Nandito na ako sa loob ng kwarto ko sa bahay nila ate Abby, since may sarili akong kwarto dito. Dito ako umiyak ng umiyak at hindi ako nagoopen ng facebook account ko. Pumapasok aq sa school pero hindi ko kinakausap mga friends ko, ewan ko kasi feel ko anytime iiyak ako, gusto ko sarilihin to. Ni hindi ko nga alam balita, d ko alam kung ano nangyayare.
Rhia! Tawag saken ni mommy
Po sagot ko sakaniya
Kailangan natin umuwi sa Ilocos. Si Ate Mika mo daw. Namatay na sabi ni mama na pinanghinaan ako ng loob
Si Ate Mika? Paano namatay si Ate Mika ma? Malakas pa un si ate ah? Nakausap ko pa sya last week ano, ano nangyare sabi ko sakaniya. Ate Mika ay isa ren sa mga close ko sa pinsan ko, lagi nya ako binibigyan ng payo, bonding actually kami ni Ate Abby ung trio eh. Pero bakit, bakit siya nawala?
Anak, nasagasaan daw ng kotse, pero ung nakabangga sa ate mo, tumakbo daw ni hindi man lang daw huminto sabi ni mama saken
May cctv doon, bakt hindi ipatingin nila tita at tito ma? To identify the plate number and matrack kung sino ung nakabangga kay ate Mika. sabi ko kay mama
Pinapaimbestigahan na ni Tita Maricel mo kaya halika na sa Ilocos para makita mo ung pinsan mo sabi ni mama sakin
buti nalang at puro online class lang ako this week and masakit lang isipin na ung pinsan mong close na close sayo ay mamatay ng ganon-ganon nalang. ANO PA BA dapat ko maranasan? mahiwalay sa jowa ko, malaman na namatay na pinsan ko ano pa?! uulit ako sa 1st year ng college kc puro mababa grades ko? Ano pa ba ung gusto mo iparanas saken?
pagkababa ko ay nakita ko na sila mama and daddy na nakahanda na kaya agad ako dumiretsyo sa kotse at doon aq sa back seat umupo kc si mama ay sa passenger seat uupo. Okay na to para mas lalo ako makapag emote emote dahil sa nangyayari sa buhay ko.
After an hour
Magbless ka sa lola mo sabi ni mama sakin na ginawa ko naman
Taray, may kotse na kayo Eva? HAHAHA paarang dati lang nangungutang ngutang ka pa? o baka naman galing ren sa utang yan sabi ni tito Elmer kay mama this is it mag aaway away na naman sila magkakapamilya
Ano? ung mga utang ko binayaran ko na! yang kotse na yan sa asawa kong CEO baka nakakalimutan mo? sabi naman ni mama
Whoa! nagkabalikan na pala kayo? kaya hindi mo na kailangan humingi ng malalaking pera kay Nanay? kasi alam mo sa sarili ko tapos mo na gamitin si Nanay! bulyaw ni Tito Elmer kay mama
Bakit Elmer? ngayon lang ako humingi ng tulong kay Nanay, sainyo! pero ganyan pala kayo na kapag nakahawak ng pera ayun ung may karapatan bumoses? sabi naman ni mama ako na tahimik lang dahil alam ko na mag aaway silang magkakapatid sa oras na
Tumigil na nga kayo! Bakit nung panahon na tinutulungan ko kayo may narinig ba kayo kay Eva na masasakit na salita? Bakit kapag si Eva na ung tinutulungan ko ANG DAMING HADLANG POTANGINA! Sigaw ni Lola kila mama na silang ikihatahimik ng lahat
Kayo Elmer! Hindi porque nasa hawaii na kayo ganyan na kayong umasta kayong pamilya mo! Bakit sa tingin mo kung hindi pinagpilitan ni Jenna na kayo nalang ang kuhain sa tingin mo may mararating mo yang ganyan katayuan mo sa pwesto? At ikaw naman Erlinda! Pagsabihan mo asawa mo hindi ung sumasabat ka rin sa usapan! Nagkapera lang kayo, yumayabang na kayo! Pota sabi ni Lola ulit sakanila at lumapit sakin si Lola
Samahan mo ako sa labas sabi ni lola kaya inalalayan ko siya, pagkalabas namin ni Lola ay siyang paghangin ng malakas. Baka si Ate Mika na nagpapaalam na
Ikaw Rhianna, mag aral ka palagi, kita mo ung nangyayari ngayon? Ipakita mo sakanila na kaya mo makapag tapos. Payo sakin ni Lola. Ganyan si Lola samin tatlo. Ngayon wala na si Ate Mika, kaming dalawa na lang ni Ate Abby ngayon.
After 2 days.
Lola, gising na kakain na po tawag ko kay Lola dahil kanina pa namin siya ginigising pero hindi bumabangon
Hinawakan ko sa kamay si Lola at laking gulat ko ng malamig na ito at hinawakan ko ang pulsuhan at wala ako makapang pulso. Ayoko magisip ng kung ano-ano pero possibleng wala na si Lola.....
Mama!! Sigaw ko kay mama at agad naman sya pumasok sa kwarto ni Lola
Ma, si Lola no vital signs, ang lamig ng kamay ni Lola ma. Sabi ko sakaniya at ka agad naman siya gumawa ng kilos
Ihanda mo ung kotse sabi ni mama kaya lumabas na ako sa kwarto at pinaandar ko kotse
Aalis ka Rhia? Tanong ni Kuya Joshua saken pinsan ko
Si Lola-- hindi ko natapos sasabihin ko ng makita si daddy at si mommy na buhat buhat si Lola
Joshua! Pakisabi kila tita mo, dadalhin sa hospital si lola mo. Sabi ni mama at agad na kaming pumasok sa kotse at sinimulan ko na mag maneho.
Habang nasa sasakyan ako iniisip ko na bakit biglaan? Wala naman sakit si lola. Nagkausap at nagkaroon pa nga kami ng bonding. Anong nangyayari? Bakit parang halos lahat ng sakit sa mundo ako na nakakaranas? Hindi pa ba sapat Lord? Na iwan ako ng lalakeng mahal ko, iniwanan na ako ni Ate Mika, ngayon si Lola? Bakit? Bakit nararanasan ko to?
Nandito na kami sa hospital at agad ako tumawag ng nurse ng saganon ay mailagay si Lola sa stretchers
Rhia puntahan mo sila tita Jenna mo sabihin mo na maghintay sila dito. Sabi ni mama sakin alam ko na alam ni mama na wala na si Lola.. pero kailangan pa rin namin siya dalhin sa hospital
Rhia! ano nangyare kay mama? sabi ni Tita Jenna
Tita, maghintay nalang tayo since si mama na ang kinakausap ng doctor sabi ko sakanila
Hindi ko maalis sa isipan ko na bakit lahat ng importanteng tao sakin nawawala? nagsimula to nung naghiwalay kami ni Kean but still hindi pa rin ako bumibitaw. Kasi mahal ko eh. Mahal ko si Kean kaya kakapit at lalaban pa rin ako
Rhia report me what happened sabi ni mama sakin
Tinatawag ko si Lola non then I touched her and ung kamay niya malamig then I checked her pulse, heartbeat and no vital signs sabi ko kay mama
Ilang oras mo siya nakitang humihinga pa? sabi ni mama sakin
Actually, hindi ko alam dahil pagkapasok ko sa kwarto ni Lola para tawagin siya hndi siya sumasagot kaya hinawakan ko ang kamay niya nanlamig and doon ko na tinignan ung heartbeat and pulse pero walang vital sign exactly 3 pm. sabi ko kay mama at dahil nurse siya at ako ay isang nursing student we need to control our emotions kahit na mahirap. pero ramdam ko na unti nalang bibigay na si mama
A/N: YEHEY! MALAPIT NA SYA MATAPOS THEN NEXT UNG BEFORE SERIES #2 NA
YOU ARE READING
Before I Let You Go
AlteleAlways remember that BEFORE I LET YOU GO, Maraming beses ako sumugal, maraming beses ako nagpakatanga, maraming beses ako nagmukhang gago huwag ka lang mawala sakin. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales...