Kembot 02

2K 41 4
                                    

A/N: Eto na ang Chapter 2 mga teh! Kahapon ko pa ito ginawa pero ngayon lang natapos isulat at dahil excited na akong ipost ay nag update na ako. Maraming salamat sa mga nag vote at nag comment sa bago kong kwento! Lalo akong sinisipag mag sulat dahil sa inyo. Thank you po at more vote and comment enjoy 😘💖

My Neighbour's Secret (Boyxboy)

Author: ProudSilent

Kembot 02

Sep 13 2023

Genre: Boyxboy. Comedy. Warewolves. Incubus. Super natural. Drama. Mature

~~~~~~~~~~~~~~~

SAMUEL (POINT OF VIEW)

Nang makarating ako sa tapat ng gate ay bumungad naman sa aking harapan ang pawisang pigura ng bago kong kapit bahay.

O tukso layuan mo ako! Hahaha!

"Eneng kelengen nele?" Ay sinapian na naman ako ng baklang pabebe hahaha! Go go go push mo yan teh!

Ruffa mae is that you? Hahaha!

Nakita kong ngumiti ang otoko.

"Pwede bang makahingi ng malamig na tupig."

Doon ko narinig ang lalaking lalaki nitong boses. Mygod! Ang sexy!

Bedroom voice mga accla! Grrr!

"Bibili sana kami ng yelo kaya lang sarado naman iyong tindahang nadaanan namin kanina." ang tila nahihiya pang sabi nito habang kakamot kamot ng kaniyang ulo.

Aling ulo baba or taas?

Hahaha! Syempre sa taas!

Ang bad ng mga utak niyo! Hahaha!

Shet na malagkit! May pakilikili si koya!

Kahinaan ko pa naman ang lalaking mabuhok.

Basta kahit anong buhok pwera lang sa buhok sa ilong hahaha!

Pero kung siya why not? Char! Hahaha!

"Ako nga pala si Karim at ako na ang bagong titira diyan sa tapat." ang pakilala nito sa kaniyang sarili.

So karim pala ang namesung ni koya!

Bagay kami!

I mean bagay sa kaniya ang pangalan niya tunog gwapo at sexy.

Ano daw? Hahaha!

"Ake--I mean ako naman si Samuel. Pwede mo akong tawaging Sam o kaya naman ay Babe or Honey hehe."

Baboy or bubuyog? Hahaha!

Taragis ka! Sam harap harapan na ang pag lalandi mo. Hahaha!

"Joke lang! Tawagin mo na lang akong Sam or samuel ikaw nang bahala." ang nahihiya ko namang bawi sa nauna kong joke upang hindi ako mapahiya.

Narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa dahil sa kadaldalan ko.

"Ikaw pala ang nakabili ng bahay nila Nanay Sabel. Ilan kayong titira diyan?"

Nilihis ko nga ang usapan ngunit parang nanghihimasok naman ang naging tunog ng pagtatanong ko.

Ano gurl! Atat kang malaman kung single pa siya or taken na! #Landi

"Ako lang mag isa ang titira doon, sa katunayan niyan ay pamangkin ako ng dating may ari ng bahay." paliwanag ni Karim. Kung ganoon ay kamaganak pala siya nila Nanay Sabel, kaya naman pala. May pinagmanahan dahil kahit na matatanda na sila Nanay Sabel ay hindi mo ito mahahalata dahil mukha pa rin silang mga bagets.

My Neighbour's Secret (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon