Aray

1.1K 12 0
                                    

Chapter

Irish*
POV

Sobrang sakit ng ulo ko nang magising ako. Pagbangon ko nagtaka pa ko kase wala akong saplot sa katawan. As in nakahubo ako kaya inisip ko kung may nangyari ba samin ni Greg kagabe. Maya-maya pumasok na si Greg dito sa kwarto. Kasama nya yung isang kasambahay at may dala itong pagkain para saken. Nakatitig lang ako sa ale habang inaasikaso nya yung bed table at hinain saken ang pagkain at inuming gatas.

"T-Thank you po." Sabi ko.

Ngumiti lang yung ale saka na umalis at lumabas dito sa kwarto. Nang maiwan kame ni Greg ay tinitigan ko sya. Nakatingin naman sya saken at seryoso yung reaksyon ng mukha nya kaya hindi ko mawari kung galit ba sya o talagang ganyan lang sya kase nasanay na ko sa kanya na seryoso syang tao. Medyo hirap pa tong kanan mata kong makakita kase masakit pa tyaka nakapikit pa dahil sa pagsapak nya saken kahapon ng umaga.

"Kumain kana. Wag mo na kong titigan..." Aniya.

Hindi ako kumibo. Tumingin na ko sa pagkain nakahain saken. Lugaw goto ito. Maraming laman at may itlog pa kaya napangiti ako kase matagal na kong hindi nakakakain ng ganito...

*

Matapos kong kumain naupo si Greg sa tabi ko. Wala parin akong kibo pero maingat akong umiwas na madikit ang balat ko sa kanya kase natatakot akong baka bigla nanaman nya kong saktan. Naalala kong grabe yung hilo ko kahapon nung suntukin nya ko sa mukha. Talagang nagdilim ang paningin ko pero buti nakapag commute pa ko papunta kila Owen.

"Saan ka galing kagabi..." Seryosong sabi ni Greg.

"Kila Mama." Sagot ko.

"Tumawag ako sa Mama mo. Wala ka daw dun kahapon..." Aniya kaya napalunok ako.

"Greg, ayoko ng masaktan. Okay, galing ako sa kaibigan kong bakla. Dun ako pumunta kase ayokong makita nila Mama at ng mga kapatid ko tong pasa sa mata ko." Sabi ko agad.

"Bakit? Sino ba nagsabi sayo na aalis ka dito sa bahay ha? Pinayagan ba kita?" Sabi pa nyang mukhang naiinis na sa tono nya.

"Alam kong hindi ka papayag pero pagkatapos nung nangyare kahapon syempre kailangan kong makahinga. Kung nag stay pa ko dito baka ikamatay ko pa yung pag-iyak kase wala ka namang pakelam sa nararamdaman ko. Kaya pumunta ako sa lugar na alam kong may makikinig saken." Sabi ko.

"So, kaya ka umalis? Pwede ka naman makipag-usap saken diba. Bakit kailangan mo pang makipag-usap sa iba..." Sabi nya na para bang mema nalang.

"Jusko Greg. Ikaw? Makikipag-usap saken? Kahapon lang nagpapaliwanag ako sayo na wala akong kinalaman sa wallet mo. Hindi mo pa nga tinapos yung sinasabi ko sinigawan mo na agad ako saka sinuntok ng malakas sa mukha. Kahit natumba ako kahapon dun sa sala dahil sa ginawa mo wala ka ngang pakelam. Nahihilo na ko umiiyak na ko pero sumisigaw ka parin. Kaya umalis nalang ako kesa mag stay nga dito. Please lang, isipin mo yung mali mo hindi yung porke't binenta ko na yung sarili ko sayo eh gaganituhin mo ko." Naiiyak kong sabi saka ako tumayo at pumunta sa banyo...

*

Umiiyak ako habang tinitignan ang sarili sa salamin. Hindi ko lubos maisip kung bakit pinasok ko yung ganitong buhay. Dahil nalang ba sa hirap at ayaw kong mapahamak ang mga kapatid ko kaya pumasok ako sa sitwasyon na dinadanas ko ngayon. Maya-maya pumasok si Greg dito sa banyo. Nilapitan nya ko saka tinignan sa repleksyon ng salamin.

"I'm sorry kung nasaktan kita. Naiistress lang ako kase maraming nawawala dito sa bahay. Ayun pagkaalis mo maraming nagsumbong saken kung sino talaga yung kumuha sa wallet ko. Inasikaso ko na kaya wala na sila dito..." Sabi nya.

"Seryoso? Nagso-sorry ka?" Nabibigla kong sabi sabay tingin sa kanya.

Tumango lang si Greg saka na sya lumabas dito sa banyo. Pagkaalis nya paulit ulit nang pumapasok sa isip ko yung pagkakasabi nya ng Sorry. Medyo nakagaan ito sa nararamdaman kong sama ng loob. Para bang masaya ako tyaka nakakahinga na ng maluwag...

Money TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon