Blessing with?

265 4 0
                                    

Chapter 22

Irish*
POV

Dahil sa nawalan ako ng malay. Nagising nalang ako sa ospital. Kabado ako kung bakit nakahiga na ko dito samantalang naaalala kong nagsusuka ako sa banyo kasama si...

"G-Greg! Bakit ako nandito?" Nag-aalala kong tanong kay Greg na kakapasok lang dito sa kwarto na nakakasilaw.

Nilapitan agad nya ko't hinalikan sa noo. Sabi nito kailangan kong magpahinga dahil pagod na pagod na daw yata ako sa kakagising ng maaga para maghanda ng babaunin ni Rio at kakainin namin. Sabi nya may mga kasambahay naman kaya wag na daw kasi akong kumilos at magpahinga nalang palagi.

"Paulit-ulit kong sinasabi sayo diba? Tapos sa hapon imbis magpahinga ka nagdidilig ka ng halaman eh ang lawak lawak ng Garden naten..." Sabi ni Greg.

"Kesa naman wala akong gawin Greg. Naiinip ako. Ayaw mo na nga na pumupunta pa ko sa Restaurant kase sabi mo sa bahay nalang ako't ikaw na bahala sa lahat pero syempre dapat may gawin din ako." Pakikiusap ko.

Ayan at pinipilit nanaman nya ang gusto nya dahil bilang padre de pamilya ay sya daw ang dapat gumawa ng paraan para tuloy-tuloy ang pasok ng income samin. Naiintindihan ko naman yun dahil lumawak na ang business nya at umabot na din sa ibang bansa ang pangalan ng Daddy nya kaya mas lalong lumalaki ang Kumpanya nila. Masaya ako sa blessings na natatanggap namin pero bilang ako naman ang Nanay sa pamilya o ilaw ng tahanan. Kailangan ko ding kumilos o gumawa sa gawaing bahay at ayokong umasa sa mga kasambahay.

"Hello Mr. Villa and Ma'am Irish. Kamusta ang pakiramdam nyo Ma'am?" Sabi ng kakapasok lang na Babaeng Doctor.

Sinabi kong ayos na ko't gusto ko ng umuwi. Nagpakilala syang si Doc Dianne at pinaliwanag ang gagawin ko para hindi na maulit yung ganito. Wag daw akong nagpapakapagod. Matulog daw sa tamang oras. Kumain sa tamang oras at wag magpapalipas gutom. Iwasan din daw mastress at magtubig palagi. Kumain din daw ng Gulay at Fruits para healthy ang katawan ko.

"Maselan po ang pagbubuntis nyo kaya dapat mag bedrest lang po kayo." Mahinahon na sabi ni Doc na kinabigla ko.

"B-Buntis ako?!" Sabi ko.

Napatingin ako kay Greg na masayang-masaya dahil sa binalita saamin ng Doctor. Niyakap agad ako ni Greg saka hinalikan sa labi. Masayang-masaya raw sya at excited na...

**

Kakalabas ko lang ng ospital ay dumiretso agad kami sa bahay. Natatawa nalang ako kay Greg dahil sinasabi nyang Lalaki na ang susunod nyang magiging anak kaya bibili na daw sya ng mga gamit...

*

Ilang araw lang nakaayos na yung kwarto para sa baby number 2 namin. Excited na din si Rio dahil magiging Ate na sya. Kung anu-anong toys ang in-order ni Rio at nilagay sa kwarto ng kapatid nya. Masaya akong eto na ang buhay ko ngayon at wala ng gulo.

**

Sa makalipas din na ilang Linggo habang hindi pa daw malaki ang tyan ko ay nag-propose saken si Greg sa araw mismo ng Birthday ko kung saan kumpleto ang pamilya naming dalawa pwera lang sa Nanay nyang nakakulong.

"Can you be my wife again? And I promise na wala ng annulment na lilitaw. Hindi na kita paiiyakin at sasaktan Irish. Mahal na mahal kita kaya gagawin ko lahat-lahat para sa pamilya nating dalawa..." Sabi ni Greg na nakaluhod sa harap ko.

Naluha ako sa pagpo-propose nya dahil ngayon ko lang naranasan ang ganito. Sa kanya lang talaga bilang sya lang ang lalaking tumatadhana saken. Naiyak na tuloy ako kaya pati sila Mama umiiyak na makitang masaya na ang pamilya namin at naging okay na lahat lahat.

"Mahal na mahal din kita Greg kaya oo syempre naman? Magpapakasal ako sayo ulit." Naiiyak kong sabi.

Tumayo sya't pasalubong akong niyakap at hinalikan sa labi. Nag-usap kaming dalawa na gawin ang kasal sa lalong madaling panahon dahil gusto namin parehas na unahin ang kasal bago lumaki ang tyan ko...

Money TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon