ʙᴇ ᴍʏ 𝟷

82 31 0
                                    

Oras ng break syempre ang mga bata sa playground dahil maliit na ay napuno na ito wala ng pwedeng pagtambayan o laruan...private school tapos ang liit ng playground, tapos...


"Oi kabayo halika dito!"


Ang mga kupal...

( -_-)


"Unicorn tawag ka ng hari mo!"


Mga feeling...hindi ko sure kung wala silang punching bag or may gusto sa akin?

Weh?

Gusto? As in crush? Hahahaha! Patawa sa pangit kong ito? Curly hair makapal daw ang labi tapos payat medyo morena sino ang magkakagusto? Eh mas trip nila yung mga babaeng katulad ni Gladys or Jillian mapuputi tapos seksi.

( T^T)

Pagputi at seksi ko talbog kayo sa akin!


"Oi! Irina!" ah! Kainis si Erwin...ang pinakaguwapo sa klase malamang iilan lang ba kami? Labing-anim? Private eh kami ang pinakakakaunting estudyante.


"Uy tingnan nyo oh nakatitig lang ang kabayo sa akin"

"May crush ata saiyo"

"Eeeh? Hindi nga, Irina?" napataas kilay ako at tsaka inirolyo ko ang aking kilay sabay alis...nagtungo na lang ako sa room tutal kuha nila ang library hindi ako makakapag-istay doon.


Pagbalik ko sa room nakita ko si Rowell nagdradrawing ata instead na lapitan ko doon na lang ako sa upuan bumalik, hindi ko naman expected na tumabi pala sa akin...


"Sa tingin mo maganda ba drawing ko na ballpen gamit ko?" tanong niya.


Wow!


"Wow ang galing sure ka drawing mo yan?"

"Gusto mo ulitin ko?"

"Iba naman para masaya" ngiti ko


Hindi naman siya mahirap pakisamahan kaya naging close ko siya.

Ilang linggo ng nagpaalam ang aming guro na magmamaternal leave siya malay ko kung anu un basta buntis siya at need daw niyang magresign. Private school hindi pa sila nakakahanap ng bagong titser kaya...


"Oist kapag dumating si titser Tina walang magsasabi na andito kami sa kisame, ha?"

"Ok!"


Si Gladys are parang leader ng buong klase ang mga sunud-sunuran ayt sina Angge, Ruth, Jillian, at Joseph natira kami sa baba kasi pangalawang beses na yun at may nakita na ako...creepy anu?

...

Naku ayan na yung tunog ng sapatos...

...


"Aba bakit kakaunti kayo? Nasaan ang mga kaklase nyo?" tanong ng maliit na titser namin sa Math si titser Tina masungit at medyo may kulay pula ang buhok.

"Ma'am yung iba po nasa kantina pa"

"Ha?"

"Tsaka po yung iba nasa c.r. pa po" singit ni Erika na naka-upo sa likuran parang naniwala ang titser namin at ilang minuto na nagdadadada sa amin ay tsaka lang umalis ilang minuto pa...

Be My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon