A Letter For You

37 3 0
                                    

Dear Four Years Ago,

Oh..naiiinis ka na no??kasi sulat ako ng sulat dito ng tungkol sayo, hahaha wag ka magagalit bae ah?
Ito lang kasi yung way ko para hindi tumitig nalang sa kawalan..

Habang nagsusulat ako,biglang tumunog sa ipod yung 'bakit hindi ko ba nasabi?'
Naman oh!! Nang-aasar na kanta..binibwisit ako. Kasi naman eh,sa lahat lahat ng kanta sa mundo..bakit yan pa??bakit sa kantang natatamaan pa ako??
Bakit sa kantang pinapasakit ang ulo ko kakaisip sayo at ang puso ko..na namimiss ka.

Oh?natatawa ka?umalis kalang naging corny na ako?wala eh..ikaw kasi nung umalis ka,pati puso ko sinama mo pa..ayan tuloy!!
Tignan mo ang nangyari sa akin!

Pero hindi diyan ang iku-kwento at sasabihin ko sayo ngayon, gusto ko kasing sabihin na.. Mahal kita at miss na miss na kita, 2 years ago na ng umalis ka at 4 years ago na ng magtapat ka ng nararamdaman mo sa akin..

Oh?ano na naman??natatawa ka na naman??oh edi tumawa ka,pinapahayag ko lang naman ang nararamdaman ko..nagsasalaysay lang ako totoong nafi-feel ko.
Oh ayan!! Nabwisit kana hahaha pake ko ba??basta gusto ko ilabas nararamdaman ko eh=_=

Pero ano??magku-kwento ba ako??oh hindi na?

Okay,sa ayaw mo at gusto mo magku-kwento pa rin ako, ngayon may naka-chat akong lalaki na may bestfriend..ewan ko ba dun.
Oo na po,magseseryoso na.

May naka-chat ako diyan sa tabi-tabi hahaha,itago natin siya sa pangalang 'J'..
Mabait yung taong yun,kaya lang mapang-asar haha..hindi mo din maiwasan na tumawa kapag kausap mo siya kaya lang, isang fact about sa kanya na nakakuha ng atensyon ko.

May bestfriend siyang babae..na galit sa kanya at kilala mo ako,gustong-gusto ko magpayo, at makialam sa buhay ng iba..and so i meddled in.

Kinausap ko si 'J'..at nalaman kong may gusto siya sa bestfriend niya, kaya lang dalawang malaking problema?? Una,walang talo-talo sa bestfriend at pangalawa, isa siyang TORPE!
Oo torpe,tawa tayo..kinausap at pinayuhan ko siya pero ang huling line na sinabi ko sa kanya?
"Wag mo ng pakawalan at baka mawala,wag mong gayahin yung pagkakamali ko" sinabi ko, nag-iinit ang sulok ng mga mata ko at sakto ng pindutin ko ang enter ay ang syang pagpatak ng luha ko galing sa kaliwang mata.

Wag niya sana ako gayahin,wag sana siya matulad sa akin.. Wag sana, bakit? Kasi masakit..kasi yung pagsisisi,habang buhay na nakatatak eh, sa isip o puso mo man yan.

Sana maipagtapat na niya yung nararamdaman niya sa bestfriend niya,atleat sa huli wala siyang regret.. Ako kasi meron, ako kasi nagsisisi.

Ang hirap ng ganito..na para lang mapagaan ko ang nararamdaman ko, kailangan ko pang maghanap ng masisisi pero alam ko naman eh,alam ko yung totoo..
Ako,ako tlaga ang may kasalanan.

Kasi naman eh,ang tanga ko..narealize ko lang nung wala kana sa tabi ko, nungg hindi kana makita ng mga mata ko at nung hindi na kota mahawakan.

Kaya sa lahat ng nagbabasa nito: another qoute for today..
Another qoute na tagos sa puso ko.

"Appreciate what you have before it becomes what you had."

Sana i learned to appreciate you..edi sana,sana..
Puro nalang ako sana,ano bang mababago ng sana ko??

Eh kahit naman humiling pa ako,maglakad ng paluhod,at magdasal sa lahat ng santo..
Hindi magbabago na..

Kasalanan ko..

Bakit??

Kasi akala ko forever kang nasa tabi ko pero..sino nga namang niloko ko??
Wala nga palang forever

Dear Four Years Ago,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon