My Neighbour's Secret (Boyxboy)
Author: ProudSilent
Kembot 01
Sep 13 2023
Genre: Boyxboy. Comedy. Warewolves. Incubus. Super natural. Drama. Mature
~~~~~~~~~~~~~~~
SAMUEL (POINT OF VIEW)
Kasalukuyan kong dinidiligan ang mga tanim kong halaman sa labas ng aking bakuran noong matanaw ko ang isang may kalakihang truck na pumara sa harapan ng katapat kong bahay.
Kapansin pansin ang malaking pangalan na nakapaskil sa truck na 'Tim's lipat bahay' kung ganoon ay may nakabili na pala sa bakanteng bahay sa harapan ng bahay ko.
Kilala ko ang dating nakatira doon dahil minsan ay naging mabait sila sa akin. Dalawang mag asawang matanda ang dating nakatira diyan at noong kuhanin na sila ng kanilang anak sa ibang bansa ay naging bakante na ang bahay at wala na akong nakitang tao pa doon mag buhat ng umalis sila.
Ilang taon na ring bakante ang bahay at ngayon ay may bago ng titira dito.
Meaning may bago na akong kapit bahay na pakikisamahan.
Malaki ang truck at parang puno ng mga gamit meaning isang pamilya ang bagong titira dito.
Dahil may pagkachismosa ako ay nag tungo pa ako sa gate ko upang usisain ang aking magiging bagong kapit bahay. Pagkapara ng truck sa tapat ng bahay ay siya namang labas ng ilang mga kalalakihan mula sa loob nito.
Sila siguro ang mga magbaba ng mga gamit sa loob ng truck.
Infairness mga gwapo ang otoko at malalaki ang mga katawan.
Hindi naman ako nainform na may papandesal pala ditong nagaganap.
Sakto at hindi pa ako nagaagahan bwahahaha! Char! Ang harot!
Wala kasing mga suot na pangitaas ang mga lalaki at kitang kita ko ang kanilang nagpuputukang mga dibdib at papandesal sa kanilang mga tiyan.
Isa pang napansin ko ay may mga itsura rin ang mga otoko at papasa na silang mga cover ng magazine at bida sa viva max hahaha! Chor!
Ang aga aga pa pero pinagpapala na agad ng magagandang tanawin ang mga mata ko. #Bless hahaha!
Akala ko ay wala ng mas gagwapo pa sa nakita kong mga kalalakihan.
Iyon rin ang akala ko dahil paglabas ng isang nilalang(Nilalang talaga hahaha!) sa may loob ng truck ay doon ko nakita ang pintuan ng langit at isang Anghel ang bumungad sa aking mga mata.
Mga baks! Mukhang nakita ko na ang future boyfie ko! Ang hot at ang yummy niya huhuhu!
Nakatopless rin ang otoko at malaki rin ang kaniyang katawan moreno ang kaniyang kulay ngunit mas lutang na luta siya sa mga kasamang lalaki dahil ibang iba ang kaniyang kagwapuhan.
Para siyang inukit sa bato at perpektong perpekto siya mag mula sa gwapo niyang mukha pati na rin sa kaniyang masarap na katawan.
Mga ses pahinging kanin! At gagawing ko siyang ulam! Char! Hahaha!
Cannibal ka dzay?
Nakita ko ang lalaki na kinausap iyong isang lalaki at parang may pinaguusapan. Nakita ko siyang may hawak na susi at mukhang susi ito ng bahay.
Kung ganoon ay siya ang magiging bago kong kapit bahay.
Kung siniswerte ka nga naman hahaha!
Ngunit ang saya ko ay naging kalungkutan noong maisip kong baka ang pinagpapantasyahan kong otoko ay hindi na single. #SoSad huhuhu!
Kasi marami siyang dalang gamit at imposible namang mag isa lang siyang titira sa isang malaking bahay.
So ang ibig sabihin ay hindi na siya single at may asawa na siya baka nga may mga anak pa. Huhuhu!
Minsan na nga lang mag mahal naging bato pa huhuhu!
Nakita kong binuksan ng lalaking gwapo ang bahay at doon na nagsimulang mag baba pasok ng kagamitan ang mga kalalakihan sa sa loob ng truck.
Habang ako naman ay dahil sa disappointment ay muli na lamang bumalik sa pagdidilig ng mga halaman ko.
Wala ng saysay para pagpantasyahan pa ang lalaking mayroon ng may ari.
Hugot ka teh! Hahaha!
Sakit na sakit eh hahaha!
Hindi ko pa nga kilala ang otoko at ngayon ko pa lamang ito nakita ni pangalan nga niya ay hindi ko pa alam tapos feeling hurt na hurt na si ako dito hahaha!
Muli kong pinagpatuloy ang naudlot kong pagdidilig at maya-maya naman ay nakarinig na lamang ako ng mga pagkalansing sa aking tarangkahan at pagtawag ng kung sino.
"Tao po! Tao po!" ang narinig kong wika ng kung sino kasabay ng mga pagtuktok nito sa bakal kong gate.
Binitawan ko ang hawak na hose at sinilip ang kung sino mang tumatawag sa harapan ng gate at halos mapatalon naman ang puso ko sa loob ng aking dibdib noong makita ko ang otokong kanina lang ay pinagpapantasyahan ng malandi kong sarili at ang lalaking siya ring magiging bago kong kapit bahay.
Tama ba ang nakikita ng magaganda kong mga mata!
Na sa harapan ba talaga ng tarangkahan ko ang gwapong lalaki?
Pero teka! Hindi ba't may asawa na siya (Parang alam na alam mo hahaha!) kaya dapat hindi ko na siya pagpantasyahan.
Dibale crush ko lang naman siya at ang crush ay paghanga kaya walang masama sa nararamdaman ko hahaha!
Nagmamadali akong nag tungo sa aking tarangkahan at bago pa makarating doon ay pasimple ko munang pinunasahan ang pawis na namumuo sa aking mukha gawa ng aking pagdidilig ng halaman.
Syempre dapat maganda pa rin ako sa paningin ng bago kong kapit bahay.
Hahaha! Ano daw?
Ipagdasal niyo na lang ako mga accla!
Itutuloy...
A/N: Pa support po mga teh. Vote and comment are really appreciated. Thank you po.
BINABASA MO ANG
My Neighbour's Secret (Boyxboy)
WerewolfSimula noong dumating ka sa buhay ko at nalaman ko ang iyong sikreto ay naging magulo na ang mundo ko. Hindi ko alam kung bakit kahit na anong pigil ko sa katawan ko ay pilit pa rin itong lumalapit papunta sa iyo. Sa iyo na punong puno ng sikreto. A...