DANIEL'S POV
Nang matapos na kaming kumain, lumabas na kami nang restaurant para magpahangin."Hay salamat! Ang sarap nun!" sabi ko.
"DJ, salamat ulit sa dinner ha. Unexepected and unplanned, pero thank you. Nag enjoy ako." sambit ni Kath. DJ itago ang kilig, itago ang namumuong malaking ngiti sa mukha.
"No prob yun Kath! At least nkabawi na ako ha?" at finally, npalabas ko na rin ang ngiti kong maganda. Parang loko ka brad!
"Halika ka na, hatid na kita." I told her. Syempre, dapat gentleman pa rin. Pogi points rin to! XD
"Uh...sige. Pero before that...pwede bang may daan tayo?" she asked.
"Ano ba yun?"
"Basta ituturo ko sa'yo!" sabi ni Kath, at hinala niya ang kamay ko.
Nagulat ako doon. Parang nag slow motion yun ah. Ang lambot ng kamay ni Kath. Parang matutunaw na ako. Tama na Kath. Ang puso koooooo!
-----------------------------
"Andito na tayo!" nagmadaling bumaba si Kath ng sasakyan. Asan kami ngayon? Sa Rizal park. Bakit naman ka niyang naisipan pumunta dito?"What are we doing here Kath?" I asked her.
"Well...since you took me to dinner. I might as well return the favor. Ako naman ang bahala sa desserts!" pangiti niyang sabi.
"Marami ditong binebenta, mura na, masasarap pa! Bawal ang umayaw ha?"
Nakakatuwa talaga ang babaeng to. Ang simple ng kaligayahan sa buhay. Wala masyadong arte. Naglakad-lakad kami sa park hanggang sa nakarating kami sa maraming stalls ng vendors.
"Pili ka...sorbetes, hotcake, fishball, french fries, kwek-kwek...kahit ano, sabihin mo lang! Ay teka...kumakain ka nito dba?" she looked unsure.
"Sus, ako pa! Ano akala mo sakin, alien?"
"Hahaha! Hindi naman...pero parang pang mayaman lang kasi ata taste mo eh." hirit niya.
"Dyan ka nagkakamali! Good luck sa'yo, dadamihan ko ang kakainin ko!" I teased her. Good thing she's not pikon.
----------------------------
Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa park facing the dancing fountains."Ooh! Ayun pa oh! Ang ganda talaga ng dancing fountain dito noh?" -Kath
"Y-yes. Ang ganda nga talaga." I was staring at her. Of course, siya yung sinasabi kong maganda. Hindi niya lang alam. Ang cute talaga niya pag in awe siya.
"Uhm Kath...salamat sa libre mo ha? Hindi mo naman talagang kailangan gawin pa to eh." I said.
"Hindi kailangan, dahil gusto ko, okay? Buti lang nga eh mura yung mga chibog dito...na kaya ko yung katakawan mo! Hahaha" -Kath
Suddenly, natigilan si Kath. "Naku! 10pm na pala! Mag-aaral pa ako! Kailangan ko nang umuwi Dan-- I mean ,DJ."
"Oh sige, hatid na kita." I offered.
"Huwag na, ok na ako sumakay dito. Marami namang taxi eh." she insisted.
"Kath, hatid na kita. Hindi ako kampantecsa mga taxi na yan. Baka masakyan mo pa yung masama yung intensyon, lasunin ka pa." Please Kath, please. Pahatid ka na.
"Uhm...sige na nga. Halika ka na." and she started to walk back to my car.
Man, so much luck tonight! I can't believe it! Sana mag tuloy-tuloy na to! Please! I'm so damn happy right now, I can just go up to her and hug her this very minute!
.
.
.
Joke. Wala pa akong guts. I'll work on that. Hahaha soon, gagawin ko rin yan. Thank you so much Lord for today! Woohoo!
BINABASA MO ANG
Queen of My Heart (KATHNIEL)
FanfictionShe always thought she was a loser. But what she doesn't know is that to someone, she's special. My First #kathniel love story