Kembot 03

1.5K 26 5
                                    

My Neighbour's Secret (Boyxboy)

Author: ProudSilent

Kembot 03

Sep 14 2023

Genre: Boyxboy. Comedy. Warewolves. Incubus. Super natural. Drama. Mature

~~~~~~~~~~~~~~~

SAMUEL (POINT OF VIEW)

Parang gusto ko na lang talagang kumanta ng kanta ni Kim Chiu na. Mr Right habang nagluluto ako dito sa loob ng kusina.

Alam niyo mga beh! Hanggang ngayon si Karim pa rin ang laman ng isip ko.

Sa sobrang taas nga ng libido ko kanina ay napajabol na ako sa banyo.

Syempre habang ginagawa ko ang ritual ay siya ang na sa isip ko pati na ang hot at masarap niyang katawan.

Ewan ko ba simula noong titigan niya ako kanina ay bigla na lang tumaas ang libog ko sa katawan na bihira naman mangyari dahil isa ho akong dalagang pilipina Char! Hahaha!

Hindi naman kasi ako malibog---err hindi naman ako MASYADONG malibog kaya nakapagtataka ang nangyari sa akin pero dahil maganda ako ay hindi ko na lang iistressin ang sarili ko na isipin pa ang bagay na iyon.

Kasalukuyan naman akong nandito sa loob ng kusina at nagpapakabusy sa pagluluto ng ulam dahil tanghalian na.

At syempre hindi pa tapos ang pagpapaimpress ko sa aking new Neighbour na gwapo kaya na isipan kong magluto ng ulam upang lalo pang mahulog ang loob niya sa akin.

Feeling ko naman gusto na agad ako ni Karim eh kanina lang kami nagkakilala.

Hahaha! Hayaan niyo na akong magilusyon mga accla!

Na see ko na sila kanina doon at nakita kong tapos na silang mag baba ng mga gamit, at sigurado akong pagod at nagugutom na ang Fafa Karim ko.

Kaya nilutuan ko siya ng specialty kong ulam na. Afritadang manok.

At syempre habang niluluto ko ito ay sinamahan ko na rin ng pagmamahal.

Para maramdaman ni Fafa Karim kung paano magmahal ang isang Samuel Togonon. Ang pinakamagandang bakla sa balat ng universe! Char!

Binubuhat ko na naman ang sarili ko.

Nang matapos akong magluto ng afritadang manok ay muli akong sumilip sa bago kong kapit bahay at nakita kong wala na ang mga adonis na nagbubuhat maging ang kanilang truck. Hindi ko na rin ma see sa labas kung na saan ba ang love of my life ko.

Paniguradong nagaayos pa iyon ng mga kagamitan sa loob ng bahay niya.

Inamoy ko ang sarili ko at naamoy ko sa aking sarili ang niluto kong ulam.

Mygosh! Alam kong masarap ako ah! Pero ayoko namang humarap kay Fafa Karim na nangangamoy akong ulam.

Mabilis akong umakyat sa aking kwarto at kinuha ang twalya ko sa likod ng pintuan.

Dapat mukha akong mabango at kaaya-aya sa paningin ni Fafa Karim.

Rumampa na ako papasok sa banyo at sinimulan ang ritwal ng pagpapaganda. Ganda saan? Char!

Bahala na muna kayo diyan mga accla!

Maliligo na muna ang dyosa! Hahaha!

~After 1hour & 30mins~

Isang oras at kalahati talaga ang nilagi ko sa loob ng banyo para maging fresh at katakam-takam ang sexy body ko!

Ngayon naman ay hinahanda ko na ang ulam na ibibigay ko sa aking bagong kapit bahay bilang house farming gift.

My Neighbour's Secret (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon