Did he missed me?

849 14 1
                                    

Chapter 16

Greg*
POV

Rinding rindi na ko sa kakasigaw ni Shantel. Kakagaling ko lang kase kila Irish dahil sa hinatid ko ang anak kong si Rio at ang Nanny nyang si Alex. Medyo nagtagal nga naman ako kaya naiintindihan ko ang galit ni Shantel pero ayoko naman na pinagbibintangan nya ko sa bagay na hindi ko naman ginawa.

"I'm sure nag-sex kayo ni Irish kaya nagtagal ka dun! Bakit hindi mo nalang aminin saken ha Greg?! Alam kong gumagawa ka ng way para magkabalikan kayo ni Irish!" Sigaw ni Shantel.

"Ikaw mismo gumagawa ng ikaka stress mo. Kanina pa ko nag e explain sayo na walang ganun na nangyare? Bakit ba ayaw mong maniwala? Ano bang gusto mong mangyari para matapos na yang kakasigaw mo saken..." Sabi ko.

Galit na galit sya dahil bakit daw nagtagal ako kila Irish. Nagpaliwanag ulit ako kung bakit pero pinipilit nya talaga na nag-sex kame kaya sobrang dismayado na ko sa pag-uugali ni Shantel dahil iginagaya nya talaga ako sa gawain nya.

"Gusto mo pa bang matapos to o baka naman gusto mong magtapos na tayo? Kase naririndi na ko sa paulit ulit mong bintang. Ayoko ng ganyan. Lagi mo kong pinaghihinalaan kahit wala akong ginagawang masama. I've been working all day at ngayon lang ako nagkaroon ng pahinga dahil sa outing tapos gaganyanin mo parin ako pati dito sa bahay? Wala ka talagang pinipiling lugar Shantel. Mula dumating tayo dun kung anu-ano na yung binibintang mo saken. May tumingin lang na babae saken susugurin mo agad yung babae saka ka mag i eskandalo. Ano ba? Grow up Shantel?" Sabi ko kaya nagwala na sya.

Hinagis nya saken yung phone nya kaya natamaan ako sa mukha. Talagang nag-init ang ulo ko dahil never pa kong sinaktan ng magulang ko pero nagawa nya saken. Matalim ko syang tinignan at sinigawan na masyado ng below the belt ang mga binibintang at sinasabi nya saken. Pati pananakit ay naranasan ko na din sa kanya kaya biglang pumasok sa isip ko si Irish. Naisip ko kung paano ko sya saktan noon at pahirapan. Bigla nalang akong nakunsensiya at hindi na malaman kung paano pa aawatin si Shantel. Talagang sinira nito ang flat screen TV ko sa sala at tinaob naman nya ang lamesita. Babasagin pa naman ang lamesita kaya nabasag. Talagang nag-ingay si Shantel kaya natakot na din ang mga kasambahay at nagtago nalang sa kwarto nila.

"Enough!" Sigaw ko.

Ayaw nyang magpaawat. Tinatawag pa nya kong manggagamit at walang kwenta. Sinabi pa nito na deserve ko ang panlolokong ginagawa nya gaya ng pag-uuwi nya ng lalake dito sa bahay ko. Hindi ko na kaya marinig ang walang kwenta nyang salita kaya nilapitan ko na sya't sinampal.

*Pak!

Nag ala istatwa si Shantel at marahang tumingala saken. Bigla pa itong umiyak at nag-sorry.

"Nababaliw kana. How dare you para sabihin saken ang mga sinabi mo kanina. Ni isang salita sa mga yon hindi ko yun naranasan sa mga nakarelasyon ko lalo na sa first wife ko. Matagal kaming nagsama ni Irish alam mo yan dahil nagkakausap tayo kahit nasa ibang bansa ka. Niloloko ko si Irish kahit kasal kame dahil pinili kita at akala ko compatible tayo sa isa't-isa pero damn Shantel. Ngayon may na-realize ako. Ikaw na ikaw parin yung dating Shantel na makitid ang utak, isip bata at pavictim. Ikaw ang mali palagi kaya wag mo kong sisisihin kaya madalas kong binabanggit si Irish kesa sayo!" Sabi ko.

"N-No please Greg I'm really really sorry babe. T-Talagang naiistress na kase ako. I'm sorry sa mga nagawa ko and nasabi ko. I promise hindi na to mauulit. Ayusin nalang naten to please hindi naten kailangan mag-away. Please don't leave me Greg." Pag-iyak pa nito at niyayakap pa nya ko para maawa ako sa kanya.

Maya-maya wala akong kamalay-malay na nasa pintuan pala sila Mommy at Daddy. Nakasimangot sila sa nakita nila at napanood. Nilapitan ni Mommy si Shantel saka nya sinampal at sinabunutan. Umawat nalang ako dahil iyak nalang ng iyak si Shantel.

Money TalkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon