. Mukhang nakuha ko ang atensyon nila dahil naramdaman ko ang paglapit ng isa at biglang inalis ang takip sa ulo ko. Napapikit naman ako dahil sa liwanag.

"She is a beauty!" sigaw ng isa. Tapos nagtawanan naman sila ulit at patuloy na nagkwentuhan tungkol sa mga plano nila kapag nakuha na nila ang pera.

Nang mag-adjust ang paningin ko sa liwanag doon ko pa lang nakita ang mga mukha ng dumukot sa akin.

Lima sila, mga nasa edad 40's o 50's ang tatlo at may dalawa na mukhang bata pa, mga nasa 20's yata. Hindi ko alam kung ilan ang nasa labas kaya alam ko na hindi ako madaling makakatakas.

I made a noise by mumbling. Lumapit naman ang isa.

"Do you want to say something?" sabi nito. Mabilis akong tumango.

Lumingon pa ito sa kasama para humingi ng pahintulot at agad namang tumango ang kasama nito.

Nang maalis nila ang busal sa bibig ko ay napa-stretch ako ng bibig dahil parang sumakit iyon.

Nang maging okay na ay saka ako nagsalita.

"I'm hungry. Can you please, give me something to eat? If you sell me, I believe you would get a huge amount of money, so you can say it that I'm asking for my share. A bit of food won't hurt right?" mahinahon na saad ko.

But as soon as I said those words, the sound of laughter filled the room.

"Fascinating! This little miss has her way through words!"

"She even ask for her share! How entertaining!" then they laughed as if they heard the funniest joke ever.

Sure. Laugh all you want. Mabilaukan sana kayo.

I am just trying my best to calm myself and once they let their guard down, I'll find a chance to escape.

"Sure! You can have your share! You!" tinuro nito ang mukhang mas bata na lalaki. "Untie the lady and give her food!" utos nito.

He then walk towards me. When he came near me, he untied my hands and feet, then he whispered. 'You're funny', then everything happened so fast.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari na dahilan para manigas ako.

He slashed everyone's throat in a swift seconds.

W-What the h-hell?

Napapitlag ako ng tumingin ito sa akin. He has this cold look that sent shivers to my spine. This guy is dangerous!

"W-Who are you?!" I shouted in fear. I was even trembling every step he took towards me.

"You're finally scared, huh?" He said while smirking.

Reincarnated as an extra VillainessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon